Kabanata 35: Linlang

784 48 19
                                    

"IBIG kong maunawaan kayong mga babae. Ano ba ang katangi-tangi sa paborito ninyong kolorete at bakit nais ninyong kulayan palagi ang inyong mga mukha?" Nagtataka at napapaisip na tanong ni Felipe kay Alicia habang nakapikit ang mga mata ntio. Ika-sampu na ng umaga at kasalukuyan silang nasa harap ng kanilang kubo. Nakaupo si Felipe sa mahabang bangko.

Suot-suot nito ang kulay-melokoton (peach) na bestida ni Alicia. Lagpas tuhod ang haba niyon at ang manggas ay umaabot sa siko. Maayos na nakasuot sa uli nito ang itim na peluka na inayusan ni Isay sa pormang Victory Rolls, pares ng clip-on earrings na ang bato ay kulay-rosas, at kuwintas na may puting mga perlas.

Bumagay rin kay Felipe sa suot nitong bestida ang closed shoes na dalawang pulgada ang taas ng takong. Si Alicia naman ay nakatayo sa harap ng kasintahan habang masusi niyang pinipintahan ng maagang kulay gamit ang eye shadow ang talukap ng mga mata nito habang si Isay ay pinapalamutian ng aguhilya ang peluka ni Felipe.

Samantala, ang ibang kasapi ng Kalayaan ay abala rin sa paghahanda ng mga gagamiting armas. Iyon kasi ang araw na sasalakayin ng kanilang pangkat ang bahay-panuluyan na nagsisilbing bahay-aliwan (brothel) upang gawing kabuhayan ng mga negosyanteng Hapon ang mga bihag na comfort women.

"Naglalagay kami ng kolorete sa mukha upang maging presentable sa harap ng mga tao, madagdagan ang tiwala sa aming sarili, maging positibo sa aming pananaw, at upang ikubli ang aming mga kapintasan." Tugon ni Alicia nang matapos niyang kulayan ang talukap ng mga mata ni Felipe.

Mayamaya ay inilapag niya sa tabi nito ang eye shadow saka kinuha ang kaniyang paboritong lipstick na kulay pula. Binuksan niya ang takip niyon saka inikot ang ilalim ng lagayan upang paangatin ang pulang kulay. Pagkatapos ay sinimulan na niyang ihagod ang pahilis na dulo ng lipstick sa ibabang labi ni Felipe.

Nahihirapan din siyang ituon nang maayos ang kaniyang pansin sa ginagawa niyang paghagod ng lipstick. Sa tuwing magsasalita kasi si Felipe ay hindi niya maiwasang maakit sa labi nito. Animo'y inuutusan siya na hagkan iyon.

"Ayon sa aking nababasa ay hinahaluan daw ng iba't ibang kemikal ang mga kolorete. Hindi ba kayo nababahala na maaaring magdulot iyon ng pagkasira sa inyong mga balat?" Tanong pa ni Felipe na tila ba isang paslit na walang kamuwang-muwang sa pampagandang ginagamit ng kababaihan.

"Hindi naman nakasisira ang maglagay ng kolorete sa mukha kung idadaan sa malumanay na paggamit. Ngunit kung aabusuhin ang paggamit ng kolorete, hindi kataka-taka na maaaring humantong nga iyon sa iyong tinuran." Komento ni Isay nang matapos nitong lagyan ng aguhilya ang gilid ng peluka ni Felipe.

Halos mag-iisang buwan din nang ipagpaliban ni Alicia ang kanilang binabalak na pagsalakay upang bigyan ng sapat na panahong magpahinga at magpagaling si Felipe mula sa tinamo nitong sugat. Matapos ang naging pagtambang sa Kalayaan at Kagitingan ay hindi na muling nagpakita si Erica.

Subalit hindi siya maaaring maging panatag ang knaiyang kalooban sapagkat nababatid niya na maaaring humahanap lamang ng tamang tiyempo si Erica upang magsagawa ng panibagong pagtambang. Kaya kinakailangan na maging handa ang kaniyang pangkat sa anumang kagila-gilalas na pagsalakay ng mga kalaban.

Sa mga lumipas na linggo ay si Alicia ang kumandili sa kaniyang kasintahan. Hindi naglaon ay unti-unting humilom ang tinamo nitong sugat sa tagiliran. Masigla na rin itong nakikipagtalo kay Javier na animo'y mga paslit. Malaki rin ang pasasalamat ni Alicia kay Cecilia sapagkat matiyaga nitong sinubaybayan ang kalagayan ni Felipe sa tuwing dadalaw sa kanilang kuta.

"Iyan, tapos na." Anunsiyo ni Alicia nang matapos niyang kulayan ng lipstick ang labi ng kasintahan. Pagkatapos ay kinuha niya bangko ang bilog na salamin o hand mirror upang ibigay sa kasintahan at masilayan nito ang sariling repleksyon. "Kumusta? Ano ang iyong masasabi?" Usisang tanong niya kay Felipe.

AliciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon