"Kaizen Pov"
Isang mainit na hangin ang nagpagising ng aking kamalayan...
At isang tunog ng angil...
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata....para tingnan kung ano iyon.
Pero Naistatwa ako sa aking kinahihigaan ....
Isang set ng matatalas na ngipin ang baka tunghay saakin..
Kinurap kurap ko muna ang aking mga mata,baka naman nagkakamali lang ang mga mata ko sa nakikita ..
*Growl*
Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla..
Dahil hindi iyon kamalikmata lamang .
Totoong halimaw..!!!Dahan dahan akong napaipod,sa takot na makagat ng nagtutulisang ngipin...
Alam ko pag ako kinagat nito.Wala akong pag asang mabuhay...
"G---good boy ka diba?or good girl...,kaya pakiusap huwag mo akong kagatin...."hindi ko makilala ang boses ko sa pagsasalita,sa sobrang panginginig
Sumunod naman siya,at lalong lumapit sa akin habang,umiipod ako ng palayo...
Ano bang kasalanan ko sa mundo,bakit ako may tadhana ng ganito??
Gusto ko lang naman mabuhay ng masaya at mamatay ng matiwasay,
At sa tingin ko,mukhang wala na akong pag asang mamatay ng buo.
Dahil sa itsura palang nito alam kong kakarnehin niya ako.Lahat ng Savior sa langit tinawag ko sa takot habang nag dadasal....
*Growl**
"Please naman ,huwag naman ako,mabuto ako.At walang masyadong laman,kita mo tong braso ko.Kita mo!!Hindi ako healthy,pag ako kinain mo,mabubulunan ka ,sige ka "
Sa itsura nito,parang natutuwa pa ito sa aking pinagsasabi....Muli itong umangil ...
Sa di ko inaasahang pagkakaktaon,lumusot ang isa kong braso pag ipod patalikod,at nasama ang buo kung katawan sa pag kahulog...
Gumulong gulong ako pababa ...
Imiikot ang paligid...
Sumakit lalo ang buo kong katawan,hindi masyadong maigalaw ang Aking katawan sa pagbagsak...
Dahan dahan kong iginalaw ang isa kong kamay,para makahawak sa lupa at itukod,alam kong hindi pa ligtas sa malaking aso...
Unti-unti kong binigyan lakas ang aking kamay para itaas ang aking katawan...
At salamat sa anghel na taga-pagbantay,at nagawa ko ito...**Growl**
Tiningnan ko ang pinanggalingan... pakiramdam ko,matutuyuan ako ng dugo sa takot ..
At wala na talaga akong takas dahil na sa harapan ko na lamang ito.Dala ng takot,at kawalan ng pag asa...
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko...Ilang minutes ang lumipas , pero wala akong naramdamang sinyales na pag sugod.
Madiing nakapikit ang aking mga mata..Kung maibabalik ko lang ang oras,makikinig at susunod ako sa binigay niyang babala..sobra akong nag sisisi..
Lourdrick..tama ka...
Sana nakinig ako sayo..Isang tinig ang tumawag saaking pangalan....
Unti-unti kung minulat ang para silipin ang pinanggalingan ng boses...
"Lo--Lourdrick?!"gulantang kong bigkas .....
Paano?nasaan ang halimaw na iyon?Inilibot ko ang paningin ko sa paligid...
Pero walang halimaw kung saan ang na kanina lang na nasa harapan kong handang kainin ako ng buhay...
"May h--halimaw kanina..."pagsumbong ko
Lumapit pa lalo siya saakin.... At hinawakan ang nasaktan kong mga kamay...nailayo ko naman ito,dahil masakit...
Tiim itong nakatingin at salubong ang kilay...
Isinisigaw ng kanyang expression sa mukha ang pagkagalit..
Napayuko naman ako sa hiya..
Kung sana lang nakinig ako sa kaniya ,hindi ko ito mararanasan."Sa---salamat at dumating ka.."
Yun nalang ang sinabi,habang nakayuko...Nagulat nalang ako ng bigla niya akong binuhat tulad ng bridal style..
"Lourdrick,ibaba mo ako,kaya kong maglakad..."
"Hindi"malamig niyang sabi...
Kaya ako naman ay natamimi sa hiya pang makipag taluhan pa sa kanya...Nakikiramdam ako sa paligid...Kahit masakit ang katawan ko sa natamong pagkahulog ko,gising na gising ang diwa ko..
Nakita ko ang mga nangyayari sa paligid..
"Lourdrick,im....I'm sorry"mahina kong sabi habang nakayuko.
Napatigil ito sa pag lalakad..
Pero agad din naman siyang tumuloy sa paglalakad..
"Galit ka ba saakin?,dahil hindi ako nakinig sayo?"pagpapatuloy ko sa aking pagsasalita..
Wala siyang reaksyon nong muli kung siyang tiningala.
Galit nga talaga..Lalo akong napayuko,dahil mukhang mapapahiya lang ako,nag ieffort akong mag sorry,pero mukhang walang kwenta...
Mas lalo na down ang pakiramdam ko. .......
"Lourdrick Pov"
Napangisi ako ng maramdaman kong pagkatulog niya sa bisig ko.
Doon ko lang na tingnan ang kanyang mukha..Naawa ako at nakonsensya..
I'm sorry mate,kung hindi ko iyon ginawa,hindi ka sasama saakin ng kusa..Sabay nakaw ng isang munting halik sa natutulog kong mate..
"Alpha,mukhang naging maganda ang kinalabasan ng plano."
Sabi sa mindlink ng aking Beta na si Gabriel."Sumamang-ayon ako doon.Pero sa susunod na takotin mo ang mate ko ng sobra,malilintikan ka saakin.
Pasalamat ka at aksidente ang lahat.""Pasensya na ulit Alpha."paumanhin nito.
Hindi na ako sumagot sa mindlink..Muling gumalaw ang mate ko sa aking bisig...
Ng tingnan ko ito.
Mukha siyang nanaginip ng masama,pawisan ito at nanginig...."Ha--halimaw,.... halimaw"
Ungot nito..
Lalo akong nainis sa aking sarili..
Sa katutuhanang ako ang may kagagawan ng kanyang kinakatakutan...
Nag plano ako ng paraan para hindi niya ako iwan.
At iyon ang takotin siya ng kaunti..
Hindi ko naman alam na hahantong sa pagkakabagsak niya sa burol pababa..Tumigil ako sa paglalakad,at bumulong sa kanyang taenga...
"Patawad...
Mate ligtas kana..Hindi kita papabayaan."bulong ko dito..Tumigil siya sa pag ungot,at panginginig ng katawan...
Lalo pa nitong siniksik ang katawan saakin..Nag init ang buo kong katawan sa ginawa niya.."Lourdrick"munti niyang sabi..

BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
WerewolfLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...