"Luna,ang ganda nyo po tingnan"masiglang sabi ni Gabriel
"Ganon ba? salamat.Ikaw din Gabriel,bagay na bagay ang damit mo."
Ang totoo niyan..gusto kong mapangiwi ng makita ko ang traditional na damit nila.
Hindi ko inakalang parang mukhang damit ng isang babae,na maraming designed.
May headdress din,na ilalagay sa buhok.
Hindi ako kumportable sa suot ko.Feeling ko para akong maraming nakasabit sa katawan.
Mas gugustuhin ko pang mag pants at T-shirt,kaysa ganitong damit.
Pero dahil nahiya na akong tumanggi,sinuot ko nalang..
Nakakahiya na eh,naka Oo na ako kay Lourdrick.
At isa pa umaasa ang buong pack na pupunta ako mamaya doon sa party(Knock!knock!)
"Pasok"
"Handa ka na ba?"masayang tanong ni Lourdrick
"Oo,magsisimula na ba?"balik kong tanong
"Mga ilang sandali nalang ang nagsisimula na.Kaya nandito ako upang sabay tayong lumabas doon."
Hay,..buti nalang talaga at naisip niya iyon.
Hanggang sa ngayon na hihiya parin ako dahil sa suot ko lalo pa at nandito na ang mga ilang bisita."Tara na?"
Tanong niyaTumango ako
Sabay sabay kami ni Gabriel naglakad,nakahawak siya sa kamay ko.Puro pa Puri at pagbati ang aming madadaanang mga tao dito sa pack.
Pero ang talagang ikinakakaba ko ang pagkikita namin ng lahat sa labas.
Napalunok ako ng laway sa kaba,ano kaya ang tingin nila saakin.?
"Ayos ka lang ba?"napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Ah..o-oo naman,bakit naman hindi?"kinakabahan kong sagot
"Rinig ko ang pag bilis ng tibok ng puso mo.May problema ba?"
"Amh,sa totoo lang kinakabahan ako."
"Ngunit para saan?"
Nagtataka niyang tanong"Doon sa labas"
Sumilay ang ngiti sa labi niya
"Walang dahilan ang iyong kinakabahala.Magtiwala ka, magugustuhan ka nila."
"Ok"maikli kong tugon
Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko na sinasabing humawak ako,kaya kinuha ko iyon.
Naglakad kami patungo sa gitna ng party."Magandang gabi mga Kapatid, mga Luna at Alpha,beta at delta, omega at sa lahat ng mga ibat ibang lahi nating mga kapatid na nandito sa gabing ito.,binabati ko kayo sa inyong pagdating,Sana ay magustohan niyo ang pagdiriwang sa gabing ito.At tulad ng kinagawian nating lahat magdiwang tayo at magsaya.
parte ng ating pag diriwang sa mga nagdaang taon,ang matagpuan ang ating kaibiyak.Sa gabing ito,nais ko ring ipaalam sa inyo lahat na natagpuan ko narin ang aking Luna...,"
Tumingin siya saakin..at lalo akong kinabahan.Narinig ko ang sigaw na parang nag che-cheer.
May nga alulong din.Nakakatakot na talaga ang nangyayari dito.
Inikot ko ang tingin ko sa paligid,mga nakangiti at parang nag-we-welcome sila saakin.
Napapahiyang ngumiti ako sa kanila pabalik.Bakit di niya sinabi na kailangan kong mag speech pala.
Anong sasabihin ko.
Hindi ako sanay sa ganitong tagpo."Siya Ang aking Luna,Si Kaizen.Nag mula siya sa mundo ng tao.Ngunit ang dyosa na ng buwan ang gumawa ng paraan para magtagpo ang aming landas."buong pagmamalaki niyang sinabi ang linya niya

BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
WerewolfLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...