Masayang masaya ang mag ama habang kumakain ngayon..
Kitang kita sa kilos at sigla.
Nagulat pa ako ng tawagin ako bigla ni Aston na kanyang ina.Pero hindi naman talaga ako,at lalong Hindi ko alam paano sasabihin na hindi ako ang Ina niya.
Oo nga kamukha ko siya at may ebidensya pero ang paniwalaan na ako si Aisan ay hindi ko alam basta basta tanggapin nalang lahat.Ang sakit ng mata ko..Hindi ko nagawang matulog ng mahimbing sa lahat ng aking natuklasan.
"Ina ..Ina!"si Aston
Inisip kong isa siyang walang abilidad na mag salita pero,nakakapagsalita siya.
At ang cute ng boses niya."Kaizen,tinatawag ka niya"Elious
Habang pinagsasalin niya ng inuming pula ang anak na si Aston"A--ako ba?"tanong ko at naka turo sa akin
"Oo ikaw nga"
Pag sang-ayon niya"Ba--bakit?"hindi parin ako sanay..
Nautal tuloy ako"Ina....masarap ang lahat hindi ba?"pag tutukoy niya sa pagkain
"Ah..oo syempre.. nagustuhan ko,Aston"
"Ina,pwede bang ... samahan mo ako mamayang mag aaral?,gusto ko pong makita mo.,tapos ipapakilala kita sa bago kong Guro"aniya na tuwang tuwa
"Okay,..sasama ako."sagot ko nalang ,wala nanaman akong gagawin
.....
Ilang oras na ang lumipas nang kami ay nandito sa loob ng isang malaking silid aklatan.
Tanging siya lamang ang nag-iisang bata na naririto.
Habang tinuturuan ng guro na tingin ko ka edaran ko lamang din.Kakaiba ang kilos ng mga nilalang dito.
Antahimik ng buong paligid,at kong mag iingay may kaunting pag uusap na ilang sandali at mga tunog ng sandata na tunog ng metal ang maririnig."Ina!!may ipapakita ako sayo"siya na mabilis na tumakbo papunta sa akin.
Sasabihan ko pa sana na wag na kasi nandon ang guro niya at nasa kalagitnaan Sila ng pag aaral .
"Tingnan mo ng mabuti ina,nakikita mo ba.?"siya na excited na excited
Nakita ko ang gintong hugis diamond sa dulo.
Agad naman na ako ay nagtaka kong ano ang pinakikita niya"Ano ang mga ito?"tanong ko nalamang sa bata habang may ngiti sa labi ,
Ayaw kong mawala ang nararamdaman niyang tuwa pag bigla kong tinanong ng kakaibang dating.
"Mataas po ang marka ko.Lahat po ng katanungan ay na sagutan ko ."
Natuwa narin ako para sa kanya.Kaya hinawakan ko ang buhok niya ng pahaplos.
"Ang galing mo"pag puri ko sa bata
"Hmm!salamat po.,Ginalingan ko po dahil alam kong nandito kayo.
Kaya po,simula ngayon,gagalingan ko pa lalo para hindi nyo na po kami iwan"sabi ng bataAng batang ito,paano ko ba dapat patutunguhan siya??
Nakakalungkot na hindi ko maintindihan .
Nakakaawa ang bata,matagal na nawala sa kanyang ina,pero ako ba talaga ang Ina niya.?
Gusto kong umalis at balikan sina Gabriel,pero pinipigilan ako ng damdamin ko.
Na sa oras na umalis ako,ang batang ito...paano na siya?Ngayon lang siya sumaya ng ganito at bumalik ang sigla.
Ngayon niya lamang naramdaman ang may ina.
Pero may naiwan akong mahalaga din sa akin..
At nag hihintay sila sa aking pag babalik.
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
WerewolfLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...