Matapos naming kumain,nagkausap usap kami ng mga ilang nakakatawang bagay..
Walang natira sa naluto,ubos lahat...Hanggang sa napag usapan namin na,
kung anong itatawag ko sa kanila..
Hindi na Ginang Rossana at Mang Canor ang itatawag ko,..dahil hindi na daw ako iba sa kanila,tapat lang na "Ina at ama"narin dapat daw ang itawag ko sa kanila..
Hiyang hiya ako,grabe..Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman...Parang inampon na ako sa sitwasyon ko ngayon...
I feel akward...
Pero may parte sa puso ko na tuwang tuwa.
Na sa wakas may matatawag na akong pamilya..."Kuya,ito oh ,bagong kumot..."sabay abot ng nakatiklop na kumot..
"Salamat"nakangiti kong sabi
Tinanggap ko ito,at inamoy..
Ang bango ,amoy bulaklak...
Parang amoy Rose..."Alam mo kuya ,kagagawa lang yang kumot na yan..ginawa ni Ina para sayo,nong mga oras na nasa pack house ka pa..."
"T--talaga?"grabe na ha...Ang sweet naman talaga ni Ginang Ros---ay mali!! Ina pala..
Tumango tango ito sakin...
Nakangiti ko itong tinanggap...
Mahigpit kong niyakap..
Natutuwa ang puso sa mga ganitong bagay...
Kahit simple na maliit na bagay..malaki na iyon para sa akin...
Na appreciate ko ang lahat.."Pasabi,kay Ina.Maraming salamat.Nagustuhan ko."
"Sasabihin ko po ,kuya"
Matapos niyang umalis sa silid,inayos ko na ang higaan ko..
Lumapit ako sa bintana para isara ,ng mahagip ang mata ko,parang anino...Nagkibit balikat lang ako..baka,damo lang iyon ,tapos nag kurte tao lang...
Nag dasal ako bago matulog...Pero bago
Ako pumikit,pumasok sa isip ko si Lourdrick ...Sana hindi siya magalit sakin..dahil umalis lang ako bigla..Bukas aagahan ko,pupunta ako sa pack house,at magpapaliwanag..
.......
"Canor Pov"
"Magandang gabi,Alpha..."
Yumuko ako bilang ,pag galang sa aming pinuno..Tinanguan lang niya ako..
Ramdam ko na hindi maganda ang kanyang gabi."Alam mo ,kung anong pinunta ko dito,gusto ko siyang makita."
Malamig na sabi nito..At hindi maganda ang hatid nito saakin.."Na--nasa silid ,na niya at nag papahinga , Alpha.Tuloy po kayo ,sa munti naming tahanan.Ihahatid ko po kayo sa kanya."
Binuksan ko ang aming pinto,at nauna na akong pumasok ,rinig ko ang pag sunod niya sa likuran ko..
Dahil maliit lang ang aming tahanan...
Agad kaming nakarating sa pinto ng silid ni Kaizen..Akmang kakatok na ako sa pinto,ng bigla niya akong pinigilan...
"Ako na,iwan mo ako dito,ako na ang bahala"
Wala na akong nagawa,tumango nalamang ako at tumalikod na para iniwan siya.."Lourdrick Pov"
Maingat akong lumapit sa nagpapahinga ko ng mate..
Dahan dahan akong umupo sa lapag.
At marahan na hinaplos ang kanyang mukha...Napakagandang niyang panoorin,kahit saang parte,na paka perkerto niyang tinggnan....
Hindi ko mapigilang tuloy na magalit sa tuwing pinapanood siya ng mga unmated werewolf...
Natural na magagalit ako,mate ko siya,kaya ganito ako..
Ayaw kong may magtangkang umagaw sa kanya mula saakin...
"Bakit mo ako iniwan kanina?,hindi mo alam ,kung gaano ako nag alala sayo,hindi ko tuloy maiwasang isipin na tumakas ka na naman..."
Sabi sa natutulog kong mate..Napabuntong hininga ako...
Unti-unti akong yumuko para halikan siya..Isa lang talaga...Pero ang isang pagnanakaw ng isang halik,hindi ko nagawa...
Bigla siyang gumalaw at tumalikod sakin..
Napaungot pa ito..Napatawa tuloy ako at napailing iling...
Pero natigilan ako sa sunod na ngyari..
"Lourdrick"sabi niya sa kanyang pagtulog
Lumipat ako ng pwesto,para makaharap ko ulit siya...
"Nandito ako mate,"nakangiti kong sabi...
Masaya ako at napapanaginipan niya ako..."Lourdrick,....aso--"
Nagsalubong ang kilay ko sa narinig ko...
Sinong aso?!a-ako ba ang sinasabi niya..
Bumuga ako ng hangin,para tanggalin ang inis ko..."Mahal"dagdag na nito...
Nawala ang inis ko,at muling napangiti..
Lumapit ako sa kanya,at humalik sa kanyang noo...
"Mahal kita..Akin ka lang ,mate....
pero
bukas ang parusa mo.."
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
WerewolfLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...