Late narin akong nagising..
Nagising ako ng 9:28 am na..
Hindi man lang ako nakatulog ng maayos sa magdamag,
Parang hindi ako mapakali ,
..
Kahit na inaantok na,hindi ko parin magawang matulog...
Wala gana akong bumangon,para mag breakfast..
Wala akong kabuhay buhay na kumuha ng kape...
Hay... pambihira naman...
Wala sa sarili kong naibuga kaagad ang kape..
Sh*t ang init..
Biglang nagising ang diwa ko sa nangyari....
Napaso' ang dila ko...
kasisimula lang ng umaga ko,badtrip agad ang nangyari...
Sa asar ko,iniwan ko nalang ang tinimpla kong kape ,at diritso na ako sa taas para maligo..
"Hay,andaming ayosin.."hindi ko mapigilang komento
Matapos kong iligpit ang gamit...kinuskusan ko muna ang pawisan kong noo,at umupo sa katabi kong upuan dito sa secret room...
Andami ko kasing dalang gamit..kaya ayan...
Panibagong pag aayos nanaman...
Tiningnan ko ang oras,at nagulat ako ng 2:31 pm na pala...
Kaya pala,kanina pa kumakalam sikmura ko..
Ito rin ang ikinagagalit ng kapatid ko..
Dahil masyado kong pinapabayaan ang sarili kong kalusugan.
Madalas kong makalimutan na kumain sa tamang oras..
May habit kasi ako na kinatatamadan ang pagkain kahit gutom na gutom na ako....
Pinipili ko nalang na uminom ng kape...
Napagpasyahan kong bumaba ng kusina,para mag luto..
Ano kayang magandang kainin??
Kinuha ko Cellphone ko sa bulsa,para mag hanap ng recipeng sa YouTube na madali lang lutuin...
At isa lang nakakuha ng atensyon ko,sobra ikinatakam ko...
Vegebles with sweet chili sauce...
Kinuha ko lahat ng kailangan kong ingredients..
Kumpleto naman...
After 30 mins.
Naluto ko na lahat..
At sobra akong na satisfied sa kinain ko..
Sobra for 1 person..
Kaya ang labas , andaming natira...
Nilagay ko nalang ang sobrang pagkain sa isang tupperware..
Pagtapos kong kumain,napag desisyon kong lumabas ng bahay..
Naalala ko kasi bigla ang isang puno na kagabi kong tinitigan...
Sa backdoor na ako dumaan...
Binuksan ko ang gate...
May pader kasing mataas na nakapalibot sa bahay..
Bumungad agad sakin ang magubat na parte..
May kalapadang carabao grass muna akong madadaan bago makarating doon..
"Wow...ang ganda naman dito..,"
Hindi ko mapigilang matuwa,ang saya ng pakiramdam...
Sa tuwa ko,humiga ako sa damo...
Nawala ang pagod ko mula sa pagtatrabaho kanina...
Napaka-clear ng kalangitan...
Hindi din masyadong mainit..
Dahil sa shade ng isang puno malapit sa pwesto ko..
Nakakarelax,ipinikit ko saglit ang aking mga mata at dinama ang kapaligiran...
Napakapayapa ng lugar na ito..
Pakiramdam ko nararamdaman ko din ang nakapalibot na kalikasang nasa paligid ko...
May humampas saking hangin ng malakas kaya dahan dahan akong napamulat....
Dumapa ako para,para tingnan ang paligid...
Ng may biglang nahagip ang aking paningin...
Dahan dahan akong tumayo,walng ingay na lumapit sa nilalang na nakita kong nakatago sa madamong lugar...
Ng malapit na ako,bahagya itong nagulat,kaya tumakbo ito ng mabilis palayo sakin...
Isang white rabbit...
Sobrang fluffy ng kaniyang balahibo...
Sa tuwa ko,sinundan ko ito..
Maraming akong nalagpasang punong kahoy at damong matataas..
Takbo lang ako ng takbo,hanggang makita kong pumasok siya sa isang malaking butas ng lupa...
Hay...ganon nayon,hindi ko man lang nakita ng nalapitan at nahawakan...
"Hay!sa--- yang??"inikot ko ang tingin ko
"Hala!nasaan na ako???"gulantang kong bulalas...
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
Hombres LoboLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...
