Hindi matanggal ang pagkaka kunot ng noo ko.
Sa maghapon na makaharap ang painosenting vampire king .
Sino ba ang hindi maiinis.
Alam kong malaki ang ginawa niyang kasalanan sa akin at lalo sa pack namin.
Pero ang makaharap ang tulad niya parang nakaka limutan ko na ang tamang dapat kong gagawin.
"Hindi mo ako madadaan dyan ..Kaya kausapin mo ako ng maayos.."kanina pa kami sa topic na ito.
Pero siya,dinadala niya ang usapan namin tungkol sa mga nangyari sa buhay niyang lang araw araw.At minsan pinipilit niya akong mag kwento sa kanya habang umiinom kami ng isang klase ng tsaa na kulay Pula..
Pero ang amoy ay rose at isang bulaklak na hindi ko matukoy kong ano.
"Ano ba dapat ang ating pag uusap?Hindi pa ba tayo nag uusap?"
Siya habang tinitingnan ang tasa may laman.
"Huwag mo na akong paikutin ,Eliuos .Sa tingin mo ba hindi ko alam na iniiba mo ang ating usapan.
Bakit ba ayaw mo nalang ako diretsohin,isa lang naman ang gusto ko eh..Ang umuwi na."
Nakatiim bagang at galit na nakatingin sa kanya ..
Kong sing talas ng kutsilyo ang tingin ng isang tao,kanina pa siya butas-butas.
Nawala ang masaya niyang expression..
At napalitan ng malungkot na mukha.
Isa pa ito sa ikinaiinis ko...
Malaki siyang tao,pero kong maka akto iyakin.
Iniwas ko ang tingin ko sa naluluha niyang mata..
Baka nakonsensya pa ako eh.
"Ayaw mo na ba sa aking ibinahagi? Wala ba akong kwentang mag kwento kaya gusto mo ng umuwi?
(Ang lungkot ng boses niya )
Hindi ko inakala na walang hindi ako nakakainteresanting hari..."
Dagdag pa niya na lalong kumunot ang noo ko
Tumayo ako at hinarap siya
"Pwede ba.! tumigil ka...
Ayaw ko na sayong kwento o kahit na ano.
Hindi rin ako interesado sayo.Kaya kong wala kang tamang sasabihin,uuwi na ako."
Napuno na talaga ako sa lalaking ito.Ngayon pinag mumukha pa niya akong isang masamang tao ..
Naglakad na ako para iwan siya,pero agad akong pinigilan ng mga bantay sa pamamagitan ng pag harang nadadaanan ko.
Humarap ako kay Elious ..
Galit na sanang sisigawan ko siya pero napatigil ako ng makitang ..
.
Umiiyak na siya doon sa sahig..Na parang batang iniwanan ng isang Ina.
Walanghiyang lalaki ito...
Napatampal nalang ako ng mukha sa hindi ko mapangalanang nararamdaman.
Nahihiya,naiinis,nagagalit ,at nakokonsensya ..
Halo-halo na nararamdaman ko..
Napa cross arm nalang ako,habang nakatingin sa kanya..
Ito ba ang hari ng mga bampira?Ang Iyakin at isip bata.
Kakaiba ito sa mga napapanood ko sa mundo naming mga bampira sa movie.
Lalong nagsalubong ang kilay ko ng itinaas niya ang kamay niya na parang inaabot ako..
Corny niya..
Sarap basagin ang mukha ...
Ibig kong matawa na magalit sa kanya
"Ano ba?!!tigilan mo na ito..ako ang nahihiya sa ginagawa mo.."
Kong nakaharap ako sa salamin,siguradong hindi na maipinta ang mukha ko sa sitwasyon ngayon..
At kong ikukumpara naman ako sa isang bulkan,paniguradong kanina pa ako sumabog sa galit.
"Hindi ba tama ang ginagawa ko??"tanong niya na nag papaawa pa lalo
Mukhang pinaglalaruan nga niya ako...
Napabuntong hinga nalang ako..
At lumapit ulit sa kanya..
Inabot ko kamay niya at inalalayan tumayo .
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
LobisomemLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...
