Nakatitig lamang ako sa batang nasa braso ko.
Natutulog siya,..isang oras narin ang nakalipas.
Magmula ng makauwi kami.May ilang nag papatrolyang sumalubong saamin.
Ng makita nila kami.Agad nila kaming hinatid sa pack house.Maraming nangyari sa isang gabing iyon nakalipas,nasaksihan ko naman na ang mga naiwanang bakas ng pagsugod dito ng tinatawag nilang rouge.
Mga rebeldeng taong lobo.Hanggang ngayon tinatanong ko parin ang sarili ko kung paano ako naka pasok sa sitwasyon na ito.
Pero sa huli kahit anong tanong ko sa aking sarili ako at ako parin ang nakakasagot.Pag patuloy nanangyayari itong sugod ,maraming inosentng naaapektuhan.
Kawawa naman.Malakas na bumukas ang pinto,sa lakas nito nagising bigla si Gabriel.
Seryosong na mukha ni Lourdrick ang bumugad.
"Bakit?"tanong niya matapos isara ang pinto
Nag salubong ang kilay ko sa pagtataka..
"Anong bakit?"tanong ko
"Hindi ka ba talaga nag iisip?!Hindi mo ba alam kong gaano kadelikado ang ginawa mo?!"
Nagulat ako bigla sa pag sigaw niya..
Pero
Mas pinili kong tumingin kay Gabriel,
"Gabriel,doon ka muna kina ate Luciana mo., pupunta ako doon pagkatapos kong maisaayos ang lahat dito."Tumingin muna siya kay Lourdrick tapos nag aalalang tumingin saakin.
"Pero Luna,magiging ayos lang po ba kayo pag iniwan ko kayo dito.?"
Napangiti ako at hinaplos ko ang ulo niya.Tumango ako sa kanya.
Kaya ngumiti din siya,at umalis pero bago siya lumabas ng pinto lumingon siya saamin ni Lourdrick,kaya kumaway na ako para iparating na kailangan niyang umalis.
Hinarap ko na si Lourdrick para ipaliwanag
"Nasa panganib si Gabriel,kaya anong inaasahan mong gawin ko?Ang maghintay at walang gawin?."
Mahinahon kong sabi"Hindi yun ang punto!
Kahit sino pang manganib o magwakas ang buhay,wala akong paki-alam mas higit na mahalaga ang kaligtasan mo kaysa buhay ng nakakarami dito.Naiintindihan mo!"Anong tingin niya saakin?bingi!sarap sigawan din ah.
Pasalamat siya leader siya dito.Kung hindi malamang magiging bastos na talaga ako dito.
Bumuntong hininga ako para makaiwas na sigawan siya at pinilit na huminahon"Anong sinasabi mong mas mahalaga ang buhay ko kaysa buhay ng nandito?Nahihibang ka na ba?Mas mahalaga ang buhay ng mga tao dito.Ako ilang buwan palang na nandito.At sila matagal mo na silang nakakasama.
Kaya paano mo na sasabi ito.?""Luna ka ng pack na ito.Ilaw ka ng buong pack.Kung walang luna,walang saysay ang buhay ng bawat isa dito."
Sabi niya na pinipilitin na huminahon
Pero nandon parin ang pagkunot ng noo niya."Minsan narinig ko na ang salitang Luna na iyan.Pero hanggang ngayon wala parin akong kaalam-alam sa kung ano ang malalim na pagkakakilan-lan sa salitang Luna.Hindi ninyo ba pwedeng Palitan nalang ang Luna,wag na ako.Kasi wala naman akong planong maging Luna at tumagal dito."
Inis kong sagot,sino bang hindi,napakamakasarili niya kung imuunahin niya ang buhay ng isang tao kaysa nakakarami.Lumapit siya saakin.Nagulat nalang ako ng mabilis niyang hinaklit ako palapit sa kanya at mabilis na hinalikan.
Gulat na gulat ako . Pakiramdam ko lumipad kaluluwa ko.
Nanlalaking mata ko siya tiningnan,actually naduduling na yata ako.
Ng nakarecover mabilis ko siyang itinulak
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
WerewolfLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...