Sobrang tahimik sa hapag kainan..
Tila nakikiramdam sa bawat isa..May pagkakataon na binibigyan ko si Gabriel ng pag-kain.At pasimpleng tinitingnan ko siya .
Kumakain siya ng seryoso...
"Luna,pwede bang kwentuhan mo ulit ako ng ibang kwento mamaya?"
Tumango ako para iparating na pumapayag ako
"Yes!"sagot na excited ng bata
"Gabriel,nasa hapagkainan tayo.Kumain ka ng ayos.Hindi tamang pag uugali yan."
Malamig na sabi bigla ni LourdrickAgad na paupo ang bata ng ayos..
"O--opo Alpha,p- patawad"nakita ko ang pag katakot ng bata.
Humarap ako kay Lourdrick
"Hindi mo na kailangan pagsabihan ang bata ng ganito.Bata lamang siya."sabi ko
Na may kalmadong tonoNarinig ko ang pag hinga niya ng malalim
Pero hindi umimik
"Lourdrick,maaari ba kitang makausap mamaya?""Oo"tugon niya
......
Matapos kong mapatulog si Gabriel.Iniwan ko siya at lumabas na ng silid niya.
Pero bago ko isarado ang pinto.Tiningnan ko p siya ng huling beses.
"Tulog na siya?"tanong ni Lourdrick bigla na ikinagitla ko.
"Ano ba?bakit ka nang gugulat?"
Inis kong sabi sa totoo lang napahiya ako doon ah."Pasensya na kong nagulat kita"sabi niya na napapakamot sa kanyang batok
Na parang gustong matawa pero pinipigilan niyaNapasimangot tuloy ako
Huminga ako ng malalim
"Oo,tulog na siya..anong ginagawa mo dito?"tanong ko
"Hinihintay kita"sagot niya
"Halika doon tayo sa balkonahe"pag aaya ko
Nauna ba akong mag lakad,ramdam ko naman naman ang pag sunod niya
Ng makarating kami sumalubong saakin ang malamig na hangin
Nilamig ako bigla,kaya napahawak ako sa braso ko.
Pero agad na nawala ito ng may nag lagay ng isang kumot na tila balat hayop
Hindi na ako lumingon pa,dahil alam kong sino ang nag lagay
"Salamat"sabi ko
"Walang ano man.."sagot niya
Dumaan ulit ang katahimikan sa pagitan namin at nakikiramdam sa bawat isa.
Sa totoo lang,hindi ko alam ang sasabhin.
At medyo nahihiya akoNakarinig ako ng pag hinga niya ng malalim.
Sa pag hinga niya ,tila doon kumukuha ng lakas ng loob.
"maganda ang gabi .?"sabi niya
Sabi niya na lumapit narin sa balkonahe na kalinya ko narin
"Oo,napansin ko din"
Sagot ko at tumingin sa langitAng clear kasi ulit ng langit at may buwan na sobrang liwanag
"Amh ... Tungkol doon/yung kahapon"sabay kami na nagsalita
Nagkatinginan kami at bigla nalang natawa
"Ikaw muna/Ano yun?"sabay ulit kami

BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
WerewolfLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...