Kabanata 38: Pagsalakay

380 10 18
                                    

HINDI natagpuan ni Alicia si Lance nang bumalik sila ni Felipe sa kanilang kuta. Mangilan-ngilan lamang ang mga kasapi nilang nagbabantay roon. Ang iba sa kanila ay nagtungo sa gubat upang manguha ng mga kahoy na magagamit nilang pangsiga, may umakyat sa mga puno upang pumitas ng makakain, sumisid sa dagat upang mangisda, at nagtungo sa mga bukirin upang ipagpatuloy ang kanilang trabaho.

Ang pangkat nina Mauricio, Emelino, Vicente, at Sojiro ay masayang nakikipaglaro ng baraha sa ibang binatilyong gerilya. Habang sina Javier, Yoshiro, at Alkalde Hernandez naman ay nakikipag-inuman ng lambanog sa ibang matatandang gerilya. Nag-uusap naman sa mahabang bangko sa tapat ng kubo sina Veronica at Isay habang pinagmamasdan ang mga kaganapan.

Hindi nagtagal ay lumabas mula sa loob ng kabilang kubo si Thomas. Sukbit-sukbit nito sa kaliwang balikat ang mahabang baril. Pagkatapos ay tinungo nito ang isang puno saka isinandal ang likod sa katawan niyon. Mula sa loob ng bulsa ng suot na patadyong ay inilabas ng Sarhento ang sigarilyo saka sinindihan iyon gamit ang kulay pilak na cigarette lighter.

Isang mahabang paghithit ang ginawa nito saka kumawala ang usok sa bibig. Nagpaalam muna si Alicia kay Felipe na kauusapin muna si Thomas. Pagkatapos ay tinungo ang puwesto ng Sarhento na agad ding napatingin sa kaniyang gawi.

"Thomas, have you seen Lance?" Iyon agad ang bungad na tanong ni Alicia nang huminto siya sa tapat ng Sarhento.

"Yes, I saw him, and he left immediately." Payak nitong tugon.

"Do you know where he is right now?" Usisa niyang tanong.

"I'm sorry, Alicia. But I can't answer your question." Tuwiran nitong komento. Doon din napagtanto ni Alicia na batid ni Thomas kung na saan ang Koronel.

"Please tell me, Thomas. I need to talk to him." Nasa himig niya ang pakiusap. Bumuntong-hininga muna ang Sarhento saka umayos sa pagkakatayo at muling nagsalita.

"He told me what happened, and he was the one who ordered me not to tell you where he went off." Pagtatapat ni Thomas. Mababanaag din sa mukha nito ang simpatya para kay Lance. Sa kabila ng nabatid nito ay walang panghuhusgang namutawi mula sa Sarhento

"That is the reason why I want to talk to him. I want to explain myself and apologize as well." Giit at depensa pa ni Alicia.

"Alicia, he's in a bad mood right now and doesn't want to talk to anyone. He was deeply hurt by what he learned about you and Felipe. If you insist to go where he is, it might get worst." Pagpapaunawa sa kaniya ni Thomas.

Napatda si Alicia mula sa naging pahayag ng Sarhento. Kaniya ring napagtanto na may punto rin ang tinuran nito. Sariwa pa sa gunita ni Lance ang tagpong natunghayan nito.

"Just talk to him once his head cools down. For the meantime, best to leave him be." Payo sa kaniya ni Thomas. Nakabalatay rin sa mukha nito na walang balak sabihin ang kinaroroonan ni Lance kahit magpumilit siya. Kaya sa huli ay tumango-tango si Alicia.

"I understand and I am really sorry for hurting your friend's feelings." Lubos na paghingi ng paumanhin ni Alicia habang masasalat sa kaniyang tinig ang labis na pagsisisi at konsensiya.

"I know you have your own reasons, and I am not in the right place to judge you. After the news spread that many Filipino and American soldiers died during the Death March, I already knew that the course of our lives, particularly yours and Lance's, would change. No one is at fault here but war." Mapang-unawang komento ni Thomas.

Subalit nabulabog ang kanilang pag-uusap nang sila ay makarinig ng kalabugan. Agad nabaling ang kanilang pansin sa munting pangkat nina Alkalde Hernandez. Nagulat si Alicia nang matunghayan ang pagtilapon ni Javier sa damuhan matapos bigwasan ng kamao ni Felipe sa mukha.

AliciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon