Vampires

723 43 3
                                        


Isang nakakabahalang alulong ang umalingaw-ngaw sa paligid.

Sa klase ng alulong niya,naghahatid ito ng matinding kilabot sa akin..

"Luna!!!nasaan ka?!"tawag ni Elmer na isang bantay dito na madalas na bantay ko pag aalis ako.

Lumapit na agad ako sa kanya...

"Anong nangyayari?"agad kong tanong

Napansin ko ang pag takbo ng mga pack member na parang na alerto.

"Sumama kayo saakin..dadalhin ko kayo sa ligtas na lugar."
Kitang kita ko ang pagkataranta niya..

"Pwede bang huminahon ka ,at sabihin mo kong anong nangyayari?"

Tanong ko habang naglakad takbo kaming paalis sa pack house.

"Luna,mamaya ko ipapaliwanag ang lahat..Ang importante agad ko kayong madala  sa ligtas na lugar..."

"Sinasabi mong nasa panganib ang lahat?".tanong ko

Alam kong nagiging mapilit ako pero Kailangan kong malaman ..

"Ganon na nga po ,Luna"

Pag sabi niya.. humingi ako sa paglalakad.

Tumigil din siya na naguguluhan ang mga mata

"Luna..,anong ginagawa nyo?Tara na po.,Wala nang oras."

Umiling ako..

"Hindi ako sasama...kong may panganib,handa akong sumama sa laban.."sagot ko

"Utos po ito ng Alpha,.. Kailangan kong sundin at gampanan ang aking tungkulin bilang iyong taga-pagbantay,Luna."

Lumuhod ito sa harap ko..
Akmang tutulungan ko siyang tumayo
Pero nag salita siya

"Nakikiusap ako , Luna.. paki-usap...ikaw ang liwanag ng aming buong pack...Ang manganib ka ay pagbagsak din namin.Kailangan ka ng mga taong naroroon sa  ligtas na lugar.
Paki-usap ,pamunuan mo sila"
Yumuko siya na halos dumapa na sa lupa..

"Pero---"
Napatigil ako sa pagsasalita,ipagpipilit ko pa sana ang gusto ko.Pero tama siya...
At kong lalaban ako,baka maging sagabal lamang ako sa kanila.

Huminga ako ng malalim..

"Sige na,tumayo ka na...sasama na ako sayo....

Nasaan si Gabriel?"
Tanong ko

"May sumundo na sa kaniya,luna"
Sagot niya..

Binabagtas namin ang daan patungo kong saan ang safe na lugar na dati narin naming pinag taguan.
Ang underground.

......










Ilang pag iyak ng mga bata ang naririnig sa buong paligid naawa ako sa kanila.

Gusto ko tanggalin ang nararamdaman din nilang takot pero hindi ko alam paano.

"Luna,ano po ang ating gagawin?"
Nag aalalang tanong ni Gabriel..

Pinilit kong ngumiti  para makita niyang hindi ako ay nangangamba  sa nangyayari sa ngayon..

"Huwag kang mag aalala...Malakas ang pack natin hindi ba?..si Lourdrick,ang mga kasama natin dito."

Lumaki ang mata niya,na para bang nakuha niya ang ipinararating ko.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi..

Tumango siya

"Tama ka po ,Luna.. patawad  kong nakakalimutan kong may pambihirang lakas si Alpha..."

Into The Forest (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon