Kabanata 30: Kagitingan

856 62 45
                                    

UMALINGAWNGAW sa malaking hacienda na ginawang comfort station ang malalakas na pagtangis maging ang pagmamakaawa ng kababaihang ginagahasa habang kabi-kabilaan sa pag-ungol ng kaligayahan at pagmumura sa labis na sarap naman mula sa mga sundalo ang maririnig mula sa loob.

Gawa sa matibay na kahoy ang kabuuang istruktura ng hacienda at nakapuwesto iyon sa gitna ng malawak na bukirin. Tanging malalagong damo maging mga tanim na puno ng sampalok, kamatsile, at duhat ang makikitang nakapaligid sa hacienda. Kaya kahit malagutan ng litid sa leeg ang kababaihan sa malakas nilang paghiyaw at paghingi ng saklolo ay walang sinuman ang makaririnig sa kanilang panaghoy.

Maraming sundalong Hapon ang nagsisilbing bantay sa labas ng hacienda upang tiyakin na walang sinuman sa kanilang mga bihag ang makatatakas. Kapuwa rin silang naghihintay at nananabik sa pagkakataon na matapos ang mga kasamahan upang isambulat ang pagnanasang kaligayahan sa inaasam na paraisong hatid ng pamumukadkad ng mga sariwang bulaklak na unti-unting nalalanta sa paulit-ulit na pagyurak ng tawag ng laman.

Habang naghihintay ng pagkakataon ang mga bantay ay inabala muna nila ang kanilang mga sarili sa paninigarilyo, pagkukuwentuhan, at pag-inom ng alak. Mayamaya ay mayroong namataan ang isang sundalong Hapon na limang tinderong naglalakad. Nakabihis ang limang tindero ng kamiso, patadyong, tsinelas na abaka, at may suot na sumbrerong buri.

Pasan-pasan ng mga tindero mula sa kanilang mga likod ang balagwitan (mahabang kawayan na ang magkabilang dulo niyon ay may mahabang taling nagdurugtong sa dalawang buslo) na naglalaman ng masasarap na tinapay. Ilang oras na ring naghihintay ang mga sundalo mula sa labas ng hacienda at kapuwa nakararamdam na rin ng gutom. Kaya kinuha ng bantay ang pansin ng iba pa nitong mga kasamahan upang ituro ang mga papalapit na tindero.

Huminto naman sa ginagawa ang mga sundalo at nagsimulang lumakad ang ilan sa kanila upang harangin sa daan ang limang tinderong naglalako ng mga tinapay. Dagli namang huminto sa paglalakad ang mga tindero at sabay-sabay silang yumuko upang magbigay-galang sa mga sundalo. Tanging ilong at bibig lamang ang makikita sa mga tindero habang ang kalahati ng kanilang mga mukha ay nahaharangan ng sumbrerong buri nang umayos sila sa pagkakatayo.

"We are hungry. Give us your breads." Matapang at maawtoridad na utos ng sundalong tumatayong pinakapinuno ng pangkat. Walang namutawing kataga mula sa limang tindero. Hindi rin sila tumutol sa nais ng sundalo sapagkat kamatayan ang magiging kapalit kung sila ay tataliwas.

Tahimik na tumalima ang mga tindero sa utos ng sundalo saka inalis sa pagkakasukbit sa kanilang mga balikat ang mahabang kawayan at inilapag sa madamong lupa ang mga buslo. Ngumisi ang mga sundalo nang simulang ipamahagi ng mga tindero ang mga paninda nilang tinapay.

Tuwang-tuwa na sinimulang kainin ng mga naunang sundalo ang natanggap nilang tinapay. Nagtatawanan at nagkukuwentuhan pa ang mga sundalo sa kanilang paglalakad habang ngumunguya pabalik sa hacienda. Subalit dahan-dahan ding bumagal ang kanilang paglalakad hanggang sa mapahinto sa kinatatayuan at tuluyang binitiwan ang hawak nilang tinapay.

Mayamaya ay isa-isa nang sumuka, bumagsak sa lupa, nangisay, at bumula ang mga bibig. Mabilis namang naglaho ang malapad na ngiti sa mukha ng pinuno ng pangkat maging ng iba pang mga sundalo nang sa kanilang pagtalikod sa mga tindero ay nakita nilang nakabulagta na sa madamong lupa ang kanilang mga kasamahan at hindi na humihinga.

"Chikushou!" (Son of a b*tch!) Galit na sambit ng pinuno ng pangkat nang mapagtanto na may halo palang lason ang mga ipinamahaging tinapay. Kasunod niyon ay mainit ang ulo nitong itinapon sa madamong lupa ang hawak na tinapay ganoon ang iba pa nitong kasamahan. Pagkatapos ay muling binalingan ang gawi ng mga tindero upang tutukan ng kanilang mga bayoneta.

AliciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon