Ipinaliwanag niya saakin ang lahat..simula ng dumating ako at mga parte na hindi ko narinig sa mga narinig kong usapan nila ng kanyang isang pinagkakatiwalaan na Delta.
Hindi ko lubos maunawaan kahit pa na ipinaliwanag na niya ang lahat.
May galit at inis akong nararamdaman sa kanya..
Nasa harap ko lamang siya dito sa aming bahay.
Wala si Gabriel,dahil ibinilin ko muna siya kay Luciana.
"Gusto ko ng magpahinga."sabi ko at tumayo na..
Pagod ako sa maghapon,pagod ang isipan at pati narin ang katawan.
Gusto ko munang matulog,siguro sa pamamagitan non.
Magigising ako ng walang sama ng loob sa kanya.
"Kong ganon sasamahan na kita"
Sabi niya
"Hindi,gusto kong mapag isa."
"Babantayan kita,kahit sa baba na ako matulog."
Pag pupumilit niya
Napahawak ako sa sintido sa mga kakulitan niya.Manhid ba siya..?.
"Lourdrick,bigyan mo ako ng oras na mapag isa.Para rin naman iyon sa atin.Gusto ko maubos ngayong gabi ang sama ng nararamdaman ko sayo.Alam kong ipinaliwanag mo na ang lahat,at naiintindihan ko naman iyong mabuti.
Pero..Alam mo kasi,mas mainamam na layuan mo muna ako.Sigurado bukas ,mawawala na ang nararamdaman kong ito.Bukas sisikapin kong mawala na sa isipan ko ang mga nalaman ko ngayon."
Bagsak balikat siyang iniwan ko doon,
Sana ay maintindihan niya.
......
Kinabukasan lumabas ako ng silid na maingay sa kusina.
At may usok na itim na kumakalat sa buong paligid ng bahay.
Anong nangyari ?may sunog ba?
Patakbo akong pumunta sa kusina,
Isang nakasalang nakawali umuusok ng matindi.
Sinong nag iwan nito.??
Wala akong sinayang na oras kundi ang kuhanin ito gamit ang basahan.
Pagkatapos,kinuha ko ang mga malalaking panggatong na nakalagay sa kalan.
Grabe ,sino bang may gawa nito??
"Gabriel?!"tawag ko
Pero walang sumagot..
"Gabriel?!Nandito ka ba?"tawag ulit
Baka siya ang nagluluto at naiwan na nakasalang ang kawali.
Tinuruan ko kasi siyang magluto,pero ang usapan namin magluluto lamang siya kong nandito ako at Kasama niya ako o sino mang nakakatanda.
May nakita akong pigura ng taong papasok sa pinto ng kusina,dahil sa usok hindi ko agad nakilala ang papasok
"Gabriel,ano ito? bakit--"agad akong napatigil ng makitang kong sino iyon
"Pasensya na,kasalanan ko ito.Nakalimutan ko dahil kumuha ako ng mga gulay sa labas"
Panandaliang natagilan ako ng makita ko ang kanyang mukha.
Pinigilan kong matawa,dahil sa ayos niya ngayon.
Pero lumabas din ang pag tawa kong pinigilan
"A--anong nakakatawa?"
Naguguluhan niyang tanong
Dahil tawa parin ako ng tawa itinuro ko na lamang ang mukha niyang puno ng uling.
May uling siya sa ilong ,sa pisngi at noo..Na parang biglang inilubog sa ulingan ang mukha niya.
Idagdag pa na parang inosenting bata siya ngayon.
"Anong mayron sa mukha ko??"
Ibinaba niya ang basket na may lamang gulay.
At saka kinapa ang mukha,dahil sa ginawa niya.Lalong kumalat ang uling .
Lalo pa akong natawa ,sumakit ang tyan ko sa kakatawa..
Kulang nalang gumulong ako sa kakatawa sa sahig.
Matapos ang kakatawa ko,na hinintay talaga niya matapos.
Hindi ko na magawang tumingin ,dahil baka tumawa na naman ako.
Tumikhim ako,at tumayo ng Ayos..
Nilagpasan ko siya palabas ng pinto ng kusina.
Tinawag pa niya ang pangalan ko pero umalis na ako.
Dumiretso ako sa aking silid at kinuha ang gintong salamin.
Matapos kong makuha,bumalik agad ako sa kanya.
Nakaupo siya sa silya,habang nakahawak sa ulo niya,tila problemadong problemado.
"Tingnan mo mukha mo"utos ko sa kanya
Tumingin siya saakin, nagulat pa .
Tiningnan niya ang mukha niya sa salamin..
Kaya bigla na naman akong natawa,
Siya naman ay biglang natawa din.
Ito ang unang beses na makita kong tumawa siya ng ganito.
Napuno ng halakhakan ang buong bahay ng umagang iyon.
.....
Matapos ang aming nakakatawang umaga,hindi na namin pa pinag usapan pa, ang nangyari kahapon...
gusto na lamang namin na kalimutan ang lahat.
"Lourdrick,naka uwi na ba si Gabriel?"
Tanong ko habang nag aayos ako ng mga libro sa opisina niya
Balik na ulit kami sa dati naming routine
"Hindi ko napansin,gusto mo bang ipasundo ko na?"
Tanong niya at tulad ko abala din pag aayos ng mga gawain niyang tungkulin.
"Ahm,hindi naman,gusto ko lang siyang kamustahin."
"Wala ka bang gagawin mamaya?"
Tanong niya
Napaisip ako kong may gagawin ba ako,
Pero wala naman
"Bakit?"
Tanong ko
"Kong gusto mo,pumunta tayo mamaya patungo kina Delta Canor."
"Sige,punta tayo.Pero hindi ba marami kang gagawin at isa pa, kanina sabi mo marami kang tatapusin??"
"Matatapos narin ito..Kaya ayos lang.."
"Ah ..Bakit nga pala biglaang nag yaya ka?"
Dagdag ko pa
Tumigil siya sa kanyang ginagawa at humarap saakin.
"Gusto kong magkaoras tayo.At hindi puro trabaho nalang palagi"
Kumabog ang dibdib ko,natutuwa ang damdamin ko sa sinabi niya.
Tumikhim ako para maiiwas ang ngiting gustong gumuhit sa aking labi .
Kahit pa may nararamdaman ako sa kanya,hindi mababagong kailangan kong itago ito dahil ayaw kong magmukhang parang tulad ng iba na lumalambot nalang bigla dahil sa umiibig sila.
Gusto ko parin tulad ng dati,yung walang magbabago saakin.
"Okay,..punta tayo.Para narin sunduin si Gabriel."
Lumipas ang oras, at natapos na nga ni Lourdrick ang kanyang ginagawa.
Nagdala kami ng mga prutas at gulay na pandala kina Luciana bago umalis,
Pinauna ko muna si Lourdrick sa labas dahil may binalikan akong gamit na naiwan ko kanyang opisina at habang palabas na ako ng pack house,may nadaanan akong dalwang Omega..
Sa kanilang pag uusap,bigla akong natigilan.
Anlakas ng boses nila at kaya hindi ko na naiwasan makinig.
Pero ang mas higit na nakakuha ng atensyon ko ay ang mga sinabi nila
"Tama ka,ang totoo nga niyan...mas humanga ako sa ginawa ni Luna Kaizen.At kakaiba din siya pag nalasing."
Sabay bungisngis nito
"At isa pa,nagawa niyang mapasayaw si Alpha..Lahat ng mga panauhin ng gabing iyon.Tuwang tuwa kay Luna."
"kong mabigyan ng pag kakataon.Sana sa susunod na pagdiriwang,sana maging ganon din kasaya ulit ng lahat.."
Marami pa silang pinag uusapan pero hito ako ngayon,hiyang hiya sa naririnig.
Ibig ba nilang sabihin,may ginawa talaga ako sa pagdiriwang.
Bakit walang sinabi saakin si Lourdrick?
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
WerewolfLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...
