"Aisan Pov"
Iginalaw ko ang katawan na hiniram ko na pag aari ni Kaizen..
Umupo ako at ginala ang tingin sa paligid...
Tulad ng nakikita ko sa loob ng salamin , totoo ngang nagkakaroon ng kaguluhan dito..at hindi ko gusto ang nangyayari..
Ngunit agad na nagsalubong ang kilay ko ng makitang ang paborito kong likhang pinta ay nasira..
At huling huli ng mga mata ko kong sino ang may gagawan.
Uminit agad ang ulo ko dahil doon.
Tumayo ako at malakas na sinigawan ang walang silbing hari.
"Eos!!ano sa tingin mo ang ginawa mo?!!"galit na sigaw ko sa kanya
Nawala ang atensyon niya sa pag sanggang para sana maiwasan ang taong lobo.
Nagmistulang siyang isang bato na binato sa dingding .
Nagsimula na akong maglakad..Nakita ko din ang pag tigil ng pagkilos ng taong lobo..binigyan ko siya ng tingin na tumigil na siya
At nanlaki ang mata niya ng mapag aralan ako,batid kong nagulat siya dahil sa kakaibang Kaizen ang nakikita niya ngayon.
"Taong lobo,ibabalik ko sayo ang iyong Luna,bigyan mo lamang ako ng oras."
Inalis ko na ang tingin ko sa kanya..
At tumungo narin sa aking hari..
Nakasandal lamang siya sa pader at hindi pa tumatayo..
Mukhang nasaktan na siya sa pagkakataong ito.Nakatingin lamang siya sa akin,na hindi makapaniwala ..
Ng makalapit ako sa kanya,umupo ako sa tapat niya..
Ngumiti ...at inilapit ang kamay ko sa kanyang mukha..
Nakarinig ako ng ungol mula sa likod ko..
At mukha ang taong lobo iyon.."Taong lobo,manatili ka lamang dyan.."utos ko dito
Binalik ko ang atensyon ko sa hari na hanggang ngayon..naka upo parin
"Eos..."pag tawag ko ulit ..
Nakapikit siya ng mailapit ko ang kamay ko sa kanya..
Pero biglang bumalik sa alala ko ang painting..Nag init ulit ang ulo ko... hinila ko ang taenga niya ng puno ng pang gigigil.
Narinig ko naman ang kanyang pag hiyaw sa sakit..
"Patawad na !patawad!!Hindi ko sinasadya talaga!!bitaw na ang sakit"siya na nakahawak sa kamay ko para itigil na .
Binitawan ko na at hinila ko ang leeg niya para ilapat ang noo sa kanyang noo..
Na ngulila ako ng matagal na panahon sa kanya...Agad na niyakap ko siya ng mahigpit..
"Mahal kita"puno ng pag mamahal kong bulong sa kanya"Bakit ngayon ka lang bumalik?muntik na akong mabaliw sa pag hihintay "
Ramdam ko ang mahigpit niyang pagyakap pabalik.."Pasensya na...Hindi ko sinasadya na tumagal ng ganito....
Patawad.."
Hindi ko na napigilang ilabas ang emosyon na kanina ko pang pinipigilan"Huwag mo na akong iwan pa,.. Kailangan kita."Nanginginig niyang tinig
"Patawad,hindi ko magagawa,Eos..Sa buhay na ito..
Ang Luna ng taong lobo ang may karapatan sa katawan na ito..
At may oras lamang ako para kausapin ka."Mabilis na humiwalay siya sa yakap at hinawakan ang balikat ko upang iharap sa kanya.
"Hindi ko maunawaan ,mahal ko.Ano itong sinasabi mo?!Na iiwan mo akong muli?"
Nanginig ang kanyang mga kamay at ramdam ko ang pagbaon ng kanyang kuko sa aking balikat,sa bawat salitang binitawan niya nasa himig niya ang sakit

BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
Hombres LoboLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...