Malakas na humalakhak ang lalaking bampira sa harap namin..
At hindi ko maiwasang manginig ang aking kamay habang hawak ang aking sandatang pilak.
Isang boses na pamilyar ang nag salita mula sa labas ng pinto at nagsi gilid ang mga bampira .
Natigilan ako bigla...
Dahil nakilala ko ang lalaking nasa harap ko..
"Luna Kaizen.."
"Alejandro?"mahina kong bulong
Napupuno ng pagtataka at katanungan ang aking isip
"Ako nga,mabuti naman at nakilala mo pa ako,luna Kaizen"sagot niya
Siya na may ngiti sa kanyang labi.."Alejandro,anong nangyayari??akala ko kaibigan ka...bakit kasama mo sila"
Hindi makapaniwala kong sabi"Alam kong mahirap paniwalaan ito,..Pero pumunta ako para sa ikakabuti ng inyong pack"
Sagot niyaNagsalubong ang kilay ko
"Napapatawa ka ba??!ikakabuti?ikakabuti ba ang ginawa niyo sa pack na ito?!"hindi ko mapigilang sigaw sa kanya"Alam ko , pasensya na dahil doon..maniwala ka man o hindi ,ginagawa ko ito para kay Lourdrick."
Natawa ako ng may inis ..
"Tingin mo matutuwa si Lourdrick dahil doon?!"
"Luna Kaizen,gusto kitang makausap sa isang bagay,pangako...ititigil na namin ang laban na ito."
"Paano ako magtitiwala sayo?"
"Sa ngalan ng mahal na Dyosa ng buwan..ipinangangako kong may isa akong salita,at kong susuway ako sa aking salitang binitawan,kamatayan ang kapalit "
Mapagkakatiwalaan ba siya...???
Sa lugar na ito,ang pangako sa mahal na dyosa ay sagradong paniniwala..
"Kahit dala mo ang sandata mong pilak at itutuk sa aking puso habang nag uusap tayo.Hahayaan kita..para lang mapatunayang hindi ako nagsisinungaling."
Hahakbang na ako ng pinigilan ako ng mga bantay ..
"Luna,hindi siya mapagkakatiwalaan...paki-usap huwag kayong magpalinlang."
Si Elmer"Hindi,hayaan mo akong makalabas.."
"Luna---"may pag tutol niyang sabi
"Elmer....hayaan mo ako..."
Umiling ito
"Bilang Luna mo,hayaan mo ako."mataas na boses kong utos..
Buksan ang pinto..
Nakataas na ang hawak kong espada..
Kong tatraydorin niya ako,handa ko namang labanan siya..
Lumabas ako at nakaharap ko si Alejandro...
Tulad ng sabi niya,.. itinutok ko ang hawak kong sandata sa dibdib niya...
Hindi naman siya gumawa ng maling kilos at hinayaan na ako.
"Sabihin mo na"
Sagot ko ng buong tapang"Hindi dito"sagot niya..at tumingin sa likod ko para at tinitngnan ang mag taong naroon ang bantay ko sa likod ko.
"Dito mo na sabihin."
"Kong ganon,wala ako magagawa..,
May isang mapanganib na pinuno ang naghihintay sa iyo ,Luna Kaizen.
Kaya nangyayari ang mga ito ay dahil sa iyo..""Da--dahil sa akin?"hindi ko makapaniwalang tanong
Tumango siya
"At gusto niyang bukas loob na pumunta ka sa kanya.. kapalit ng pagpaghinto ng mga itong pag lalaban."
Tumingin ako sa loob...Ang mga batang umiiyak,ang mga omega na natatakot,ang mga bantay at huli kong tiningnan si Gabriel
Malungkot akong napatingin ako kay Elmer
Umiling iling siya
"Kapalit ko ay titigil na ang lahat?"ulit kong tanong
"Pangako,maniwala ka...Hindi ko magagawang magsinungaling.
Dahil saakin .... nangyayari ang lahat ng ito..
Buo na ang aking desisyon,
Humarap ako kay Elmer..
"Elmer,gusto kitang makausap..."
Lumapit siya saakin"May gusto akong iparating kay Lourdrick,maaasahan ba kita?"
Nakikita ko sa mata niya ang pag tutol
"Luna... paki-usap huwag nyo itong gawin."
Siya na nag mamakaawa na hindi ko gawin ang gusto ni Alejandro"Makinig ka... Sabihin mo kay Lourdrick,ginawa ko ito dahil gusto ko.naiintindihan mo..babalik ako sa oras na maayos ko na ang lahat .at Magtiwala siya sa akin.."pinilit kong hindi magpakita ng emosyon dahil nalulungkot ako pag ganito..
At hindi ako gawa sa bato para hindi makaramdam.Hindi ko alam kong may pag asa pa akong makabalik.
Hindi ko alam kong mapagkakatiwalaan ba ang mga salita ni Alejandro..Pero kong ito lamang ang paraan para tumigil ang lahat ay gagawin ko para sa kapakanan ng lahat.
"Nakakarating mahal na Luna...maaasahan mo ako."
Sagot niya na namumula ang mata .."Salamat ng marami ,Elmer...at kong pwede sabihin mo kay Gabriel...Aalis lang ako saglit....babalik Din ako sa kanya...at pakiusap...alaga mo din siya ..."
"Opo Luna,gagawin ko......
Luna,...mag iingat po kayo..gabayan sana kayo ng Mahal na Dyosa ng buwan.."siya na nag simula ng pumatak ng Luha..
Mabilis akong tumalikod,at humarap sa kay Alejandro.
Ayaw ko ng makita pa, at maawa ka sa kanya,baka sumabay pa ako sa nararamdaman niya..
Hindi pa ito ang oras makisabay sa kanyang emosyon,dahil babalik ako..at babalikan ko sila."Dalhin mo ako sa kanya,at bilisan mong paalisin ang mga sumugod sa aming pack,ngayon na.."
Utos koNaglakad na ito at sinundan ko sila...
Ang bigat ng mga paa ko..parang ayaw umalis at iwan sila doon..Maraming mga possible na mga imahe ang pumasok sa isip ko..
Anong mang yayari pag katapos nito ...
Ano anh magiging reaksyon ni Lourdrick..
Magiging maayos ba ang lahat pagkatapos nito??
Ang mga tao,hahanapin ba nila ako?
Si Gabriel...Habang palayo ng palayo kami, nakakaramdam ako ng sakit sa dibdib.
Parang pinipiga,ang puso ko.
Sobrang sakit. ...
.......
Nakasakay kami sa isang karwahe,alam kong palayo na kami ng palayo..
Hindi mapalagay ang loob ko..
At parang binabagyo ang kalooban kong nararamdaman...
Sobrang gulo.Napa upo ako ng ayos ng isang malakas na alulong ang nanggaling sa likod ng aming sinasakyan..
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
Loup-garouLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...