Ang bait nila,binigyan nila ako ng pagkain at damit...
Ginamot din nila mga sugat ko,
na kanina ko lang rin nalaman na mayron pala akong mga sugat ...Siguro dahil sa pagod at panghihina hindi ko agad naramdaman..
"Kamusta na pakiramdam mo kuya?"
Nilingon ko siya..at nginitian..."Maayos na pakiramdam ko...at dahil iyon sa tulong niyo,Salamat
"Ngumiti lang din ito sakin bilang tugon.
Nakaupo ako ngayon sa balkonahe nila.
Kanina ko pa tiningnan ang mga kabahayan mula dito..Madami ding tao..
May bata at matanda..
Ang bawat isa sa kanila may ginagawang trabaho kanina ng may liwanag pa...Ang bahay nina Luciana hindi ganon kalapit sa mga bahayan..
kaya may kalayuan din ang distansya mula dito..."Kuya,ano pong itsura sa labas ng kagubatan?"nasa mukha nito ang kuryosidad..
"Sa city ba??..."
"Oo,maganda po ba doon?"
"Ano kasi,...ganito.
Sa City..doon ako nakatira dati,pero
umalis ako doon at lumipat""Ha??,bakit?"
Mapagamot tuloy ako sa aking batok..
Paano ko ba sasabihin na kanya ang dahilan.??Yung hindi masisira ang pagkakakilanlan ng mga taong taga syudad..Napa buga nalang ako ng hangin..
"Pag nasa syudad ka kasi ,puro building at sementado na ang paligid..
Wala nang masyadong puno at naging madumi na ang katubigan ..Ang totoo niyan kasi mas hinahanap ko ang pakiramdam ng napalilibutan ng kalikasang buhay na buhay, kaya naman umalis ako sa syudad at lumipat ng probinsya...."
Yun nalang ang nasabi ko.."Ibig mo bang sabihin kuya,nasira na ang kalikasan sa syudad.??"
"Ha...ah eh.. parang ganon na nga"
"Hindi ata talaga ako nababagay doon"
Mahinang sabi nito..napalitan din ang masigla nitong mukha ng kalungkotan.Hindi na lamang ako nag komento sa sinabi niya...
Pero bigla akong may naisip na idea.."Alam mo ,pwede naman kitang ipasyal doon pag makauwi na ako.."
"Talaga?!!wow!..aasahan ko yan kuya ha.."nasa mata nito ang saya ..
Kaya nginitian ko nalang rin.
Nakakatuwang bata..."Oo ,naman..."sabi ko nalamang...
"Hali na kayo..kainan na..."
Tawag ni Ginang Rossana...
Siya ang ina ni Luciana"Papunta na po ina,tara na kuya..."
Tumayo na kami,madilim na ang paligid.napag-usapan kasi namin na bukas na kami pupunta para kausapin ang Alpha...
Siguro kapitan ng village na ito.
Base naman kasi sa nalalaman ko..Ang word na Alpha,nag sisimbolo ng Una o di kaya,leader ..
"Salamat sa masarap na hapunan na aming natanggap sa gabing ito"
Sabay sabay nilang binanggit...
Ako naman nakatingin lang...
Nagdasal din ako..
Sa isip ko..
Marami akong ipinagpasalamat sa mga oras na ito..Ang daming niluto ni Ginang Rossana..
May gulay ,karne at iba't-ibang klasing lutuin..
May prutas din na nakahain..."Kaizen,kain lang ng kain..huwag kang mahiya ha"
"Opo,salamat,..."
Binigyan lang ako ng isang matamis na ngiti...
Hindi masyadong nagsasalita si Mang Canor...
Pero parati itong nakatingin sa amin pag kami'y nag uusap...Minsan sinusubuan ni mang Canor si Ginang Rossana ng pag-kain...
Natutuwa naman ako sa aking nakikita...ang sweet nila..
nakakataba ng puso..
Makikita sa galaw nila ,kahit hindi nag uusap na mahal na mahal nila ang isat isa..
Tapos pinag hihimay naman ng isda
nito si Mang Canor..Bigla namang na pabungisngis si Luciana..
Kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.."Anak,tuloy ang kain.."
Sabi ni mang Canor"Opo ama"
Nagkatinginan kami ni Luciana at bigla pa ulit napabungisngis...
Kaya napatawa nalang ako.."Ang lambing nila sa isa't-isa kuya noh?"mahinang bulong nito.
Hindi pa man ako nakakasagot
sinaway nanaman ito ni Mang Canor..Napailing nalang ako ,sa kapasawayan ni Luciana..
Masasabi kong isang masayang pamilya ang mayron sila..
Bigla kong naisip ang mga magulang ko..
Kung buhay pa kaya sila,mararanasan ko kaya ang mga bagay na pagmamahal tulad kina Luciana???Masama ang makaramdam ng inggit..
Pero inggit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.."Kaizen??ayos ka lang ba??"
Ginang Rossana"Huh,?ah opo...ayos lang po ako."
"Kanina ka pa kasi kita tinatanong,pero nakatingin ka lang sa iyong baso"
"Ha?? hah haha ,nako pasensya po..
Hindi ko narinig eh.. sorry po talaga,"pag hingi ko ng paumanhin dito"Mahal,tawagin mo si Odessa,para tingnan si Kaizen,mamaya"sabi niya kay Mang Canor
"Sige. Mahal"
Sagot naman nito.Napakunot tuloy ang noo ko..
Pero binaliwala ko nalamang..Matapos naming kumain..
Hinatid ako ni Ginang Rossana sa isang silid na..
Sobrang linis ..
Kahit gawa sa kahoy ang sahig.. sobrang kintab naman nito..At napakapresko naman dito sa silid....
"Kaizen,iho..ito ang iyong magiging silid..."
"Ang ganda po dito..."
"Ganon ba?...,
siya sige maiwan muna kita dito ha ..
Malapit nang dumating si Odessa..
Susunduin ko lamang sa labas.""Sige po"
Hinawakan naman nito ako sa mukha ,na para bang bata..
Nanlaki talaga mata ko sa pagkabigla....Ngitian lang ako nito..
At umalis na ...
Ako naman naiwang nagtataka...
May naramdaman akong kakaiba..
Hindi ko mapaliwanag..
Parang napakawarm sa puso..
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
WerewolfLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...