Pakiramdam ko sasabog ang mukha ko sa pag iinit dahil sa hiya kong nararamdaman ko ngayon.
Matapos kong marinig ang lahat ng kahihiyan kong ginawa sa party nila,parang wala na akong mukhang maihaharap sa kanilang lahat.
"Hindi mo naman kailangan mahiya sa nangyari...ang totoo niyan naging masaya ang gabing iyon dahil sa iyo.
Iyon ang unang beses na naging kakaiba ang aming pagdiriwang."
Sabi ni Lourdrick
Alam ko naman na pilit niyang pinagagaan ang nararamdaman ko.Pero anong hindi mahiya?? sobrang hiya ko na nga,..at isa pa lalo na sa kanya nahihiya ako.
Siya kaya ang naging partner ko sa gabing iyon at napagsayaw ko pa.Anlaking kahihiyan talaga ito..!
Ang sarap tumakbo sa malayo para hindi ko lang sila makaharap"Ano bang dapat kong gawin?.."
"Alam mo,minsan kong pakiramdam mo na wala ng kasagutan sa mga nararamdaman mo.
Pwede mo namang tawanan nalang,ng sa ganon mapapalitan lamang ng isang katuwaan ang nararamdaman mong kahihiyan.
Tayo kasi pagkaramdam ng isang pakiramdam na lubha nating iniisip, tayo lang rin ang nag papalala non.Iniisip natin kong ano ang magiging tingin nila sa atin.Pero sila,matapos ang araw agad rin nilang makakalimutan ang lahat.Kaya huwag mo ng isipin iyon.Dahil nakalimutan na nila ang mga nangyari ,hindi man ngayon.Darating ang oras na mawawala din yun sa kanila."Tawanan ??tama siya... kailangan kong tawanan nalang ang nangyari.
Bumuga ako ng hangin,sa pamamagitan non matapos kong gawin iyon,nakahinga na ako ng maluwag at binitawan ang aking kanina pa iniisip.
Sa muli kong pag tingin sa kanya,
Ngumiti ako...
"Tama ka sinabi mo,at gagawin ko iyon..."paniniguro ko sa kanyaTumango siya.
Ito lang talaga ang maganda pag kasama mo ay isang katulad mong gender.
Madaling makakasundo sa mga bagay bagay.
"Tara na ..anong oras na baka gabihin na tayo"pag yaya ko na ulit kay Lourdrick patungo Kina Luciana.
.....
Lumipas ang mga araw , nakalimutan ko na ang mga alalahanin nang nakaraan.
At ngayong araw ay naririto kami ni Gabriel sa taniman.
Upang tumulong sa pag ha-harvest ng mga prutas.Noong una,syempre ayaw na naman akong payagan ni Lourdrick,dahil mainit at baka nasobrahan na naman daw ako.
Totoo naman ang sinabi niya eh,pero mas gusto ko ng may ginagawa.
Ayaw kong ma-stuck sa isang tabi ng walang ginagawa.Naboboring ako..
"Luna!!,halika roon.Maraming bunga sa dulo."excited na excited na sabi ni Gabriel.
Itinuturo niya ang dulong bahagi na.
Hindi na niya pa ako maghintay,tumakbo na siya patungo doon.Akmang tatawagin ko siya , pero mabilis na siyang nakalayo.
Ang mga bata talaga,pag takbohan hindi nagpapatalo.
Palibhasa,may lahing iba.Napailing ako,tumingin ako sa paligid sinugurado ko munang walang nakatingin o makakita .
Paniguradong mapagsasabihan ako ni Lourdrick dahil sinuway ko ang bilin niyang hindi ako lalayo,nangako akong susundin ko ang sinabi niya.
Para hayaan niya akong pumunta dito kanina.Sana naman walang makakita.
Nakakapagod ,... totoong ang init sobra..Tapos anlayo ng pinuntahan ni Gabriel.
Muli kong hinanap ng mata ko ang bata,pero hindi ko parin siya nakikita

BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
WerewolfLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...