Vampire King

545 39 0
                                    




Tumayo ako sa pagkakaupo,at handa na sanang sumilip sa bintana.

Ngunit pinigilan ako ni Alejandro..

May kutob ako na wolf ni Lourdrick  ang umalulong.

"Luna Kaizen,huwag"sabi niya


Naiisip kong marami kaming mga kasamang mga bampira ngayon..

Gusto ko man itulak siya palayo saakin..

Pero may pinag usapan kami..huli na para,magbago ang isip ko.

Umupo nalang ulit ako,at tiniis ko ang kagustuhang silipin si Lourdrick.

'Please,huwag ka ng humabol pa,ayaw kitang masaktan .'tahimik kong dasal

"Alejandro,huwag mo siyang saktan"pagtutukoy kay Lourdrick

"Hindi mangyayari ang iniisip mo,luna Kaizen.
Ang sasakyan na ito kahit habolin niya hinding hindi niya maaabutan pa."

Natigilan ako..

"Anong ibig mong sabihin?"kinabahan kong tanong

"Nakaharang ang mga bantay sa likod ng sasakyan ito ,upang pigilan siya ."
Sabi ni Alejandro na nakatingin sa sahig ng sasakyan..
Nakikita kong na gi- guilty siya sa kanyang ginagawa.At tila ba napipilitan lang
Pero ang nararamdaman kong galit ngayon para sa kanya ay hindi mababago.

Agad na itinaas ko ang hawak kong sandata at itinutok muli ito sa kanya...

Bakit?? nakokonsensya ba siya dahil doon kaya hindi niya magawang tumingin saakin.

Dahil kong oo ,dapat lang...!!

"May usapan tayo hindi ba?,bakit parang ikaw ang sumisira sa usapan natin"may inis sa tono ko.

Tumingin siya saakin,at umiling
"Mali ang inyong pagkakaintindi...Hindi ko magagawang sumuway...
Inilagay lamang ang mga bantay upang pigilan siya...
Mas gugustuhin ko pang siya ay manatili dito ,ng sa ganon ay hindi siya mapahamak sa ating pupuntahan..mag tiwala ka, pakiusap."

Hindi ko mai-alis sa aking tingin sa kanya..
Nanginginig ang kamay ko sa kagustuhan kong itarak ang hawak kong pilak sa kanyang dibdib.

"Ano ba talaga ang gusto mo? huh?!anong gusto nyo??!bakit ayaw nyo nalang kaming mabuhay ng tahimik?"
Hindi ko na makilala ang sarili kong tinig sa galit kong nararamdaman, nanginginig ito.

"Ako wala,pero ang kapatid ko,oo...at ini-hihingi ko iyon ng kapatawaran ..."siya na napayuko.

Nagsisisi ang kanyang mga mata..

"Isa ka sa kanila ...bakit ka ganyan nakatingin??? nagsisisi ka,pero ginawa mo parin .. maraming paraan pero mas pinili mong gumawa ng mali.Na pati ang kaibigan mo,trinaydor mo pa..anong klasing kaibigan ka..??huh?"

"Ginawa ko ito dahil mahalaga siya saakin..at ayaw kong humantong pa sa kamatayan ng buhay niya ang lahat ng ito...
Mahalaga siya sa akin,at alam ng dyosa ng Buwan ang tunay kong nararamdaman...mahalaga sila sa akin.."
Nakahawak siya sa kanyang noo na doon pinakikitang sa aksyon niya,na nasa alanganin siyang sitwasyon..

Dahan dahan kong ibinaba ang hawak kong espada...

At nanghihinang umupo...

Tama siya,kong makakasunod  si Lourdrick..Hindi niya maiiwasang lumaban.
At maging dahilan pa ng ikakapahamak niya..

"Paki-usap bilisan mo ang sasakyan..."
At ipinikit ko ang aking mga mata..
Magbibingi-bingihan muna ako sa mga oras na ito.
Ayaw kong marinig ang pag tawag niya sa akin...
Baka tumalon ako sa sasakyan na ito at balikan siya..

.....

Isang malaking kastilyo ang unang bumungad sa aking mga mata ng ako'y bumaba sa sasakyan.Hindi ko mapigilang mamangha

Pero kahit anong ganda nito,hindi maitatago ang kilabot na aking nararamdaman ngayon..

Parang may kakaiba at ayaw umalis ng paa ko sa aking kinatatayuan.

Bumukas ang malaking pinto ng kastilyo.
At lumabas doon ang magkakahelera na
Nag mamartyang mga kawal ang  patungo sa aming  unahan.

Ng malapit na sila sa amin,agad silang tumigil at nahati sa dalwang linya ang bilang nila.

Nagkaroon ng daanan sa kanilang pagitan,na ipinahihiwatig nito na  daanan iyon..

Nagsiyuko ang mga taong naririto,nang maging  si Alejandro ay ganon din.

Ng sa muli kong pag tingin sa mga kawal ,isang mabilis na itim na usok ang dumaan at patungo ito sa mga kawal na nasa unahan ko lamang.

Pamilyar iyon. .at alam kong may dati narin akong nakitang pagkaka tulad noon.

Ilang sandali pa,nagkaroon ito ng anino hanggang sa nabuo na ang pagiging taong anyo niya...
Hindi ko mai-alis ang aking mga mata sa lalaking may mahaba at puting  buhok .
Ang mata niya,na maitutulad sa pulang rosas ay nakatitig sa aking mga mata,tila binabasa ang iniisip ko.

Nakita ko pa ang pag guhit ng ngiti niya sa kanyang labi at ang saya sa kanyang mga mata.

"Maligayang pag dating sa aming kaharian.Matagal na kitang hinihintay sa iyong pag dating."
Malamig ang boses niya pero may magandang tinig.

Napaka amo ng kanyang mukha...

"Ikaw ba ang  nag pagtawag sa akin?"
Tanong ko sa kanya
Hindi ako nagpakita ng ano mang emosyon.
Kahit pa na napaka amo ng kanyang mukha,hindi ibig sabihin non ay makakatakas na siya sa galit kong ginawa niya sa aming pack.

"Oo ako nga....matagal ko ng pangarap ang makita kang muli"

Nag init bigla ang ulo ko...
Pero agad kong kinakalma ang aking sarili..
At huminga ng malalim.
.
Hanggat maiiwasan kong makagawa ng pagkakamali,gagawin.

Pero ang mata ko,hindi ko maiwasang tingnan siya ng may galit
"Bakit mo ito ginawa??,sa tingin mo ba ang buhay ng isang nilalang ay isang tulad ng isang laruan na maaaring sirain at pira-pirasohin nalang basta..?"

"Hindi kita maintindihan"siya na parang inosenting sagot lalo na akong nagalit sa lalaking nasa harap ko..

Natawa ako ng may inis
"Wala kang alam?ano sa tingin mo ang ginawa mo sa aming pack??"

"Ah,...yun ba...haha bakit ko ba nakalimutan ang mga insektong yon"hindi na ako nakatiis ..
Mabilis akong bumunot ng espada at agad na siya ay nilusob .

Nakatayo lamang siya na walang Ginawang pagkilos.
Sa maliit naming distansya,agad ko siyang nalapitan.

Walang takot kong ibinaon sa kanyang balikat ang hawak kong espada.

Nakita ko ang pagtulo ng  dugo niya .

Walang sino man nag kumilos,..
Inaasahan kong ipagtatanggol nila ang lalaking ito..
Ngunit nanatili lamang nakayuko ang lahat.
Tila kaming dalwa lamang ang may buhay dito ng lalaking may maamong mukha .

Nakatingin lang rin siya sa akin..at may ngiti parin sa labi.
Tila nasisiyahan sa aking ginawa

Hindi ko pa man nahuhugot ang espada,hinawakan niya ang espada at hinigit palapit sa kanya lalo  .. nanlaki ang mata ko sa gulat..
Binaon niya lalo sa kanya ang espadang hawak ko.

Unti unting napalapit ako sa kanya dahil hawak ko ang espada.

"Anong ginagawa mo?!tanga ka ba?!"
Galit at gulat kong bulyaw sa kanya

"Oo,at dahil iyon sa iyo...."ang lapit ng mukha niya saakin.
Nakita ko ng malapitan ang mukha niya..nakita ko pa ang pag labas ng dugo sa kanyang balikat na tila tubig na kong umagos

Pero ang saya sa kanyang mukha ay nandito habang hawak niya ang espada ko palapit sa kanya.

"Nababaliw ka na!"napabitaw ako sa aking espada.
Hindi ko kaya!!.

Lintik naman!!









Into The Forest (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon