Mirror

608 43 3
                                    


"Caliv Pov"

"Naririto na ang lahat ng kailangan mo..ito ang mapa na dapat mong daanan .."pinakita ko sa Alpha ang mga sekretong lagusan sa palasyo ng bampira

Naririto kami ngayon sa labas ng hangganan ng nasasakupan ng kaharian ng mga bampira.
At natatawag kong isa na itong pag sisimula ng labanan

"Salamat"siya at kinuha ang mapa

Hindi lamang kami ang naririto..

Ilang Alpha ang naririto para sa laban ,at nakakarating na sa palasyo ng mga taong lobo ang kalapastanganang ginawa ng mga lahi ng bampira.

Sila ang naunang sumira sa kasunduan kaya nararapat lamang na lumaban din ang mga taong lobo.

Lalo pat Luna pa ang kinuha nila..

"Alpha Lourdrick, naririto kami at handa para sa iyong pag hudyat..dadating agad kami."isang Alpha

"Salamat mga kapatid,"si Alpha Lourdrick

Nasa panig namin ang buong kaharian ng mga taong lobo.Sa oras na mabigo kami sa misyon na ito.Ang mga tauhan mula sa kaharian ang tutungo rito.

Tulad ng napag planohan,si Alpha Lourdrick muna ang pupunta doon ..gamit ang mga gawang pang protektang gawa ni Guro.Iyon ng ginamit ko Kay Alpha Lourdrick.
Tatanggalin nito ang mga scent ni Alpha sa mga bampira.

Kaya walang makakapansing na hindi siya isang   bampira ..
Ito mismo ng araw ang aming piniling kuhanin ang Luna.

Magagawa niyang makapasok at walang makakapansin sa kanya.aakalain lamang na isa siyang panauhin sa loob.

At sana mahanap na niya agad ang Luna para maiwasan pa ang malaking kaguluhan.
Sa oras na mailabas niya ang Luna..at maibalik sa pack nila..Ang kaharian na ng taong lobo ang gagalaw para sa mga bampira na ito..
Gagamitin nila ang kasunduan at batas ng bawat isang lahi..


Ilang oras ko ng pinapanood ang ginagawa ni Alpha,mula sa salamin.
Mahika ni guro ang nagpapagana sa salamin.

Nakita ko ang paglapit ni Alpha ,sa dalwang tao...
Ang Luna at hari ng bampira..

Nag uusap sila,at nasa malapit lamang si Alpha ..

ng biglang  tila nagalit ang hari ng bampira.

Kinilabutan ako sa pamumula ng mata nito.
Sa isang iglap,
Nag bago din ang anyo niya.

At tingin ko hindi ito maganda..
Nasa panganib ang luna!!

Napatayo ako sa gulat..
Ng hinigit siya ng hari at bigla na lamang nanghina ang Luna ,napasandal  sa dibdib ng hari
..at ang hari sinalo siya at binuhat siya nito.

"Anong nangyari?"hindi ko mapigilang sabi

Napatayo ang mga Alpha at mga kasama ko ng biglang umalulong na hudyat..

Si Alpha Lourdrick!

"Humanda na sa pag sugod.."ang mga Alpha .

Inuutusan nila ang mga kasama nilang mga pinamumunuan na mga pack member.

Ang bilis ng pag kilos nila..Ilang sandali lamang at hindi ko na nakita pa sila kahit pa ang mga anino nila...

Naiwan akong mag isa..

Tiningnan ko ang salamin..

Napapaligiran ng mga bampira  si Alpha Lourdrick
Pero ang mata niya ay nakatutok lamang kay Luna Kaizen na walang malay habang  nasa bisig ng hari ng bampira.

Dahil isa akong baguhang  mag aaral ni Guro,tanging gamot at pag tingin lamang ang aking maitutulong sa kanila.

Sana maging maayos ang lahat..Dahil siguradong hindi matutuwa si Guro nito.

Into The Forest (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon