Dinner

1.3K 78 0
                                    



"Kuya, Kaizen!!"sigaw ng isang boses na nag mumula sa likuran ko.

Agad kong nilingon...

Si Luciana pala,...

Malayo layo ang distansya niya kaya pinaliit ko ang mata ko para makita ang pwesto niya ..

Kumakaway ito sakin...

Kumaway naman ako pabalik...

Masaya akong nagkita kaming muli...

Pumunta kasi ako sa bahay nila...kaya lang nahihiya ako . Nag dadalwang isip ako kung lalapit ba ako o babalik nalang sa bahay ni Lourdrick...
Tumakas lang ako saglit ,kasi ayaw akong payagan eh...
Gusto kong makausap sila ,kaya lang nahihiya ako...

"Kamusta ka na po, kuya?"sabi niya ng makalapit siya saaking pwesto..

"Maayos naman ako..ikaw ba,kayo? kamusta??nasan si Ginang Rossana"

"Si Ina,ay nandon ngayon sa loob,ng aming tahanan"

Hay...Hindi ko alam kong anong nararamdaman ko ngayon..
May saya at lungkot..
Masaya akong nakita ko ulit sila,at lungkot, dahil sa kagustuhan kong makauwi..at syempre nahihiya.

"Tara po pasok tayo.."pag aanyaya niya sakin...

Sumunod nalang ako sa kanya...

Ng makalapit na kami sa bahay nila..
Tumakbo ito ,at mabilis na binuksan ang pinto,at tinawag si Ginang Rossana...

"Ina may panauhin tayo!!"excited na sigaw nito..

"Sino?"mahinhin na tanong nito,mula sa loob.

Ng tumapat ako sa pintuan,natuwa ang reaksyon niya sa mukha...

Sinalubong ako niya sa pinto,at mahigpit na niyakap..

Nagulat ako sa inakto ni Ginang Rossana...
Nakakabigla siya..

"Masaya akong makita kang muli,Kaizen...
Salamat sa dyosa ng Buwan at ligtas at nasa maayos kang kalagayan.."naiiyak na boses niyang sabi...

Nahihiya ako ..
Ngayon lang may nagparamdam ng ganito saakin..
Ang pakiramdam na nag aalala sa iyo ng taong hindi ko naman lubos na kilala na may mabuting kalooban

Tinapik tapik niya ang likod ko...

Nanlabo ang mata ko,at nakaramdam ng init sa mukha ko..
Doon ko napagtanto na napaluha pala ako..

Ng humiwalay sa pagyakap sakin si Ginang Rossana,mabilis akong yumuko at mabilis din na pinunasan ang buti ng luha sa pisngi ko..
Shit!!na touch ako don..

"Ayos ka lang ba?"tanong sakin ni Ginang Rossana

"O--opo...napuwing lang...haha "
sabay tawa...

"Ganon ba?,siya halika ..pasok ka..maalikabok sa labas..."

Don ako sumunod papasok...
Pinaupo niya ako sa upuang kahoy at iniwan saglit para kumuha ng maiinom..

"Kuya,alam mo ba.. lungkot na lungkot sina Ina,nong matapos kang umalis...Nag aalala sila sayo..."

"Kaya nga ako nahihiya ngayon kina Ginang Rossana,dahil sa pag Alis ko ng walang nasabi..hay..nakakahiya talaga ako.."nakayuko kong sigaw


"Kaizen,iho...huwag kang mag alala,ayos lang...Hindi ka dapat nahiya..,Lubos kong naaiintindihan ang iyong nagawa."napakamaintindihin talaga ni Ginang Rossana...
Hindi ko tuloy maiwasang,mapaisip na kung what if siya nalang ang nanay ko..siguro masaya akong lumaki at hindi na ngungulila ,na naghahanap ng pagmamahal ng Isang magulang..

Napayuko tuloy ako sa pagkakahiya...

Pero matapos sabihin iyon ni Ginang Rossana,gumaan ang loob ko...
Nakikipag usap na ako ng walang masyadong guilt...





.....

"Iho,eh kung,dito ka nalang kaya saamin,bukas ang tahanan namin para sa iyo."

"Ang totoo po niyan,may nakita na po ako kanina..bago pumunta dito.."

"Hindi ako ,papayag doon , Kaizen.Dito ka nalang saamin.."nakikiusap na tono nito.

"Ibig mo pong sabihin kuya,simula ngayon dito ka na.?!"sabat bigla ni Luciana

"Mukhang ganon na nga...wala naman akong pag pipilian eh...tyaka nong pinilit kong makauwi,may nangyari masama."

"Sige na kuya,dito ka na saamin.."pag kinukumbinsi pa nito..

"Pero---"

Mag sasalita pa lamang ako ng may pumutol sa sasabihin ko.

"Dumito ka nalang ,Kaizen."sabi ni Mang Canor na kakadating lamang..

Ito ang taong nakakatakot hindi-an..
Parang hindi ako mananalo.
Tatlo na sila..

Wala na akong nagawa , tinanggap ko nalang ang kanilang pag aalok..

Dumaan ang tanghali,naging masaya ang aming oras. .
Ng nag dilim na,nag presinta akong mag luto...kaya kami ni Ginang Rossana ang nagluluto ngayon .
Wala pa si Mang Canor,nasa trabaho daw...
Kaya kaming tatlo lamang ang nandito..


"Kuya anong ginagawa mo?"excited na tanong ni Luciana

"Ito ba,ang tawag dito ay fried chicken,ito naman,adobo at tinola."

"Hala,ang dami...kakaiba din ang pangalan,ng iyong lutuin.At mukhang masarap."

"Oo nga Kaizen eh.. kakaiba,sa amoy palang ang sarap na.."

Napakamot ako sa batok sa hiya ...
Oo na,ngayon lang ako,na bati ng ganon ,ok..

"Simpleng lutuin lang po ito..Sa aming lugar."sabi ko..

Buti nalang marami silang ingredients,na perfect pag pagsamahin..
Kung ano lang makuha kong sangkap sa ipagluluto,iyon lang ginamit ko...

Natawa ako ng mahina,ng mahuli kong pakuhit kuhit na kumukuha si Luciana...

Matapos kong iluto ang lahat,si Ginang Rossana ang naghain sa lamesa,.
Ako naman,kinuha ang buko,at sinimulang kayurin gamit lamang ang tinidor,wala akong pangkayod eh..
Tapos kumuha ako ng asukal,fresh na gatas mula gatas ng baka.
At hinalo halo ang lahat.

Ng matapos kong iready ang lahat...dinala ko na ito sa hapag kainan...

Saktong nakarating na pala si Mang Canor,.

"Wow,kuya!!ano po iyan..?!"napatayong sabi nito..
Natatawa tuloy ako at nahihiya,sa mga sinasabi niya...


"Pang himagas ito...."

"Umupo ka na Kaizen,Magsimula na tayong kumain"sabi ni Ginang Rossana,na may ngiti sa labi...

Umupo na ako,at nag simula ng magdasal si Luciana..
Ako naman ,nagpasalamat din sa biyaya naming pagsasaluhan ngayon.
Ng natapos ang pagpapasalamat at pagdadasal.
Which is. ..kakaiba,kasi napansin kong dalwang beses kong naririnig na ang God nila ay dyosa ng Buwan...
Pero baka ,ganon talaga dito..
Sabagay,kasi sa lugar namin.,sa labas ng gubat doon sa syudad ,marami din namang ibat ibang religion.

Nagsimula nang kumain sila..ako naman,pinapanood ko ang kanilang magiging reaksyon sa niluto ko..
Sana masarapan sila..

Isang malakas na malutong na pagkagat ang narinig namin sa hapagkainan ..
Mukhang namang nagulat si Mang Canor,natigilan nito ng kagatin ang fried chicken..
Pero agad din naman nitong tinuloy ang pag kain...

"Kuya,ang sarap naman,nito...Ang lutong,at pati narin ang sabaw ng fried chicken.."sabi nito saakin..

"Sauce ang tawag sa sabaw na iyon."

"Kaizen,anak ..bakit di ka pa kumakain.?kain ka na..."sabi ni Ginang Rossana

"Opo"
Sagot ko at nag simula ng kumain..







































Into The Forest (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon