Ilang araw na ang nakakaraan mula ng mag simula ako ng trabaho dito sa pack.
Nandito ako ngayon sa opisina ni Lourdrick,nag aayos ako ng ilang mga paper hindi ko na binabasa ,pano ba naman nong una kong itry basahin,wala man lang akong naintindihan...
Ibang klasing letter ang gamit...Tahimik naman na nakaupo sa table si Lourdrick,may inasikaso na parang mapa,sa tingin ko.
(Knock! knock!)
Lumapit agad ako sa pinto para pagbuksan ang kong sino man ang kumakatok.
"Magandang araw,Luna.Nandyan po ba si Alpha.Kailangan ko siyang makausap"
"Mang Kino kayo pala,Opo nandito po siya,At nga po pala.
Kaizen po pangalan ko.Parati nyo nalang po nakakalimutan eh."
Napakamot ito sa ulo.Pinabayaan ko nalangNagpa iwan lang muna ito sa labas dahil iyon ang patakaran dito sa pack.
Ilang araw narin parating Luna ang tawag sakin ng mga tao dito.
Mga makalimutan yata sila eh,tandang tanda kong nagpakilala ako sa kanila na Kaizen pangalan ko ,pero ganon parin .
Parati ko nalang itinatama.Tumikhim muna ako para makuha ko ang atensyon ni Lourdrick,at hindi nga ako nagkamali,nagtatakang tumingin ito sakin..
"Lourdrick,maaari ka ba daw makausap ni Mang Kino?"
Tumango ito muling tumingin sa kanyang ginagawa.
Sobrang abala talaga siya sa kanyang ginagawa,ni hindi man lang ito sumagot.Muli akong bumalik sa pintuan at pinapasok si Mang Kino
"Pumasok daw po kayo."
"Salamat,Luna"
Sabi niya na ikinasalubong ng kilay ko..hay...Ang kulit talaga..Hindi ko na lamang pa ulit itinama,dahil baka masabihan ko pa ng masama eh...
"Magandang araw,Alpha."
Yumuko ito ,ganon daw talaga dito sa lugar na ito.Kailangan yumuko para ipakitang iginagalang nila ang kanilang pinuno.
Except me,kasi...Nong minsan kong ginaya ang kanilang gawain,hindi iyon nagustuhan ni Lourdrick.
Napag sabihan pa ako.Kaya simula non.Binabati ko nalang siya gamit ang bibig at hindi ang yumuko.
"Ganon din sa iyo,Kino.Anong ipinunta mo?"
"Gusto ko po sana kayong makausap sa importanteng bagay,tungkol ito sa pag lusob ng mga kalaban--"
Hindi pa natatapos ni Mang Kino ang sasabihin ng itinaas ni Lourdrick ang kanyang kamay,para bang pinapatigil sa pagsasalita si Mang Kino.
Tumingin si Lourdrick sa akin..
"Kaizen,maaari mo bang kuhanan mo kami ng maiinom?,batid kong nauuhaw ang ating panauhin."nakangiti siyang nakatingin sa akin habang sinasabi niya ito.
Tumango ako ,at lumabas agad ng opisina.
Hmm.. siguro importante talaga iyon,na hindi ko pwedeng marinig . Obviously pinalalabas niya lang ako eh.
Dumiretso nalang ako sa malaking kitchen ng Mansion na ito.
Anlaki talaga ng lugar na ito.2 days pa ang itinagal bago ko masa ulo ang bawat daanan dito.
Natawa nga ako sa aking sarili na kailan nga ba akong bises naligaw dito?
Parang naka 6 na bises yata akong naligaw ng unang araw ko sa trabaho dito bilang assistant niya.Hindi pa man ako nakakalapit sa pintuan ng kusina.Nakarinig ako ng usapan.
Na ikinataka ko.hindi ko ugaling makinig sa usapan ng iba,pero iba itong klasing usapan na nakakuha ng atensyon ko."Ibig mong Sabihin,walang kaalam alam ang Luna,Ate Merna?"
"Oo,at pwede bang hinaan mo ang boses mo,baka may makarinig sayo ,lalo na ang Luna .Tiyak na malalagot ka sa oras na makarating ito sa Alpha"pagalit na bulong nito.pero rinig ko parin dito sa pwesto ko.
"Opo ate,pero bakit po ba bawal ito malaman ni Luna?"
"Tao ang Luna natin,at hindi tayo pangkaraniwan sa kanyang paningin.
Iisipin niyang halimaw tayo sa oras na malaman niya ang tungkol sa ating katauhan."Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya...tao ako,sila hindi pang karaniwan? halimaw?
Anong---anong ibig nilang sabihin?
Na hindi sila Tao?!"Masama ba tayo sa paningin ng mga tao?"
"Oo,marami sa kanila,hinuhuli tayo.Para paslangin.Dahil taong lobo tayo.Hindi katulad nilang tao ,halimaw tayo sa kanilang paningin.At
Ang harang sa kagubatang ito ang nag sisilbing protekta sa ating mga lahi.,
Nasagot ko na ang iyong mga katanungan kaya,tumahimik ka na.""Opo"mahinang sagot ni Dara
At doon lang ako nakahinga,napatigil pala ako sa paghinga..
Taong lobo sila,sa palabas ko lang nakikita ang tulad nila,I can't believe this.Anong gagawin ko.?
Muli kong naalala ang nakasagupa ko.Malaking aso.....na handang pumaslang ano mang oras,napaka agresibo ng halimaw na iyon.Wala silang pingkaiba sa mga malalaking aso?
At mas worst don.
Kasamahan nila or kalahi nila iyong mga halimaw..."Damn it"
Agad akong napatutop sa bibig sa pag aalalang nagtatago nga pala ako."Sino yon?"narinig kong sabi ni Ate Merna ang cook sa lugar na ito.
Narinig ko ang pag lapit niya sa pintuan na pinag sasandalan ko.
Kailangan kong magpanggap na kararating ko lang ..
Baka maging katapusan ko na sa oras na malaman niyang nakikinig ako."Ang sakit,ano ba namang pintuan na ito."
Pag papanggap ko daing.
Hinihimas himas ko ng braso ko bago pumasok sa kusina."Lun---luna,kayo p-pala.Ano pong nangyari? n-nasaktan po ba kayo.?"
Namumutlang tanong ni Dara,na isa ding tagaluto.
Pansin ko ang pagka tensyonado niya at kinakabahan.."Oo,kaunti lang..nagasgasan ang braso ko sa pintuan Pagkadating ko."sabay tawa ko ng mahina,napakamot pa ako sa batok..
Para maging natural ang kilos ko."Ah,Ate Merna...ipaghanda nyo po ako ng inomin,May bisita po si Lourdrick."
"Ganon ba,pang ilang tao?"nakangiti niyang sabi na nag aalangan...tulad ni Dara kita sa mukha nito ang pagkabahala..
Tao o Taong lobo?
Yan ang gusto kong sabihin kaya lang hindi pa oras.."Pang dalwahan po.Samahan nyo nga rin po ng Maliliit na tinapay,salamat po"
"Saglit lang po Luna,ihahanda ko lang po lahat."
Tumango at ngumiti nalamang ako.
Kailangan kong makaalis sa lugar na ito sa madaling panahon..,baka sa kamay nila ako mamatay...
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
Kurt AdamLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...