Alpha

2.1K 118 4
                                        

"Luciana Pov"


"Kuya!!/Kaizen!!"
Sabay na sigaw namin ni Ina.

Nakita ko ang lahat...
Hindi ako makatakbo agad sa pwesto ni Kuya Kaizen..
Pinipigilan ko si Ina na tumakbo papunta don..
Nangako ako kay Ama na hindi ko hahayaan si Ina.Kaya pinipigilan ko ito...

Hindi ko mapigilang umiyak..
Nakita kong bumagsak kay kuya Kaizen ang isang rouge..

Napatungo nalang ako...
"Kuya..!!"iyak kong tawag dito..

Tumakbo ako patungo dito..wala na akong pakialam sa rouge..
Pero bakit hindi ito,gumagalaw...

Handa ko na sanang isaksak ang hawak kong pilak na kutsilyo para ipaghiganti si Kuya Kaizen,ng may mabilis na tumakbo sa aking gilid.
Nawalan ako ng balanse at
Napaupo ako sa gulat..

"A--Alpha"yun nalang ang nasabi ko...

Biglang tumalsik ang nakadag-an kay kuya Kaizen..ibinalibag nito palayo..

Nakahiga si Kuya Kaizen..puno ng dugo ang katawan..
Muli na lamang akong umiyak...
Naawa ako kay kuya...
Hindi ko man lang siya na ihatid palabas ng gubat.. 

Kahit huwag na niyang tuparin ang sinabi niyang isasama niya ako sa syudad ayos lang,mabuhay lang siya..

Hawak-hawak ng Alpha ang kamay ni Kuya

"Hi--hindi... Hindi!! mate...
gumising ka!"

Nanlaki ang mata ko sa narinig...
Mate ng Alpha si Kuya Kaizen???!!

Binuhat ng Alpha si Kuya Kaizen...
At mabilis na umalis...

Ako naman, pinanood ko ang kanilang pag Alis..

Doon ko lang napansin,na nasa tabi ko si Ina...

"Ina"sabi ko,niyakap naman ako ni Ina.at doon ako umiyak

"Magiging maayos din ang lahat,anak"
Umiiyak din ito.Marahil ganon din ang nararamdaman...







"Kaizen Pov"

"Mate..."sabi ng isang lalaki,na katunghay sakin...

Nasan ako
..ilang minuto akong napatitig sa paligid..
Bago tinuon ang atensyon ko  sa nagsalita

Mate??  Kasamahan ata o kaibigan ang ibig Sabihin non.

Kahit nanghihina pa,dahan dahan akong umupo.

Hindi pangkaraniwan ang kulay ng kanyang mga mata...
Nakakatakot ang laki ng taong ito..
Parang katawan ng isang vikings na tauhan na napapanood ko lang sa TV.

"Teka,sino ka?,na nasaan ako?"tanong ko dito.

"Ako si Lourdrick Alvaque,masaya akong makitang ayos ka lang mate,
Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan ...??"

"Ako,ako si Kaizen,at na-nasan ako?? nasan sina Ginang Rossana??ayos lang ba sila??"

"Huwag mo silang alalahanin...nasa maayos silang kalagayan.."

Dahan-dahan ito lumapit sakin..
Umupo ito sa kamang kinalalagyan ko..
Ako nama'y na paipod ulit...

"Anong gagawin mo?"tanong ko dito.

Natatakot na ako eh..

Sa halip na sagutin , ngumiti lang ito sakin.
Nagulat ako ng hawakan niya ang kanan kong kamay..
I feel awkward,hindi ko alam kong iwawasiwas ko ba o hindi..
Sino bang hindi?lalaki kami parehas tapos bigla niyang hahawakan ang kamay ko ng ganon.!

"Mate,masaya ako na nandito kana...ipapangako ko,na hindi kita papabayaan at aalagaan kita."

Ang bait naman,niya.Kahit ngayon lang kami nag kita.Kaibigan na ang turing niya sakin...

"Mr.Lourdrick,
Maraming salamat sa pagtulong mo sakin..
Aalis na ako.Kailangan kong makita si Ginang Rossana,sa-salamat ulit"
Tinabunan ng aking ngiti ang pag kailang at pagkakahiya.
Aalis na sana ako sa kama ng pinigilan niya ako.

"Hindi,bawal kang umalis,dito ka lang,mapanganib sa labas,mate"
Seryosong sabi nito

Bigla kong naalala ang malaking aso...

"Ang aso!!,hala...
Iligtas natin sila Ginang Rossana.."
Nagpapanick ako ...
Pano kong marami pala sila....
Isa lang napatay ko.
Maraming pumasok saking isipan na kung anu-ano.
Ng bigla niyang hinawakan ang aking magkabilang balikat pagharap sa kanya...

"Huminahon ka ,mate..
ligtas sila,maniwala ka.
Nasa maayos silang kalagayan..,
ang importante nandito ka na at maayos "

Tinitigan ko ang mata niya...
Nakita ko ang  siguridad don.
Kaya napanatag ang kalooban ko.

"Pero,pakiusap gusto ko silang makita"pilit ko parin dito.Hindi ako comfortable na kasama siya..
Hindi ako mapalagay...Nakakatakot siya.

Parang pag nakagawa ako ng isang mali...
Parang sasapukin niya ako.
Sa laki ng katawan niya..
Para akong itinabi sa isang higante..
Topless lang ito kaya..kitang kita ko
Ang magandang kurba ng muscle niya.
8 pack abs..at ang mga muscle nito sa baraso hindi din magpapatalo.

Kung si Mang Canor,malaki ang pangangatawan ,itong si Lourdrick,
Sobrang lamang ng 3 beses ..

Huminga muna ito ng malalim.

"Sige, ganito nalang,papapuntahin ko nalang  sila dito...sa ngayon magpahinga ka na muna mate..,pero bago iyon.,magpalit ka muna ng damit."

Sa sinabi niya don ko lang napansin ang itsura ko..

Puno ako ng dugo.
Kaya pala ang lagkit ng pakiramdam ko at anlansa.
Kinapa ko ang part na may dugo,hindi ako nakaramdam ng sakit o sugat.
Ibig sabihin hindi ito saking dugo.

"Ito suotin mo,"sabay abot sakin ng damit na may kalakihang size...

"Maraming salamat, Lourdrick"
Nahihiyang tinanggap ko ito..












Matapos kong magbihis,
agad din akong tinulungan ni Lourdrick na makabalik sa higaan...

Hiyang hiya narin ako,at naiilang.....
Kung babae lang ito  iisipin kong sweet siyang babae.

"Matulog ka na ,Mate"
Nakaupo ito sa tabi ng kama.
Katabi ko lamang.

Tumango nalang ako.At nginitian siya bilang sagot.
Medyo gumaan  ang pakiramdam ko sa kanyang kabaitan..
Dahil kanina pa talaga akong inaantok.
Pakiramdam ko,
nakalutang ang pakiramdam ko..


Bago ako pumikit,
Maraming katanungan nasa isip ko..
Pero binaliwala ko nalamang ..

















Into The Forest (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon