Kiss

769 45 1
                                    


"Hanggang ngayon,siya parin ang iniisip mo.?"
Si Lourdrick na may mapait sa tono

"Hindi ,mas inaalala ko ang nangyari kay Gabriel..at dahil sa sinabi mo
Isa narin yan ang iniisip ko ngayon."

Nakita ko ang mabilis na pagbago ang kanyang mata..
Pero agad din naman na bumalik sa normal.

Malakas ang paghinga niya,at mukhang kinokontrol niya ang sarili niya..

Huminga siya ng malalim

Lumapit siya saakin,at umupo sa harap ko.

Nawala narin ang pagkakakunot ng noo niya.

"Pwede bang,huwag mo na siyang isipin..may pinadala na akong kailangan niya.
Kaya naman ,tanggalin mo siya sa iyong isipan.."
Sabi niya.

Nabawasan ang isipin ko dahil sa sinabi niya..Sa totoo lang...hindi mawala saakin ang kalagayan ng lalaking iyon.

"Salamat kong ganon..,

gusto kong makita si Gabriel"sabi ko

Hanggang ngayon kasi natutulog parin ang bata..
Simula ng dalhin namin siya sa pack doctor,wala parin itong senyales na magkamalay.
Parang ang himbing himbing ng pagtulog niya...
Walang sugat o kahit anong natamo para ay magpahinga ang kanyang katawan ng ganon katagal..

"Hindi,bukas na natin siya puntahan...nandon ang doctor. Hindi niya pababayaan si Gabriel.
Isa pa,gabi na at kailangan mo ng magpahinga..."

Akmang tutol pa ako pero naisip ko Tama siya..

"Sige.."sagot ko ..

......

Nakarinig ako ng isang misteryosong ingay kaya ako naistorbo sa aking pag tulog..

Napakusot pa ako ng mata ng luminaw ang tingin ko.

Ano yun??

Pinakinggan ko ulit ng mabuti...

Isang tunog,tila mga napuputol na sanga..
At parang mga tuyong dahon...

Nagsalubong ang kilay ko dahil doon...

Tumayo ako at kinuha ko ang pilak kong sandata..

Hindi na ito ang unang beses na may nangyaring ganito sa akin..

Walang ingay na lumapit ako sa bintana..para silipin.
.

Pero agad na nagsalubong lalo ang kilay ko ng makitang kakaibang kulay..
Maliwanag ang paligid dahil alam kong maliwanag ang gabi,kaya dapat lang naman likod ng bahay namin ang una kong makikita.

Lumayo ako at muling sinilip...
Ganon parin....Pero maya maya unti unti itong naging liwanag na pula..
Lumalaki ...

Ano ito???

Lahat ng balahibo ko tumaas sa takot ng napagtanto kong ano ito...
Sunod ko naramdaman ang pag kasira ng bintana na aking kaharap..

Hindi ko maigalaw ang aking katawan...Kahit na gustuhin ko.

Isang pigura ang pumasok sa madilim kong silid...

Tao....Isang tao...Ang nakita kong itim na naging pula ay mata na naka tingin din sakin..

"Lo--Lourdrick... Lourdrick!!!!!"sigaw na lamang ang nagawa ko sa takot kong nararamdaman.

Umaangil ang nilalang na nasa harap ko..Ang mata ko nakatingin sa kanya,..

Unti unting inilapit niya ang kanyang kamay sa akin.

Hindi!! Kailangan kong igalaw ang katawan ko.Kailangan kong tulungan ang sarili ko..

Into The Forest (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon