Matiim na naakatitig siya saakin,matapos kong ipaliwanag ang lahat,mukhang pinag aaralan pa niya kung totoo ba ang sinabi ko o hindi.
"Maniwala ka,sumpa man,kahit pa maubos ang buhok mo ngayon at manlagas lahat,totoo ang sinabi ko."
Sa sinabi ko,sumalubong lalo ang kilay niya.
"At bakit ako pa ang dapat makalbo?sumusobra ka na mortal ha.?
Hindi ba dapat ikaw...baka gusto mong isumpa kita,ngayon na"mukhang napikon siyaTeka ,sumapain niya?
Kanina ko pa napapansin...mukha siyang may magicwand siya.Hindi kaya Fairy siya..well hindi naman impossible diba?kasi may werewolf nga dito eh.
Fairy pa kaya.Tumikhim muna ako.
"Pero sinabi ko lang iyon para maniwala ka...
Patawarin mo na ako.Niloloko lang rin kita,huwag mo sanang seryosohin.mapagbiro lang talaga akong tao."nakangiti kong sabi"Pasalamat ka,madali akong kausap."
Sabi niya at ibinaba na ang kahoy na hawak na mukhang wand."Pwede na ba akong umalis,hinahanap ko pa ang batang si Gabriel."
"Ngayon lang kita tutulungan,mortal.Sa oras na may ginawa ka ditong pagkakamali sa sagradong lupain.Ako na mismo ang tatapos sa buhay mo."
Sabi niya at tumalikod na."Sige salamat ha."
Sabi ko at akmang tatakbo na para umalis ng nagsalita na ulit ang Babae."At San ka pupunta.?"sabi niya na naiinis ang tono
"Hahanapin ko nga yung bata."
"Hindi dyan."sabi niya kaya ako'y napalapit sa kanya.
May alam siya..!!
"Alam mo kung saang direksyon?! Pakiusap tulungan mo ako"
"Tss.. maghintay ka."
Sabi niya"Pero hindi ako pwedeng maghintay baka mapaano na ang batang iyon ."
"Sabing maghintay ka eh.Mangmang ka ba.?o di mo maintindihan ang sinabi kong maghintay ka."galit na siya
Kanina pa siya ha..napipikon na talaga ako,una tinanga niya ako tapos ngayon tinawag pa niya akong mangmang.Makakatikim na siya sakin kahit pa babae siya eh...naku pasalamat pa din siya at Gentleman ako.
May respeto ako sa mga kababaehan.
Pero pag ako napuno sa kanya.Ay talagang siya palang sa kauna unahang pagkakataon na papatulan ko dahil sa masasakit niyang salita.
Bumuga ako ng hangin para tanggalin ang inis kong nararamdaman .Itinaas niya at hawak niyang kahoy..at inikot sa hangin...
Napatanga ako..
Magic!!"Loki,dalhin mo ang batang kadadala lang ni Sap.mula sa labas ng kweba."
Sa sinabi niya,lalo akong naguluhan..
Kilala niya ang kumuha kay Gabriel..
Napatagis ang bagang ko ,pero agad kong pinigilan ang sarili kong sumabog sa inis.Kailangan kong huminahon,baka nagkakamali lang ako."Makinig ka mortal,sa oras na makuha mo ang bata,may hihingin akong kabayaran sayo."
Laking tuwa ko sa sinabi niya..
Pero teka may kabayaran.."patay Wala pala akong dalang pera"sabi ko ng makapa ko ang bulsa ko.
"Hindi ko Kailangan ng pera o kung ano man yan."
"Eh kung ganon ano?"
"Kailangan ko ng tatlong pirasong buhok mo."
"Ha?..baka parusahan mo ako gamit ang magic mo gamit ang buhok ko."
Ngumiti siya saakin..at dahil sa ngiti niya... tumaas ang balahibo ko sa batok.
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
VlkodlaciLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...