Nakatingin lang ako sa mga batang natutulog..
Hindi ko maiwasang mapangiti ng biglang sumiksik si Gabriel sa braso ko.Marami kasi akong nakwento kaya inabot na sila ng antok at nakatulog..
Habang tinitingnan ko sila pakiramdam ko nakatingin ako sa batang ako.
Naawa ako sa kanila bata lamang sila pero nakakaranas na sila ng mga nakakatakot na bagay para sa kanilang buhay.
Hinaplos ko ang ulo niya,sana matapos na ang ganitong nararanasan ng mga bata.
Ako ang nasasaktan at natatakot para sa kanila."Luna,bat gising ka pa?,hindi ka ba makatulog?"
Napatingin ako kay Gabriel,nagising bigla siya...
"Ah,hindi ako inaantok,ikaw.. bat ka nagising?"
"May narinig po kasi ako.
Kaya nagising po ako.""Anong narinig mo?"
"Tingin ko po sa labas po.Alulong ni Alpha."
"Si Lourdrick,.."
Bigla akong nabahala sa hindi ko nalamang dahilan..Ngayon lang tumakbo sa isip ko tungkol kay Lourdrick..
Kamusta na kaya siya?
Nasa maayos ba siyang kalagayan?
Sana Ok lang siya.."Malakas ang pakiramdam nyo hindi ba?"
"Kamusta ang Alpha sa tingin mo?"
" Ang alulong na iyon ay hudyat po na Tapos na ang labanan."
Biglang gumaan ang pakiramdam ko.
Mabuti naman."Hay...mabuti naman..
Makakasama mo na ulit ang mga magulang mo."masayang
Sabi ko sa kanyaPero bigla akong napatigil sa pag ngiti dahil sa nakakalungkot na expression ang nakita ko Kay Gabriel.
"May problema ba Gabriel?"
"Wala na po akong magulang,hindi ko sila nakilala simula ng sanggol pa lamang ako."
"A--ah sorry"nanghihinayang kong sagot.
Nagtaka ang mukha niya..
"Ano po yun?"
"Ang ano?"kunot noo kong tanong sa kanya.
"Ang salitang sorry?"
"Ah... ha hahaha ay Oo nga pala..
Bakit ko ba iyon parating nakakalimutan.?.. napakamot tuloy ako sa batok...Ano kasi,ang "sorry" ay salitang pag hingi ng tawad or pasensya"paliwanag ko sa kanya.
"Ganon pala yun.Bakit po may ganong klasing salita?Ngayon ko lang po kasi narinig yun."
Sabi niya."Kasi ang salitang iyon ay natutunan ko sa salitang pinanggalingan ko simula ng bata pa ako."
"Nakakamangha naman po kayo.Saang Pack po ba kayo nanggaling?"
"Ah , sa labas ng gubat ako nanggaling,tinatawag na syudad."
"May ganon palang lugar..Ang galing.."
"Bata,diba sabi mo wala ka ng magulang?sinong kasama mo sa buhay at nag aaruga sayo?"
"Wala po.Ako lang po."
"A-ano?!"gulat kong tanong
Sino bang hindi mapanganib na buhay ang mayron dito sa lugar na ito.
Tapos nag iisa siya..Sa awa ko sa bata niyakap ko siya ng mahigpit..
Nakita bigla ang sarili ko sa kanya..
Ang oras na nag iisa ako at walang tumulong sakin.
Ang oras na kumakalam ang sikmura ko nong oras na naging palabuy-laboy ako sa kalsada.
Ang hirap ng buhay na napag titripan sa lansangan..
Pero sa oras na gusto ko ng sumuko..
Dumating ang tiyahin ko nakumupkop sakin at tumulong sakin..."Luna.. Ayos lang po ba kayo.?,nginginig po kayo.May masakit po ba?"nag aalalang sabi ng bata.
Natauhan ako bigla sa sinabi ng bata.
Kinuskos ko agad ang luhang bumagsak sa pisngi ko..Lahat ng bata hindi dapat nakakaranas ng ganitong buhay..
Mga anghel ang tulad nila...Naka isip ako ng bagay na makakatulong sa kanya..Kahit pansamantala lang..
Ayaw ko ng may batang tulad niya ang makaranas at maramdaman ng mga bagay na pinagdaanan ko..
Bigla akong na konsensya sa mga inisip tungkol sa kanilang lahi..
Bakit ba kasi ang bilis kong magpadala sa isip ko..Ang kitid ng utak ko..
Padaluslos ang mga kilos ko,na hindi muna inaalam kong tama ba ang lahat o mali.."Ayos lang ako.., Gabriel?,gusto mo bang nagkaron ng pamilya.?"
Nabigla at natigilan pansamantala siya,pero agad din namang naging excited ang kanyang expression.
"Huh?...gusto ko po?!,...Pero paano po?"
"Ako? gusto mo bang maging kapamilya.?"
"Talaga po.?!pwede po ba yon?"masayang hindi makapaniwala si Gabriel sa sinabi ko.
"Oo..bibili ako ng bahay dito sa pack .At maninirahan na ako dito."
Nakangiti kong bigkas.
......
"Luna..gising,gising ka na po,nandito na ang Alpha."
Unti-unti kong minulat ang mata.. dahil boses na ng gising sakin..."Gabriel,..mamaya na inaatok pa ako."
Sabi ko bago muling pumikit"Per--"
"Shss--patulugin mo pa ako kahit 20minuto.Inaantok pa ako."
Narinig kong may tumawa ,..Pero hinayaan ko nalang..baka nagkakatuwaan ang mga kasamahan namin dito.
"Aking Luna."mahinang bulong sa taenga ko.sabay ihip ng mahina.
Na ikinataas ng balahibo ko..iyon ang pinaka sensitive part ng katawan ko kaya agad akong napabalikwas ng bangon sabay sapak kong sino mang may kagagawan sa ihip na iyon sa taenga ko..
Gawin na nila ang lahat wag lang ang pag ihip sa taenga ko.Narinig ko ang pag singhap ng mga kasama ko..
Ng imulat ko ang mata ko..nasa harap ko si Lourdrick,na siya pala ang nasapak ko..."Ah--y...sorry,sorry talaga...Hindi ko sinasadya ,ikaw kasi sa dami ng ga---"
Napatigil ako sa pagsasalita ng mabilis niya akong niyakap ng mahigpit.."Nakakabighani ang ginawa mo.Lalo mo akong pinasasabik sayo."sabi niya...
Mula sa sinabi niya..Tila naging kasing Pula ng kamatis ang mukha ko sa hiya..
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
WerewolfLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...