Anlamig...
Himas ng braso kong kanina pa nilalamig.....
Hindi ko alam kong anong oras na pero,
isa lang ang alam ko...
Gabi na dahil madilim na ang paligid,...Kanina pa ako nag iikot ,pabalik-balik sa kalawakan ng kakahoyang ito..
Pero kahit alam ko na ang deretso lang ang itinakbo ko...
Nabigo lang ako ng muli kong tinakbo ang pinanggalingan....Napagpasyahan ko nalang na umupo sa isang may kalaparang bato...
Pagod na pagod na ako...Hindi naman sa matakotin ako..
Pero iba parin ang nag iingat,gubat ang napuntahan ko,maraming nababangis na hayop..
Naiingat langButi nalang at alam ko pano gumawa ng apoy....
Kumuha ako ng stick,na mga kahoy na pwedeng gawing panggatong..
Buti hindi naman ganon kahangin kaya,mabilis akong nakagawa ng apoy...Agad rin namang nawalan ang palalamig ko...
Muling kumulo ang tyan ko sa gutom...
Tiniis ko nalang,at ipinikit ang aking mga mata habang nakasandal sa puno...Hindi ako natutulog,dahil Kailangan kong maging alerto.
Antahimik ng paligid...
Mga huni ng kuliglig at mga ibon lang ang aking naririnig...Nagitla nalang ako ng biglang may malaking bumagsak sa aking harapan...
Kaya wala akong sinayang ng minutes para lumayo.
Tinitigan ko ito.
Isang aso???Isang malaking aso??
Kakaiba ang size ng isang ito..
Mas malaki pa sa kabayo..
Sobrang kumunot ang noo ko...
Nawala ang gutom ko sa pagkabigla..
Umurong yata.Ngayon lang ako nakakita ng ganito..
Kumuha ako ng stick,sinundot ko ang taenga nito..Para tingnan kung buhay pa ito..
At gising..Huwag naman sana akong kainin nito.
Pero hindi man lang ito gumalaw...
At sa tingin ko,humihinga pa ito...Dahil tumataas at baba ang dibdib nito..
Wala lang malay,pero buhay...Isang hakbang ang layo ko sa kanya...
Mula sa liwanag ng apoy kong sinindihan,nakita kong marami siya sugat sa katawan..
Mahahabang sugat..
Mukhang nakipag away ito.Kahit natatakot,lumapit ako sa kanya..
Naawa ako eh..Pero sana.
Huwag magising..
Tuloy parin ang pagdurugo ang kaniyang sugat..Inikot ko ang akong paningin para sa pwedeng pang gamot na halaman..
May alam ako sa mga halamang gamot.At kung siniswerte ka nga naman...
Mayron nga..Gamit ang isa kung baong panyo.
Kinuha ko ang dahon.
Inilagay sa loob nito.
Binalot ko ito at pinukpok gamit ang bato.Ng madurog ko ito...
Lumapit ako sa sugatang aso..
Dahan dahan kong piniga sa sugat..
Nagulat pa ako bigla ng umungol pa ito.Sobrang kaba ko.
Akala ko magigising..
Siguro dahil nahapdian sa gamot..
Sa laki ba naman ng sugat,sino bang hindi di ba.Itinuloy ko naman pang gagamot ko sa kanya...
Ng hindi nagigising..Ng matapos kong gamotin,sumandal nalang muli ako puno.
Dahil narin sa pagod at antok...
Nawalan na ako ng pakialam sa paligid...
Sana magising pa ako sa umaga,ng buhay...
Dasal ko sa aking isipan.Bago ako nagpadala sa antok huli ko nalang nakita ay ang
Dalwang dilaw na ilaw...
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
WerewolfLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...