Stay or Leave

958 58 1
                                    

Nakatingin lang ako sa kanya,na hindi ko alam ang dapat ire-act.

Gusto kong sabihin sa kanya na ano yun joke?
Gawa gawa niya para ako'y takotin at para di maka alis?

Gusto kong sanang paniwalain ang aking sarili sa oras na itong isang malaking biro ang mga kweninto niya.

Ngunit isa siyang taong lobo at malaking pagkakamali ang gawin niyang joke iyon lalo na kaniyang ninuno.

Hindi kasi ito pwede kahit pa sabihin niyang totoo iyon.

Ako at siya ay mag mate?na tulad ng kanyang ninuno.?

Hindi naman pwede iyon sa part ko.Gusto kong mamuhay ng normal na walang inaalalang kahit anong klase ng sitwasyon na ito sa pack.
Na kahit ano mang oras mapanganib sa oras na lusubin na naman kami dito  at isa pa wala akong planong panghabangbuhay na tumira dito.

Ang magkaron ng  karelasyon habang nandito ako,lalo nang makarelasyon ang isang kapwa ko lalaki.

"Wala ka bang nais sabihin o itanong.."mahina niyang sabi

Napabuntong hininga ako

"Alam mo,wala akong masabi.Hindi ko nga alam ang dapat kong sabihin."
Pag amin ko sa kanya

"Hindi ko minamadali ang lahat o madaliin kang maintindihan kami agad.Nais ko lang na malaman mo,bigyan mo ako,kami ng tyansa."

"Hindi ko alam"sabi ko at tumayo na ako .
Gusto kong makalanghap ng malamig na hangin

"Saglit,saan ka pupunta?"Mabilis siyang naka lapit saakin ,at hawak hawak ang kamay ko.

"Gusto kong pag isipan ang sinabi mo,kaya lalabas muna ako upang mag lakad lakad."

"Sasamahan kita"

"Hindi,wag na ...Hindi ako makakapag isip ng tama ,kung kasama kita.Gusto kong mapag isa."sabi ko at hinila ko ang kamay ko.

Binitawan naman niya ako at naglakad na ulit.

Nakalabas ako ng pack house,na wala sa sarili.

May ilang bumabati ,at ngumiti na lamang ang naisasagot ko.

Napunta ako sa isang malaking puno.Sa tuktok ng burol,naalala ko ito ang puno na nadaanan ko ng kasama ko si Luciana ng unang dating ko dito.

Umupo na ako  sa damuhan at sumandal sa puno..

Ang gandang pagmasdan ang lahat sa langit,may ibon na dumaan..

Ang mga ibon ang laya laya nila tingnan.
Walang nakakapigil sa kanilang pag lipad,parang kahit anong gustohin nilang gawin magagawa nila sa himpapawid.
Siguro ang sarap lumipad,ano kayang pakiramdam?

Napatawa ako bigla sa naisip kong idea..

Ano ba namang utak ito ,ano bang ngyayari sa akin,pati ibon napag tutuonan ko ng pansin.

Muli akong napabuntong hininga..

Humiga ako sa damu,pinanood ang nga ulap.

Luna???bakit ako pa???

Muli kong naalala ang mga nag daang buwan na nakaraan na ngyari sa akin dito.

Ang totoo masaya ang buhay dito kaysa sa buhay syudad.
Nag eenjoy talaga ako,at inaamin ko iyon ng buong puso . Masasabi kong lumalalim na ang loob ko dito sa lugar na ito at sa mga taong naninirahan dito.

Sa mga nagdaang araw,wala naman akong masamang karanasan dito bukod syempre sa mga pagsugod ng nga rouge.

May mga taong nagsimulan ko naring matutunang pahalagahan at natutunang mahalin.

Into The Forest (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon