"Wahh..Ang ganda"manghang sabi ni Loretta
"Hindi ako makapaniwala,sa tela lamang ba talaga gawa ang mga ito?"
Isa sa mga matatandang kasamahan namin sa pag aayos."Opo,gawa ito sa tela,.."nakangiti kong sagot
"Parang totoong bulaklak,at hindi masasabing hindi totoong Bulaklak sa unang tingin"
"Isa po ito sa mga natutunan sa syudad na pinanggalingan ko.Bali ganito nalang po ang ilalagay natin napalamuti.Dahil kong hihintay mamayang hating gabi ang mga puting bulaklak,mauubusan na tayong oras.Pero wag kayong mag alala.Dahil wala pong masasayang na bulaklak na dadating mamayang hating gabi.
Ilalagay parin narin iyon sa mga dekorasyon nagagamitin bukas."Nakita ko ang mga pag sang-ayon nila sa mga sinabi ko.
Isa-isa ko silang tinuruan gumawa,mula sa pag tatahi at pag didikit ng mga palamuting nasa gitna ng bulaklak.
Sa una syempre,talagang mahirap para kanila gawin,dahil nong una ,kahit ako nahirapan din gawin sa unang subok,pero kalaunan nagawa din nila.....
"Kaizen...?"
Agad akong napatingin sa tumawag saakin
"Oh ikaw pala...anong kailangan mo?"tanong ko Kay Lourdrick
Bago bumalik ako sa pag dedesign ng bulaklak."Anong oras na ,bakit di ka pa umuuwi.?"
"Hmm,malapit ng matapos ito,uuwi narin ako pagkatapos ko dito"
"Tama na yan,bukas na yan ituloy,mag hapon ka na dyan.At mag gagabi narin.Kailangan mo ng magpahinga"
"Saglit,malapit na talaga oh.Wait bigyan mo ako ng 10 more minutes"
Tahimik lang siyang hinintay akong matapos,last flower narin kasi ang ginagawa ko.
Ilan narin kaming natitira sa lugar,pinauwi ko na ang iba dahil nasa akin ang huling bulaklak.
Matapos kong ilagay ang bulaklak sa pwesto,agad akong humarap sa mga kasamahan ko,at nag paalam na.
Panatag naman akong iwan ang lahat dahil may pack member ang naka assigned para bantayan ang lahat ng aming nagawa.
"Ang galing ng ginawa mo"
Sabi bigla ni Lourdrick habang nag lalakad kami pauwi."Umh,saan?"takang tanong ko
"Sa mga dekorasyon na bulaklak."
"Ah yun ba,wala lang iyon.Ang totoo kaya gawin ng lahat ang ganon noh"
"Pero ikaw parin nag isip ng bagay na iyon.Kaya nakakahanga ka."
Sabi niya at napakamot ng batok,na Parang nahihiyaNag sstart ba siya ng conversation?
"Kung ganon salamat.Bukas na pala noh.Nakakakaba naman"
"Huh?bakit naman?"nagtataka niyang tanong
"Syempre,ibang pack iyon."
Narinig ko mahina niyang pag tawa
Kaya sumalubong ang kilay ko sa pagtataka at namumuong inis,
Pinag tatawanan ba naman ako"Hindi mo naman kailangan kabahan,alam mo ba ,may ilang luna kang makikilala na ,tao din tulad mo."
"T--talaga,galing din ba sila sa syudad na pinanggalingan ko."
"May isa Oo,"
"Na excited tuloy lalo ako.Sa wakas may makikilala na din akong tulad ko."
Tumango tango naman siya sa sinabi ko.
"Luna!!nandito na pala kayo."
Sigaw ni Gabriel na tumakbo papunta sa amin upang salubungin kami.
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
WerewolfLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...