Attack

1K 58 1
                                    

Nakangiting  pinakikiramdaman ko ang simoy ng gabi..

Ito ang isa sa nagustuhan ko sa lugar na ito.Kahit gabi na,ang liwanag ng paligid
At napaka presko.

"Anong ginagawa mo diyan?"tanong bigla ng bagong dating na si  Lourdrick

Napatingin ako sa kanya.

"Wala naman,gusto ko lang na malamig na hangin."

"Hindi makakabuting nandito ka sa labas,malamig na at manipis pa ang damit mo.Baka magkasakit ka ."

"Hindi yan.Medyo binabanas nga ako eh."

"Sige kung yan ang nais mo.Sasamahan nalang kita dito."

"Sos,wag na...Alam ko namang pagod ka mula sa trabaho.Sige na magpahinga ka na.
Maya-maya papasok narin ako."

"Hindi,mas maayos na samahan kita dito."

"Okay,bahala ka...

Ay saglit!nakakain ka na ba?"
Bigla kong tanong..

"Ang totoo nyan,hindi pa."sabi niya kaya napatayo ako.

Bakit naman?,galing na siya sa pack house ah, impossible na hindi siyang pagsilbihan ng mga katulong doon diba?

Pero mukha siyang seryoso at hindi nabibiro..
Napabuntong hininga ako.

"Halika,ipag luluto kita."

"Kaya mo pa ba?baka pagod ka na sa maghapon. wag nalamang may mga prutas akong dala.
Iyon nalang ang kakainin ko para sa hapunan."

"Hindi,ipagluluto nalang kita .Mas mainiman na kumain ka ng tamang hapunan. Sige na , pumunta ka narin sa kusina.."

Sabi ko at nauna ng pumunta sa kusina upang magluto..

Hindi naman ganon katagal ang inabot sa pagluluto,dahil may natirang ulam kanina,ininit ko nalang at dinagdagan ang mga gulay at ilang sahog na pangpapasarap.

Ng gabing iyon,napaisip ako...
Ano bang trip na buhay ito.?
Magmumukha kaming isang pamilya eh..

At Ito pang  si Lourdrick ,naghihinala na akong may iba siyang agenda.
Sa kilos at mga tingin niya parang may ipinararating...
May ilan akong hinala pero ayaw kong pangunahan ng aking isip.
Baka assuming lang eh, mapahiya pa ako ng wala sa oras.

Marami pa akong naisip bago pumikit ..








Nagitla ako sa aking pagtulog,mabilis akong bumangon dahil, nakakarinig ako ng sigaw..
May iyak  at parang tunog ng isang labanan..
Mga angil at alulong.

Kinabahan ako,sing bilis ng kidlat tumayo ako at tumakbo para hanapin si Gabriel..

Hindi pa man ako nakakatapat sa pinto ng silid ni Gabriel,narinig ko ang pagbagsak ng pinto sa unahang pinto..

Hindi... Kailangan kong mailayo si Gabriel dito.

Pero agad na bumungad saaking mga mata ang mabilis na kilos ng isang nilalang at dala dala nito si Gabriel na Walang malay..

Nanlalaking mata kong sinundan ng tingin.
Panandalian tumigil ang lahat.
Pero ng makalayo na ang nilalang,doon lang ako nagising sa malalim na pagkaka stock.

"Gabriel!!"sigaw ko

Dumampot ako ng isang matilos na kawayan,parte ng pader at design ng bahay.

Hindi ko naisip ang kaligtasan ko,basta ang alam ko Kailangan kong humabol para makita kong saan si Gabriel dadalhin..
Habang nakikita ko pa siya..

Sumunod ako ng sumunod ,nakita ko ang daan niya ay patungo sa gubat..
Tinanggal ko ang namumuong takot sa aking dibdib.

Bumulong ako sa hangin,kung totoong malakas ang  pandinig ng isang taong lobo.
Sana marinig niya ang mensahe ko.

"Lourdrick,kung naririnig mo ako,o kung sino man ang makakarinig saakin..
Pumunta ako sa gubat,hinahabol ko ang nilalang na kumuha kay Gabriel.Sisikapin kong iligtas ang bata."
Sabi ko  habang tumatakbo..

Sana  may malaking himala at makaligtas ako at si Gabriel

Sa tulong ng liwanag ng buwan,nakita ko ang daan at palayo ng palayo sa pack..

Sa aking pwesto nakikita ko parin ang paglayo ng nilalang na mukhang tao pero hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya..

Tumalon ito papunta sa kweba,na hindi kalayuan ng aking pwesto,...
Sinundan ko ito hanggang sa tumapat na ako sa  kwebang napakadilim..

Hingal hingal akong Napahawak sa pader ng kweba.
Ang sakit ng tagiliran ko sa pag takbo..
Wala na akong oras magpahinga,kailangan ako ni Gabriel..

Dahan dahan akong pumasok sa kweba,nangangapa man,itinuloy ko ang paglalakad.
May silbi din ang hawak kong kawayan. Sa lagay ko ngayon..para akong bulag na may hawak na kawayang mahaba,...

Ng ilang minutong paglalakad,nakakita ako ng liwanag,..
Hindi tulad ito ng liwanag ng isang apoy. Parang umagang sinag..Pero
Impossible,kasi gabi pa sa kabilang pinanggalingan ko..
Puno ng katanungan ang aking isip,tumuloy ako sa paglalakad..

Gulat na gulat ang expression ko..
How's that possible??paanong tanghaliang tapat sa unahan ko.??

Sa ganong sitwasyon,may hindi ako inaasahang sumalubong saakin...
May umatake saakin,at gumulong gulong kami sa lupa..
Todo ako salag,gamit ang hawak kong kawalan ,itinutok ko sa kanya ang dulong bahagi,at buong pwersa kong initarak sa kanya,..

Pero nabali lamang ang hawak kong kawayan..
Nabitawan ko ang hawak ko ng sinakal na niya ako..
Doon ko nakita ang mukha ng nilalang na gustong pumatay sa akin sa mga oras na ito..

"Sino ka?!!!anong ginagawa mo dito,mortal!!?"galit na galit na sigaw nito saakin..

Pilit kong nilabanan at hindi magpanick sa nga oras na ito..
Kailangan kong subukan kahit napaka impossible..
Nanlalabong tingin,at pakiramdam ko mauubusan na ako ng hininga.
Kinapa ko ang gilid ko, at swerte nalang kong gagana nalang ito..

Mabilis kong kinuha ang bato at hinampas ito sa kanyang ulo.
Nabitawan niya ako,at gumulong siya paalis saaking  taas,

Habol hininga akong nakahawak sa leeg ko,dumampot ulit ako ng bato.
Lalaban ako ,kung gusto niya ng laban..

"Lapastangang mortal.Sumapain ka."
Sabi niya galit na galit..

May itinaas siyang isang stick,kinumpas niya ito at lumutang ang bato,

"Harry Potter ba ito?"tanong ko saakin sarili na nababaliw na yata.

"Tanga!! Anong Harry Potter sinasabi mo,mortal.Ang pangalan ko ay Eunnia.At ikaw mortal,katapusan mo na,dahil sa pagkakasala mong pumasok ka dito sa sagradong lupain ng aking mga ninuno,upang kuhanin ang mga  sagradong aklat."sabi niya na parang puputok na ang ugat sa sintido..

Anong magnanakaw..napagbintangan pa ako.litchugas na babae ito.

"Saglit,bago mo ako patayin,hindi mo ba man lang aalamin ang pinunta ko dito.?Pag paliwanagin mo naman ako.Hindi ito makatarungan."

"Kanina ko pa tinanong"galit niyang sagot

"Totoo yun,pero anong ginawa mo kanina,papatayin mo agad ako kanina,na hindi ko man lang nagawang magsalita.Sinakal mo kaya ako.Paano ako makakapagsalita.'

Sa itsura niya,napaisip siya..
Bumagsak ang nakalutang na bato.

"Sige,magpaliwanag ka,pero pag nagsalita ka ng kasinungalingan at linlangin ako..Magbabayad ka ng sobra,hinding hindi kita mapapatawad."
Sabi niya na hindi maipinta ang mukha...

Nakita ko ang pag tulo ng dugo mula  kanyang ulo..
Nakonsensya naman ako sa aking nagawa.




























Into The Forest (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon