Nasa opisina ako ngayon ni Lourdrick...
Kahit naman hindi niya sabhin halata naman..
"Mate,maupo ka dito."
Tawag niya sakin..Tiningnan ko ang inaalok niyang upuan na nasa harap ng kanyang table. ..
Umupo naman ako.
Tiningnan ko naman si Mang Canor sa kanyang kinauupuan...Na nasa kabilang side lang...
Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan.
Wala akong dapat sayanging oras.... Kailangan ko na talagang makausap Si alpha .."Mate,gusto kong magpakikalala sa iyo.Gusto kong makilala mo ako."
Nagtaka man
Tumango na lamang ako para sabihin na ituloy niya.."Ako si Lourdrick Valkue. Ang Alpha ng lugar na ito."
What?!siya ang Alpha...?!
"I--ikaw ang Alpha??"sabay turo sa kanya..
Pero agad ko din ibinaba ang aking kamay...
Masamang mag turo."Oo,ako nga."
"Bakit mo ngayon lang ito sinabi?"
"Gusto kong sabihin sa iyo .. kaya lang dumating si Canor nong oras na sasabihin ko kanina.."paliwanag niya..
Anong ibig sabihin nito..?na wala na talaga akong chance na maka-uwi...
"umh,ngayon palang pinagpapasalamat ko ang mga naitulong at binigay mo sa akin Lourdrick... maraming salamat sa lahat,pero tulad ng sinabi ko kanina...
Nasa labas ng gubat ang tunay kung tahanan...
Hindi ko kayang tumigil dito at walang gawin...
Mamatay man ako...at least sinubukan kong gumawa ng paraan para makaalis sa lugar na ito."May nag growl akong narinig,parang tulad ito ng tunog ng malaking aso kagabi na nugod sa amin.
Inikot ko ang aking mga mata sa paligid para hanapin ang pinagmulan..
Pero wala akong nakitang kahina-hinalang may halimaw dito.
Niloloko lang yata ako ng aking pandinig...
Kaya binaling ko nalang ulit ang aking atensyon kay Alpha.."Maniwala ka sa akin ,mate.
Puro panganib ang iyong sasa-ungin ,sa oras na umalis ka sa lugar na ito."
Malamig niyang sinabi..
Sa tinig niya ang pag pipigil.
Kaya kinabahan ako.."Kaizen,iho.
Makinig ka sa Alpha.Tama siya...
Siya ang pinakamalakas sa lugar na ito.At siya ang nakakaalam ng tamang gagawin..""Ok lang po.Mas magandang may ginawa kaysa wala.,alam ko ding mapanganib dahil tulad ng nakita ko kagabi..
Salamat po sa lahat..
Gagawin ko po ito ng walang pag sisisihan.."Napabaling ang tingin ko sa pagka
Bigla na lamang na sira ang table ni Lourdrick...
Napatalon tuloy ang puso ko sa gulat...Panong nasira iyon..
"A--ayos ka lang ba?? Lourdrick ay Alpha pala..."
Pero imbis na sagutin,umalis ito ng padabog at isang nakakabinging pagsara ng pinto ng opisina ang bumagsak...
Anong ngyari????
"Mang Canor.. nagalit po ba siya saakin.??"
Kinakabahan kong tanong...Hindi ko ugaling pinapatagal ang may kagalit..
Ayaw kong may magalit sa sakin.."Ammh,hindi ,hindi siya galit sayo.,sadyang may pinagdadaanan lang si Alpha sa mga oras na ito.Kaya pag pasensyahan mo na"
Wala akong nagawa kundi tumango nalang ...
Napagpasyahan kong sumama muna kay Mang Canor para makausap si Ginang Rossana..., inihatid niya ako doon at muling umalis dahil sa may trabaho pa siya.
Gusto ko naring mag paalam sa kanila..dahil napag desisyon ko na umalis na ngayong umaga...
Kailangan ko ng kumilos,kung hindi baka gabihin ako..
"Kuya Kaizen! ikaw pala yan.Masaya po akong makita kang ayos ang kalagayan"nakangiting sabi nito...
"Kamusta ka?"
"Ako po.Ayos narin po.Nag kasakit lang po ako kagabi.
Pero ayos na ayos na po ang pakiramdam ko.""Magaling kong ganon,nga pala nasan si Ginang Rossana?"
Inikot ko ang tingin ko sa paligid ng bahay,pero ni anino nito,wala akong nakita..."Umalis saglit si Ina.Para po kumuha ng gulay,bakit nga pala kuya?"
"Ang totoo niyan ,mag paalam na ako."
"B--bakit po?"
"Aalis na ako Luciana,kailangan ko ng umuwi,sa totoo kong tahanan"
"Pero,pano ang Alpha,hindi mo siya maaaring iwan..."bigla niyang sabi..
"Kailangan eh..napakabuti ng alpha niyo,magaling na leader,tinulungan niya ako ..at binigyan niya ako ng matutuloyan kagabi.
Alam mo nag usap na kami kanina tungkol sa pag -uwi ko.Kaya lang mukhang hindi niya ako kayang matulungan."Natahimik ito panandalian..
"Kuya,paki-usap makinig ka...
Hindi nyo po naaiintindihan, dilikado sa gubat.Swerte nyo po at nakalagpas ka doon ng ligtas..kaya nakikiusap ako kuya..huwag ka na pong tumuloy..."
Nangingiyak nitong sabi"Luciana,pag sisisihan ko pag Hindi ko ito gagawin.."
Umiyak itong nakayuko.."Luciana,huwag mong pahirapan ang kalooban ko.Nalulungkot ako ,pag nakikita kang umiiyak..".
Nag punas ito ng luha..
Bago tumingin sa mata ko."Sige po kuya..Pero payagan niyo po akong ihatid kayo sa hangganan."
Tumango tango ako..
Nag iwan ako ng tatlong,sulat kay Luciana,
Para kay Ginang Rossana,mang Canor at Kay Alpha.Ipinaloloob don sa sulat ang taos puso kong pag papasalamat sa kanilang ginawa at ibinahagi saakin...
Ng makarating kami sa hangganang,muli akong humarap kay Luciana,
Lumuhod ako sa harapan niya..
Para makausap ko siya ng maayos.."Luciana,mag iingat ka sa lahat ng oras ha..at ingatan mo si Ginang Rossana at Mang Canor."
"O--opo kuya . gagawin ko."
Napangiti ako sa sagot niya,kahit naiiyak ito..Hindi parin nababawasan ang pagiging magandang bata niya...Hinubad ko ang kwintas kong suot at ibinigay sa kanya...
"Ito oh..sayo nalang....ingatan mo sana"
Tumango tango ito,at bigla na lamang niya akong niyakap ng mahigpit..
Umiyak ito sa leeg ko..
Niyakap ko din siya...na natatawa..
Mamimis ko ang batang ito..."Mag iingat ka kuya,. Asahan nyo po.Iingatan ko ang kwintas nyo,h hanggang sa pagbabalik nyo.,"
Ano daw?..
Umiling iling nalang ako,para baliwalain ang narinig ko..Tumayo na ako ng diretso,at nginitian siya..
"Aalis na ako.. paalam"
Nakakalungkot man ang pag papaalam pero,kailangan ko itong gawin..."Kuya Kaizen,..paalam..."
Binigyan ko pa siya ng isang ngiti at kumaway,bago tumalikod para magsimula ng umalis..
![](https://img.wattpad.com/cover/260123917-288-k927721.jpg)
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
WerewolfLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...