Kabanata 06: Utang

1.5K 125 29
                                    

"I'M HAPPY for your brother. Especially for his upcoming wedding. How is the preparation going on?" Tanong ni Lance kay Alicia habang magkaharap silang nakaupo sa magkabilang panig ng mesa na para sa pandalawahang tao. Sinisimulan na rin nilang bawasan ang kanilang pagkaing nakahanda sa hapag.

Malawak, malinis, maayos, at maaliwas ang loob ng kainan habang ang disenyo nito ay pinaghalong Kastila, Pilipino, at Tsino. Ang bawat dingding ng kainan ay naaadornohan ng iba't ibang mga nakapintang larawan. Sa kisame naman ay makikita ang mga nagliliwanag na magagandang aranyas (chandelier) na gawa sa capiz.

Itinuturing na isa sa pinakamatandang kainang naitayo noong taong 1888 ang Ambos Mundos. Paella Ambos at Callos ang ilan sa mga sikat na putaheng inihahanda ng kainan. Kaya ang dalawang putaheng iyon ang ipinahanda ni Lance sa nakausap na serbidora. Halos lahat ng mga suki ng kainang iyon ay mga mayayamang Pilipino, Amerikano, Kastila, Tsino, at iba pang mga banyagang nagbabakasyon sa Pilipinas.

"Kuya Julian is already to preparing for their occasion. My mother accompanied him to a seamstress, last time, to get his body measurements for his Barong Tagalog. So far, he is not allowed to see his fiancée for a while." Sinasabi iyon ni Alicia habang ang naglalaro sa kaniyang isip ang kaninang tagpo bago umalis sina Felipe at Veronica.

Hanggang sa mga sandaling iyon kasi ay binubuliglig pa siya ng kaniyang konsensiya. Hindi niya sinabi ang tunay niyang dahilan kay Felipe kung bakit ibig niyang magpahatid patungo sa pook-tagpuan nila ni Lance. Higit na mahalaga sa binata na pangasiwaan ang panaderya. Subalit dahil sa kaniyang pagpupumilit ay pinili ni Felipe na isantabi ang mga dapat nitong gawin sa panaderya upang siya ay samahan.

Pagkatapos, hinayaan pa niya si Veronica na makasama si Felipe sa pamamasyal. Gayong batid naman ni Alicia na sa simula pa lamang ay halatang ayaw nang sumama sa kaniya ni Felipe sa ilang beses ba naman nitong pagbibigay ng mungkahi na ibang tao ang sumama sa kaniya para sa araw na iyon.

"Why they are not allowed to see each other?" Usisa sa kaniya ni Lance.

"We have this superstition that if a couple meets before their wedding day, something terrible will happen to them. Since couples are susceptible to mishaps, our parents advised my brother and his fiancée to be more vigilant." Paliwanag ni Alicia.

"Is your brother alright for this kind of arrangement? He has been away from his fiancée for quite some time. They may not be used to being apart from one another."

"Our parents' wishes were agreed upon by all of them. They are both aware of the elders' superstitions while still ensuring their own safety. In the meantime, they continue to communicate by letters." Sinasabi iyon ni Alicia habang ang kaniyang isip ay inookupahan ng guwapo ngunit dismayadong mukha ni Felipe.

"That's good to know. At least, that way, their hearts won't be completely desolate if they don't always see each other." Nakangiting komento ni Lance. "Anyway, how was Lt. Apacible as your brother?"

"Did Kuya Julian get involved in any trouble while he was training at your camp?" Nagsimula nang gumapang ang kaba nang itanong sa kaniya iyon ni Lance. Hindi naman itatanong ni Lance iyon kung walang suliranin sa kaniyang kapatid.

"No. Lt. Apacible is a dedicated soldier when it comes to his duties and responsibilities. I have not received any reports or problems for his performances after he moved to our camp. In fact, he is one of our team's most skilled sharpshooters." Paglilinaw ni Lance habang masasalat sa tinig na ipinagmamalaki nito ang talento at kahusayan ng kaniyang kapatid.

"Then, why did you ask me about my brother?" Takang usisa niya sa Koronel. Kahit paano ay nawala ang kaba na kaniyang nadarama.

Bahagyang natawa si Lance. "I just asked it because I also want to know what kind of brother he is to you."

AliciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon