Training ground

1.1K 55 3
                                        

Pabalikwas akong bumangon ng umagang ako'y magising.

Ng biglang umigting ang sakit ng sentido ko sa kirot.
Agad akong napahawak sa ulo.

Anong nangyari?
Bakit sakit ng ulo ko??

Inalala ko ang pangyayari,
Kahapon ng gabi ang pag diriwang..

Naging masaya ,at naging maaayos naman ang lahat.
Hanggang sa may bisitang si Alejandro ,at medyo hindi naging maayos ang usapan nila ni Lourdrick.
Pero sa huli bumalik ulit kami ng may maaayos nang mood,at sunod....?
Sunod??

Anong nangyari??

Bakit wala akong matandaan??

Bumukas ang pinto kaya automatic akong tumingin sa pinto.

"Luna,magandang araw"may masayang at masiglang pagbati ni Gabriel

"Kumain ka na ba?"tanong ko
At umaakteng na normal lang.
Pero ang totoo,lutang parin ang isipan ko sa nangyari.

"Opo,luna..Sa katunayan,may supresa ako Sayo"
Excited na sabi ng bata na mukhang may plinano nga.

Huminga muna ako ng malalim,at sa paghinga iyon.
Doon ko inilabas ang sama ng aking nararamdaman sa ulo.
Masakit parin kasi,mukhang napainom talaga ako.
Which is hindi maganda,dahil once na naka inom ako,ibig sabihin lang non,may ginawa ako.
Pero ipinapanalangin kong walang kahihiyan akong ginawa.

"Ano iyon?"

Rinig ko ang pagtawa niya ng mahina

"Pikit muna"sabi niya

"Pero Siguraduhin mo masaya yan ha.baka nakakatakot yan."

"Hindi po,sumunod nalang kayo.
Siguradong masusupresa ka."

"OK,pipikit na"natatawa kong sabi

"Bawal sumilip"pahabol niyang sabi

Napailing nalang ako,matalino.naninigurado na eh.

"Bibilang ako ng 3,bago nyo buksan ang mata  "

"Oo,pangako"

"Isa"

Nakarinig ako ng pagkilos

"Dalawa"

Nagsalubong ang kilay ko ng may tuno g na parang bakal.

Anong plinano ng batang ito?

"Tatlo!,buksan mo na ang iyong mata , Luna"

Nagtaka ako bigla.

Aba nga naman,ayos yong dalwa na ito.

Nasa harap ko sina Lourdrick at Gabriel.

Anong trip nila?

Tapos sunod non ang may dala dala siyang food.

Ano ito?
Breakfast in bed?

"Kami po ang nag luto ni Alpha,Luna."

Napahanga naman ako sa sinabi ng bata

"Talaga?paano nangyari iyon?? marunong ba kayo?"
Hindi ko makapaniwalang tanong

"Minsan tinuruan mo kami,at madalas pinapanood kita sa pag luluto."
Sagot ni Lourdrick

"Isa pa po,alam po naming pagod ka po,Luna.
Kaya ngayon lang po kayo nagising"

Huh?anong ibig niyang sabihin sa salitang 'ngayon lang'?
Matagal ba akong natulog?

"Anong oras na?"napatingin ako sa bintana

Into The Forest (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon