Narinig ko ang mga bungisngis na nanggaling sa mga kababaihan na aming nadaraanan
Kaya ngayon hindi ko tuloy mapigilan ang pagsasalubong kilay.
May ilan ilan pang nagbubulong-bulongan .
Hindi ganon ka lakas ang pandinig ko pero may naririnig ako.
At pakiramdam ko,bakit parang kami ang pinag uusapan."Lourdrick,.."
Tawag ko sa kanyaTumigil siya sa pag lalakad at humarap saakin
"Hmm??""May napapansin bang kakaiba?"
Sabay tingin sa paligid"Wala naman,bakit??may kakaiba ba ngayon?"
Sabi niya"Kanina ko pa napapansin ang kakaibang mga kilos ng mga tao dito....
Pero..baka ako lang nakakapansin non.."sabay lakad ulit"Iyon ba..gusto mo bang malaman ang pinag uusapan nila?"
Tanong niyaAmh.. curious ako,totoo yun.
Pero baka naman pakiramdam ko lang naman kasi iyon at isa pa baka mapahiya lang ako"Hindi,huwag na."maikli Kong sagot
Sinabayan niya muli ako sa paglalakad"Ang pinag uusapan nila ay tungkol saatin"
Agad akong napaharap sa kanya
Ano?bakit kami??
"Tungkol sa atin??anong mayron?bakit nila tayo pinag uusapan?"
Nagtataka kong tanong"Sabi nila,bagay na bagay daw tayo para sa isa't-isa.
Ginawa tayo bilang isa.At kong gaano nila tayo hinahangaan."Hindi ko alam ang dapat maramdaman sa sinabi niyang mga narinig sa paligid.
Pero inaamin ko,gusto iyon ng damdamin ko
Pero,hindi ko pwedeng ipakita na gusto ko iyon.
Syempre,nakakahiya .siguro sa kanila hindi.
Pero bilang taong tulad ko na galing sa mga taong syudad at normal na kinalakihan.
Maraming mga umiikot saaking isipan na mga kahihiyan na ang totoo, utak ko lang naman ang nag sasabi non .Minabuti ko nalang na hindi mag komento sa mga sinabi niya.
Baka pag nag salita pa ako,baka madala ako ng aking isipang akong anu ano ang sasabhin na pag iwas sa totoo kong nararamdaman.At hindi niya magustuhan ang lumabas sa bibig ko.
"Tila hindi mo nagustuhan ang sinabi nila"sabi niya
Lourdrick,ano ka ba.
Umiiwas na nga ako eh.Bakit pinag papatuloy mo pa ito.Huminga ako ng malalim,at tumingin sa kanya
"Pasensya na,hindi ko maintindihan ang sinabi mo kanina.
Ang totoo niyan,may iniisip ako."
Palusot kong sagotNawala ang sigla nitong expression sa mukha,napalitan ng pagtataka
"Anong iniisip mo?baka may maitulong ba ako."
Sabay lapit saakin ng mas malapit higit pa sa kaninang distansya namin.Uminit tuloy ang mukha ko.Napagilan ko ang hininga ko dahil sa lapit niya.
"Ah...ano...naisip ko .. ah--y
Tungkol sa lulutuin ko.
Haha ano ka ba.Madali lang iyon kaya hindi mo na kailangan tumulong.Salamat sa pag tatanong"
Sabay tawa ng akwardLumayo ka naman.. munti kong dasal
"Kong ganon... maaari mo ba akong dalhan mamaya ng pagkain na lulutuin mo"
"Iyon lang ba?,sige nakakaasa ka."
Sabay tulak sa kanya ng kauntiMukhang naintindihan naman niya ang ibig kong iparating,
Lumayo siya ng kaunti kaya nakahinga ako ng matindi
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
WerewolfLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...