Drunk

1K 61 1
                                        

"Luna Chelsea Pov"

Bahagya akong napatawa sa aking nakikita ngayon.

Mukhang hindi lang ako ang ganito ang reaksyon.
Nakikita ko ang pag hanga and the same time natigilan at nabigla ang nakakaraming naririto.

Pinagmamasdan ko paano sayawan ni Luna Kaizen si Alpha Lourdrick.

Ito yong sayaw ng mga taong nasa bar ng mga nasa mundo ng mga tao.

Hindi ko mapigilang muling mapatawa ng makita kong gaano ka wild niya.

Lahat ng nasa gitna ng sayawan,gumilid dahil sa ginawa niya

At walang makikitang emosyon ang mukha ni Alpha Lourdrick.

Pero sumasabay naman si Alpha sa galawan ni Luna Kaizen.

Hahaha sobra na ito.

Pero nakakainggit ang ginagawa nila,kahit gaano katindi at nakakaewan sayaw nila,bakit ang sarap nilang panoorin at ang sweet.
Hindi ko tuloy maiwasang kiligin

Hindi ito maaari,kailangan may ganito din akong moment.

Tumayo ako at tumingin kay Tyler

"Sayaw tayo"

Nakita ko natigilan siya,at napa tingin kayna Alpha Lourdrick
Nakangiti ako ng may ipinararating,umiling iling siya agad

"Sasama ka sakin,ngayon na"
Sabay hila sakanya

Wala na siyang nagawa kundi ang napasunod

"Kaizen Pov"

"Ang saya!"
Sabay tawa

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito,

Inikotan ko siya,at sinayawan

Hawak niya kamay ko.
Nakaalalay sa akin.

Bigla akong natisod,agad din naman niyang nahagip,

Inilagay ko ang mga kamay ko sa kanya leeg.
Habang ang kamay niya ay nasa likuran ko para mapanatili ang balanse ko upang hindi matumba.

Napatingin ako sa paligid ng mapansing bakit kami lang ang sumasayaw?ng mahagip ng mata ko ang isang inumin.
Iyon ba ang ininom ko kanina??naauuhaw na ako.

"Itayo mo ako"
Agad niyang sinunod

"Dyan ka muna,iinom lang ako ..naauuhaw ako eh.
Huwag kang aalis dyan"sabay mabilis na tumakbo ,
Pero ang layo ng inumin nayon at sa dulo pa ng lamesa.

Iikot pa ako??wag na!..sabay akyat sa taas ng lamesa ng makuha ko iyon ,doon na ako sa taas ng lamesa uminom kahit nasa bote pa.

Ng naibaba ko ang bote,napatingin ako sa harap ko.
Nakatingin sila saakin.
Agad akong kumaway at ngumiti sa kanila.
At umupo sa lamesa,syempre sa walang pagkain.

Niyakap ko ang bote.

"Alam nyo ang ganda ng party dito.A ng saya saya..."
Sabi ko sa mga taong malapit sakin.
Hindi sila kanya kayang tumpukan ,kundi ang atensyon nila nasa akin.
Ito ang mga taong gusto ko,hindi bastos at babaliwalain ka sa mga sasabhin mo.

"Maging kami ganon din ang aming gabi ,Luna"
Mabining
Sagot ng isang magandang Luna.
Pero hindi ko alam kong anong pangalan niya ,pero kanina alam kong sanabi na niya pangalan niya Ngunit nakalimutan ko agad.

Binigyan naman ako ng pagtango sabay taas ng baso naman ang itinugon ng katabi niyang maskuladong lalaki.
Sigurado mate niya iyon.

"Ito ang mundo na dapat ipagdiwang ang lahat ng pagkakataon sa buhay,munting Luna"
Sabi naman ni Alpha --ano nga ulit pangalan niya.?
Nakalimutan ko na naman,hindi ko tuloy mapigilang napangiti ng peke.

Into The Forest (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon