The End

1.7K 59 17
                                        

"Kaizen Pov"

Tuwang tuwa ang mga bata habang tumakbo.

Pantay ang bilis nila sa pagtakbo...Isang taong lobo at isang purong bampira.

Napatawa nalang ako ng madapa si Gabriel.
Kaya naabutan siya ni Aston.

"Huli ka!"sabay tawa ng malakas

"Hindi mo ako mahuhuli kong hindi ako nadapa.."nakasimangot na sabi ni Gabriel

Para silang magkapatid kong maturingan..at hindi ko talaga inakalang makakasundo sila ng ganito.

"Luna?"tawag ng isang omega
Mula likuran ko

"Bakit?"tanong ko

"Handa na po ang Altar,hinihintay na po kayo ng Alpha"

Muli akong tumingin sa labas kong saan ang mga bata,saka sumama na sa omega.

Ito ang araw kong saan darating ang anak namin ni Lourdrick..

Alam kong impossibleng bagay ang lahat ng ito at lalo na tulad kong nagmula sa mundo ng mga tao.

Hindi ko inakalang maaari palang nagkaanak ang dalwang lalaki sa mundong ito.

Hihiling lamang sa buwan ng mahal na Dyosa at ipagkaloob niya ang kahilingan,hanggat bukal sa loob ang iyong kahilingan..

Mula sa pinto ng Altar... sinalubong ako ni Lourdrick..

Kinakabahan ako ...

Hawak kamay kaming naglakad patungo sa unahan.

"Lourdrick,madali lamang ba ito?"hindi ko mapakaling tanong

Narinig kong tumawa siya ng mahina.

"Aking Luna... Hihiling lamang tayo.At hindi na kailangan pang matakot ka"

Nakahinga naman ako ng maayos.. at unti unting nawala ang aking kaba.

Tiningnan ko ang mukha niya...
Seryoso siyang kasabay kong naglalakad.

Nakaayos ang kanyang pananamit,ang mahabang buhok niya naka ayos ito na bumagay sa kanya.
Minsan iniisip ko kong nagkataon na sa mundo ng tao siya naroroon ngayon..
Pagkakaaguluhan siya ng mga kababaehan..

"Nakakabighani na ba sakin ngayon sa iyo, aking Luna?"tanong niya bigla na ikinaiwas ko agad ng tingin..

Uminit ang mukha ko sa hiya. Totoo nga yatang nababasa na niya ang isip ko.

Nakakahiya ...!!

Kailan ko lamang nalaman na pag namarkahan na ng isang mate ang kanyang kabiyak..nagiging isa sila at nababasa nila ang iniisip ng bawat isa.

Pero ako hindi ko magawa iyon kaya hindi ako naniniwala.

Pero napapansin ko na ang kakaiba niyang mga kilos,madalas ngumingiti siya ng hindi ko malamang dahilan pagkami ay magkasama.
Tila ba ,may nakakatuwang iniisip.

At madalas para bang alam na niya ang mga sasabhin ko.

"Hindi ! syempre...ah.. nanibago ako sa ayos mo ngayon.At yun lang yon."pag depensa ko

.natawa siyang muli

Napatingin nalang ako sa unahan ng narito na pala kami sa tapat ng Altar..

Naroroon na ang mga kandila at mga alay para sa diyosa.

Naroon din ang tagapag bantay ng Altar na ,siyang ginagawa ng ritwal.

"Luna,Alpha"pag bati niya.

Tumango ako bilang pag bati din..
Ngayon ko lamang siya nakilala kaya hindi ko alam paano siya babatiin.

Into The Forest (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon