Deal

1.3K 83 0
                                        


Pagkagising ko,napakagaan ng paki ramdam ko...
Uminat -inat pa ako,bago tumayo sa higaan,lumapit ako sa bintana para makita ang sunrise..

Isang nakakasilaw na umaga ang bumungad saakin...
Saktong sakto pala ang pagkakabukas ko...

Ilang minutes pa akong ganon ang aking  pagkakaayos,ng  may kumatok sa pinto..

Lumapit ako sa higaan at madaling inayos...
Agad kong tinapos ito at lumapit sa pinto,para pagbuksan...

Pero syempre,kinapa  ko pa muna mata ko,baka may muta,abay nakakahiya kong ganon itsurang ipapakita ko..

Ng masiguro kong ayos na,binuksan ko ang pinto.

"Magandang umaga,iho"
Pag bati saakin ni Ginang Rossana..
Ay!!mali ..Ina pala..

"Magandang umaga din po."

"Halika na,kakain na tayo ng umagahan..."pag aaya nito saakin..

"Umh,sige po.susunod nalang po ako agad... gagamit lang po ako ng CR"

Kumunot ang noo nito bigla.tila nagtaka..

"Ah,iho...anong CR?"
Napatampal ako sa noo..
Ay Oo nga pala.
Makaluma pala  ang salita nila...
Ano nga ba ulit ang CR sa Tagalog?...

"Ah...ano po..yung maghihilamos po at paliguan,sa ganong lugar po?"napakamot tuloy ako sa batok  sa mga sinabi ko..

"Ah...palikuran...,"napangiti ito ..

"Haha ..ganon na nga po."

"Siya sige... sumunod ka agad ha..may panauhin tayo."
Sabi niya bago umalis  na..

May bisita pala..

Wala akong sinayang na sigundo,agad akong lumabas  para puntahan ang CR..

Ng matapos ko ng maayos ang lahat...
Agad akong sumunod kusina..
Para sa breakfast..

Pero wala pa ako sa pinto.Narinig kong nag uusap sila..
Ng buksan ko ang pinto,natigilan ako sa aking kinatatayuan..
Nakaupo doon si Lourdrick

"Lourdrick?"sabi ko ng may pagtataka

Napalingon naman ito saakin,mula sa pag-uusap nila nina Ina at amh..Ama?..hahaha...sh*t!Hindi ako sanay...

"Magandang umaga,Kaizen"nakangiting pagbati nito sakin.

"Magandang umaga din"sabi ko,sabay iwas ng tingin ko.. nakakahiya!!bakit siya nandito?
Nahihiya ako kasi di pa ako nakaipon ng lakas ng loob para harapin siya,..
Ako na nga itong  tinulungan, ako pa ang may ganang umalis ng walang pasabi at pasalamat man lang..diba? nakakahiya!where my manners?hay...

Tahimik lang akong nag umagahan,dahil hindi ko kayang harapin ang tingin na ibinibigay ni Lourdrick,kahit hindi ko naman tingnan siya,alam kong kanina pa niya ako pinapanood..

Ang tahimik sa buong mesa,tunog ng kutsara at plato lang naririnig..

Parang may mabigat na hangin ang dumaan saamin ngayon..paano ba naman parang pag may nagtangkang  isang magsalita,magiging akward na . 

Narinig kong tumikhim si Mang Canor ay!!mali na naman..si Ama pala.

Lahat kami napatingin kay Ama...

"Ayos ka lang ba.?"tanong ni Ina kay Ama...

"Oo,may naisip lang ako.."
Sagot nito..

Nag usap pa sila,paminsan minsan tiningnan ko sila habang kumakain..

Hindi ko naman kasi alam kong anong sasabihin ko.Kaya tumahimik nalang ako..
Pero mamaya ,gagawa ako ng paraan para makausap ko si Lourdrick...




....
Matapos ang umagahan,tumulong ako sa pag didilig ng mga gulay na pananim ni Ina.

Umiigib ako sa isang di kalayuang ilog mula dito,ilang metro lang naman ang layo mula sa likod bahay...

Kahoy na timba ang dala ko..Hindi naman ito ganon kalaki,sakto lang para kayanin ng lakas para buhatin...

Pagkababa ko ng timbang may laman na tubig.
Hinubad ko ang aking T-shirt...
Ginamit ko ito,para kuskosan ang pawis ko.
Wala namang tao eh,kaya ayos lang maghubad..
Banas na banas na ako eh...

Medyo mapapagod narin ako,dahil naka pang 7 balik ko na...

Matapos kong nagkuskosan ang pawis ko,sinampay ko sa kanan kong balikat at nag patuloy sa pagdidilig...








Sa kalagitnaan ng aking pag didilig.Isang pag tikhim ang nagpatigil saakin pagkilos..
Nilingon ko agad..dahil wala akong suot na T-shirt..

Napabuga ako ng hangin sa pag aakalang si Ina o di kaya si Luciana.Buti nalang si Lourdrick lang pala..

Ibinaba ko ang tabo kong hawak sa balde.
Pinagpag ko muna ang damit ko...para isuot uli..
Tamang tama ang pag punta niya,dahil nakaisip na ako ng sasabihin. 

Habang sinusuot ko ang T-shirt ko,panatingin ako sa kanyang pwesto..
Nakatingin pala ito saakin...
Grabe makatingin,parang nakatutok ng sobra..nahiya tuloy ako..
Bumuntong hininga ako,para mawala ang pagkakahiya kong naramdaman..

Hinarap ko siya..at nilapitan... nakasandal kasi ito sa isang maliit na puno habang nakatingin saakin...

"Amh... Lourdrick,..
Yung--yung tungkol sa pag alis ko bigla sa pack house mo.Um... pasensya na talaga...biglaan kasi eh..."nakayukong sabi ko.
Nakahawak ako sa aking batok, mannerisms ko yun,para makapag isip ng tama.

"Hinanap kita."sabi niya ,napaka seryoso,..lalo akong nakonsensya

"Pasensya na talaga,.Hindi ko alam ang tamang sasabihin para maka hingi ng tawad.

Amh,kung may paraan lang para mawala ang pagkakadismaya mo saakin at ng mapatawad ako,gagawin ko..."

"Mayron,may paraan,Kaizen."

Napatingin ako sa kanya... talaga?!Kung ganon,its  a good thing..bago lang ako sa lugar na ito.

At isa siyang pinuno ng lugar na ito.Hindi magandang kong may sasama ang  loob ng dahil saakin.

"Ano iyon,lahat gagawin ko para mapatawad mo ako."

"Pumunta ka sa pack house.. tulungan mo ako aking mga gawain"

"Huh??maging katulong ba?"
Actually,madali lang naman iyon,.. maging assistant lang pala eh..
Kaya ko yun.

Tumango siya saakin....
,well ..it's a deal I guess..Para narin iyon saakin,para sa bagong buhay ko dito..

Into The Forest (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon