Kabanata 16: Liham

948 107 30
                                    

LUMABAS si Alicia sa kanilang silid-aralan saka binagtas ang malawak na pasilyo matapos niyang malikom ang mga sulatin upang makapagpahinga at makakain na ang kaniyang mga mag-aaral. Ilang araw matapos ang naganap sa silid-aklatan ay hindi na iyon nasundan pa.

Subalit sa tuwing sumasagi sa gunita ni Alicia ang nagdaang kaganapan ay paulit-ulit na bumabalik ang takot at pangamba para sa kaniyang kaligtasan. Sa tuwinang maglalakad mag-isa sa malawak na pasilyo ay nakadarama siya nang labis na pagkabalisa na maaari uling maulit iyon.

Nababahala si Alicia na maaaring sa ikalawang pagkakataon ay tuluyan nang magtagumpay ang taong iyon na siya ay madakip. Kaya palagi na siyang sumasabay kay Rosella at kapuwa silang nag-aabang ng masasakyang kalesa.

Sa nakalipas ding mga araw ay palagi nang palamuti ng bawat labi ang paghahandang pangmamamayan maging panghukbo. Patuloy pa rin ang pagsasanay ng nga eroplanong pandigma sa himpapawid maging ang medikal na pagsasanay para sa mga guro.

Bukambibig na rin ng mga tao ang mga katagang blackout at dugout. Laman na rin sa bawat kalsada tuwing gabi ang rumurondang pangkat ng volunteer guards. Ang sinumang tao na mahuhuling gumagala-gala tuwing gabi ay walang padarag na pararatangang quinta columna o espiya ng mga kalaban.

Nawala lamang ang malalim na iniisip ni Alicia nang kaniyang matanaw si Zhao na tahimik na nagwawalis. Ngunit nang bumaling sa kabilang gawi ang binata ay hindi nito napunang nadanggil ng sariling walis ang nakatayong pandakot kaya tuluyang natumba.

Kaagad binilisan ni Alicia ang kaniyang paglalakad upang lapitan ang natumbang pandakot at kusa niya iyong ibinalik sa pagkakatayo. Tila naramdaman naman ni Zhao ang kaniyang paglapit, kaya nilingon siya ng binata.

"I'm sorry if I bothered you with your sweeping. I saw this dustpan fell down, so I put it back where it stands." Saad niya nang siya ay umayos mula sa bahagyang pagkakayuko saka hinarap si Zhao. Subalit natigilan si Alicia nang makita niya ang mukha ng binata. May sariwang sugat ito sa gilid ng kanang kilay at pumutok ang gilid ng labi dulot marahil nang malakas na pagkakasuntok.

"It's alright, Miss Alicia. Thank you so much for your help." Sinserong pasasalamat sa kaniya ni Zhao saka sumilay ang isang kiming ngiti sa labi nito. Ngunit taliwas ipinakikita ng mga mata nito: mapanglaw at malamya.

Muli sanang tatalikod si Zhao upang ipagpatuloy ang pagwawalis nang hawakan ni Alicia ang kaliwang braso ng binata upang pigilan.

"What to happened your face? Where did you get these wounds?" Nag-aalalang tanong niya sa binata.

"This is nothing. I got robbed and hit by someone this morning when I was heading here to school." Payak na paliwanag sa kaniya ni Zhao habang isinasawalang bahala lamang ang tinamong sariwang sugat.

"You shouldn't ignore your wounds. What if it gets infected? It will be more difficult to you if that gets worse. Let's go." Sabay hila niya sa bisig ni Zhao upang yayaing maglakad.

"Where are we going?" Takang tanong ni Zhai nang isandal nito sa gilid ng pader ang hawak na walis saka iniwan ang gawain upang sundin si Alicia.

"Clinic. To give first aid to your wounds. And don't you dare refuse if you don't want me to add more wounds on your face." May bahid ng pagbabanta ang tinig ni Alicia.

"Y-Yes, Ma'am." Ang tanging nawika ni Zhao nang tablan ito ng sindak at hindi na nangahas ang binata na tumanggi hanggang sa marating nila ang klinika.

Mabilis namang inasikaso ng nakatokang nars ang mga sugat ni Zhao upang dulutan iyon ng paunang lunas.

"Have you reported this incident to the authorities?" Tanong ni Alica nang matapos linisin at lagyan ng gamot ng nars ang mga sugat ni Zhao. Kasalukuyang nakaupo si Alicia sa silya habang nakaupo naman sa gilid ng manipis na kama si Zhao.

AliciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon