"Lourdrick Pov"
Napakunot ang noo ko ng may kakaiba akong napansin..
Nitong mga nakaraang araw ,may pakiramdam ako na hindi mapalagay at parating balisa ang aking wolf.
Parati siya nakaalerto at naging matyag siya sa aming paligid.
Nararamdaman ko din ang mga matang nakatingin,ngunit tuwing hinahanap ko ang salarin.Wala akong mahuli.
Naging problema ko din ang paghihigpit kay Kaizen.
Dahil sa mga hinala ko...Kailan man hindi nagkamali ang pakiramdam kong ito..Na may nagmamatyag samin sa paligid.
Inatasan ko aking mga magagaling na Delta na bantayan at maging alerto sa paligid .
Nag aalala ako sa aking mate..
"Alpha..may nakita ako.. maaari ka bang pumunta dito?"
Delta"Saan ang lugar mo?"tanong ko
"Sa timog bahaging malapit sa hangganan."
Sagot niya"Papunta na ako"iniwan ko muna ang aking ginagawa.
At tumungo nga ako roonSana ngayon may mahanap na kaming sagot
Nag shift ako para mapabilis.Nang makarating ako sa kinaroroonan niya,nakita ko ang mabilis niyang pagsalubong saakin at tumungo .
"Ano ang nakita mo?"tanong ko
"Alpha,nakita ko ito sa punong iyon.Nagmula ito sa taas ng puno."sagot niya
Ng kinuha ko ito,nakita ko ang isang kagamitang kakaiba.
Isang maliit na metal na may kakaibang ukit sa katawan nito.Inilapit ko ito sa aking ilong para ito ay amoyin.
Ngunit nagtaka ako..
Kumunot ang noo ko ng wala akong nakuha.
Tila bago ito at walang senyales na may humawak nito.Tiningnan ko ang paligid..
Nakakapagtaka....
"Saan itong puno?"pagtutukoy ko kong saan nakuha ang bagay na metal
"Doon po"sabay turo sa harapan kong matayog na punong kahoy
Tinalon ko iyo at umakyat sa sanga...
Tiningnan ko ang bawat dahon at balat ng puno
At nanliit ang mata ko ng may kakaiba akong napansin.
Isang mahabang guhit,sa gilid nito may nabaling sanga .
Walang amoy ang lugar na iyon ,kundi mga dahon lamang
Pero sa nga ebidensya na nakita ko siguradong tama ang hinala ko..
Mula sa puno na aking kinapwepwestohan tiningnan ko ang paligid..muling nagsalubong ang kilay ko sa aking nakita.
Kitang kita dito sa taas ang lugar kong saan dinala ko si Kaizen..
Hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkagalit..
Naikiyukom ko ang aking mga palad sa nararamdaman ko..
Siguradohin mong hindi kita mahuhuli ..
Sa oras na mahuli kita at may hindi magandang hangarin...
Mananagot ka saakin ,pagbabayarin kita higit pa sa inaasahan mo........
"Kaizen Pov"
"Moon Festival?"tanong ko
Sabay sabay na tumango sila para iparating na tama ako.
"Teka,ano ba ang dating naganap dito ?"
"Ah,luna... kasiyahan yun kong saan ,bagong buwan at pagpapakilala mo bilang aming Luna."
Loretta
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
WerewolfLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...