Kakaibang umaga ang sumalubong sakin...
Sobra kong ipinagtaka na,nasa gubatan ako...
Pero agad din namang nawala ang pagtataka ko ng maalala ko ang lahat...
Agad kong tiningnan ang malaking aso...
Pero malaking pagkadismaya ko ng aking makitang wala na ito sa kanyang pwesto..
Gusto ko kasi talaga sa mga aso..
Lalo yong malaking aso at mabalbon..
Dahan dahan akong tumayo..
Pinagpag-pagan ang aking short...
Umupo lang naman kasi ako basta kagabi kong saan....
Siguro naman this time,makita ko na ang daan pauwi sa bahay...
Wala na akong sinayang na sigundo,nag simula na ulit akong maglakad
Andaming tumatakbo sa isip ko..
Paano kong hindi nanaman ako makauwi?Paano kong may makasalubong akong mabangis na hayop?Tapos patayin ako at mas worst ay kainin ako..
Ayaw ko pang mamatay..
"Please naman ,sana may himala...
May mahingian ako ng tulong dito"Sabi ko sa kawalan
Pero pasalamat nalang ako at hindi ganon kainit dito.
Pero hindi maiwasang mapagod at manghina...
Walang tubig,walang kain kahapon pa at ang sakit na ng katawan ko ..
Pagod na pagod na ako..
Kailangan ko ng pagkain ..
Kanina pa ako nag hahanap ng kahit anong prutas na makakain sa daan..
Kaya lang kahit saan ako tumingin,wala eh..
Puro matatayog na nag lalakihang puno lang ang mayron dito...
Parang umiikot na ang paningin ko..
Sobrang sama narin ng pakiramdam ko.
Sumandal ako sa isang puno,ng nawawalan na ako ng balanse..
Dahan-dahan ako nagpadausdos para makaupo..
Nanghina na ang mga hita ko..
Ng ipiikit ko na ang aking mga mata..
May isang batang papalapit sakin??
Nag ha- hallucinate na ba ako?
Napangiti nalang ako..
Gutom lang ito...
"Hala,ano pong nangyari sa inyo?"boses ng isang batang babae...
Aba nga naman kinakausap pa ako.
Hmm...Wala naman akong magagawa eh..
Sakyan ko nalang.
Gawa gawa lang ng isip ko ito,dahil sa gutom..
"Haha haha ...nababaliw na talaga ako..
sige na nga ..dahil tinanong mo ako.
Alam mo bata,kanina pa ako nagugutom...
Tyaka mamamatay na yata ako."
"Huh??naku..saglit lang po,may dala po akong tubig at kaunting prutas..
Ito po oh,kainin nyo"nakangiting sabi nito ..
Nagsalubong ang kilay..
Parang totoo ang prutas...
Dahan-dahan ko itinaas ang aking kamay para .. hawakan ang prutas..
Kumuha ako ng isang pirasong ubas...
At kinain...
Ang sarap...
Dahil sa gutom sunod sunod kong kinain ang mga binigay nya..
Mukhang pati tangkay at buto hindi ko na pinili basta lunok nalang ako..
Mual na kung mual ang itsura ko ngayon.Punong puno ang bibig ko ng napatingin ako sa kanya...
Napatigil tuloy ako ng nguya.
Namula ako sa hiya.
"Mmph... tuloy nyo lang po ang kain ..
Marami pa ako dito.. "nakangiting sabi nito,sabay pakita ng mga prutas sa bag..
Nilunok ko muna ang lahat ng nasa bibig kong prutas...
"Anong pangalan mo?"tanong ko sa kanya..
"Ako po,si Luciana"
"Ako naman si Kaizen...pwede mo ba akong kurotin,baka kasi nanaginip lang ako eh.."
Hindi ko inasahang kurotin niya ako sa magkabilang pisngi ko..
At SH*T!!!!ang sakit!!!
Teka masakit?! Ibig sabihin hindi ako nanaginip.
Napatingin ako sa kanya..
Sobrang saya ko..may tao akong nakita..
Ibig sabihin makakauwi na ako..
Yes!!
"Pw--pwede mo ba akong tulungan..
Kahapon pa ako naliligaw...
At hindi ko alam paano makalabas sa kagubatan na ito"
"Huh?,ah..eh... ano po kasi,,ang totoo niyan Kuya Kaizen,hindi ko po kayo nagtutulungan...
Hindi parin po kasi ako nakakalabas ng malayo sa Aming pack"
Ano daw??
"Kung ganon,?may kilala ka bang makakatulong sakin?"
"Ah...mayron??"nagsalubong tuloy kilay ko..
Bakit patanong pagkakasabi niya..
Pero binaliwala ko nalang...
"Halika na po,dadalhin po kita sa aming Pack,nandon si Alpha,baka matulungan ka niya "
Tinulungan niya ako tumayo..
Dahil nanghihina pa ako..bumigay ang mga hita ko..
Pero nagulantang ako sa lakas ng bata..
Mapigilang niya ang pagkabagsak ko..
Hello,parang 10 years old lang ang batang babaeng ito..
Nakaya nya ako???
"Kuya,ayos ka lang ba?? Tulungan na kita."nakangiting saad nito..
Tumango nalang ako,bilang pagsang ayon ko.
Kakaibang bata,nasobrahan ba ako ng gutom,para gumaan ako ng sobra???
Napailing nalang ako..
Para baliwalain ang aking naisip.
Malayo layo din ang nilakad namin..
May nadaanan kaming waterfalls,sobrang ganda.
Napanganga ako sa ganda nito.
Kahit na nakalagpas kami , nilingon ko pa ito...
Pakiramdam ko nagha-hiking kami...
Mabato at magubat ang aming pinagdaanan....
Hanggang sa may burol kaming aakyatin.....
Anlakas at ang tibay naman ng batang ito..
Anlayo kaya ng nilakad namin..
Baka sanay lang sa gubat,sagot ng isip ko..
Sumang-ayon nalang ako.
Ng makaakyat kami,doon bumungad sakin ang isang village...
"Wow,ang ganda.."hindi ko napigilang komento
"Talaga po... salamat"nakangiti ito sakin...
Nakaupo kami ngayon sa tabi ng puno,sa tuktok ng burol...
"Saglit lang po ha,padating na po dito si Ama,para tulungan tayong makarating sa aming tahanan"
"Huh? paano?"nilingon ko paligid para tingnan ang tinutukoy niyang ama,pero wala naman akong nakita.
Nakakapagtaka ang batang ito...
Paano naman niya nasabi na papunta na dito kung hindi naman niya tinawag...
Aha,yun na nga...!!
alam ko na ,baka tuwing ganitong oras parati dumadaan ang kanyang ama dito..kaya alam niya..
Patango tango nalang ako...sa aking isipan.
"Nandyan na po si Ama"sabay tayo,at turo sa lalaking naglalakad papunta samin...
Lalo tuloy akong na pa wow..
Anlaking tao kasi ang tinutukoy niyang ama...
Pakiramdam ko nanliit ang height ko...parang hanggang dibdib lang ako nito..
Nakakamangha din ang mga muscle nito sa dibdib at baraso ..
Daig pa nito ang nga wrestler kong nakikita sa TV..
Pero doon nasagot ang pag iisip ko pa kinana tungkol sa bata..
Ama niya yun..
Malang sa malang doon iyon nag mana.Anlakas eh..
"Ama,siya po si Kuya Kaizen,naligaw po siya sa ating kagubatan.."
"Maganda araw po"
Yun lang nagawa kong sabihin..
Ang seryoso kasi nito makatingin..
Parang kinikilatis ako nito..
Mula ulo hanggang paa ako nito tiningnan...
Kinabahan tuloy ako..
"Maganda araw din sa iyo, Kaizen...,
Kaya mo bang maglakad??,"tumango lang ako..
Kahit pa nanghihina parin ang mga hita ko.. nagagawa ko namang sumunod..
Kasabay ko naman si Luciana..nakaalalay sakin..
"Dito sa aming bayan,hindi nakakapasok ang mga taong hindi inimbita..kaya pinasundo ako ng anak ko para pumuntahan kayo "
Hindi sa kalayo-an,may nakita akong bahay..
Gawa ito sa mga kahoy at mga kawayan..
May bakod din..
Hindi pa kami nakakalapit ng bumukas ang pintuan...
May isang babae ang lumabas doon..
Napakagandang ginang...
Ngumiti ito ng nakita kami..
Napangiti din ako sa kanya..
"Ina!"masayang tawag ng batang katabi ko..
Mama niya pala...
"Maligayang pagbabalik, mga mahal ko."nakangiting salubong samin..
"Ina,ito po si Kuya Kaizen..
Nakita ko po siya sa kagubatan..
Naliligaw po siya..."
Ngumiti naman ito sakin...
"Ganon ba?..,halikayo pasok muna..
Dito tayo sa loob mag usap...at ng makapaghinga narin kayo."
Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya..
Parang sobrang welcome ang pagtanggap niya...
Tumango nalang ako at ngumiti..
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
Lupi mannariLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...
