Kabanata 08: Silay

1.5K 122 41
                                    

SUMAGLIT muna si Alicia sa kanilang silid-departamento upang ilapag sa mesa ang kaniyang mga kagamitan sa pagtuturo matapos ang kaniyang lektura sa ikatlo niyang klase. Sapagkat oras pa ng lektura ng ibang klase ay nagpasya si Alicia na magtungo sa kanilang silid-aklatan upang humiram muna ng aklat na maaaari niyang basahin habang hinihintay ang sunod niyang klase.

Unang bumungad kay Alicia ay ang mga matataas na aklat-istante. Mayroon din siyang nakitang iilan na mga mesa na may kapares na tig-apat na mga silya. Sa malawak na puwang ng silid ay nakapuwesto naman sa gitna ang malaking globo na nakapatong sa ibabaw ng matibay na pinakinis na mesa. Ang bawat pader naman ng silid ay naaadornohan ng mga kuwadradong pinta mula sa mga mahuhusay na pintor ng bansa. Maliwanag din ang loob ng silid-aklatan sapagkat pumapasok sa loob niyon ang magandang sikat ng araw sa nakabukas na durungawan.

Tahimik ang loob ng silid. Wala rin ang tagapagbantay ng aklatan. Subalit mabilis naagaw ang pansin ni Alicia nang may mapansin siyang gumalaw mula sa sulok ng kaniyang mata na lumabas mula pagitan ng dalawang istante. Nakita niya si Zhao na may hawak-hawak ng nakarolyong mahabang kalatas.

"Zhao!" Tawag ni Alicia nang makita ang kanilang tagapaglinis. Kaagad namang nauntol sa pagsulong si Zhao saka binalingan ang kaniyang gawi.

"Miss Apacible, it is nice to see you here." Nakangiting wika ni Zhao nang makalapit si Alicia. "Do you have no class yet at this hour?"

"My next class will start within twenty minutes. So, I decided to go here to borrow a book and read inside the faculty while waiting for my next class. But it seems Miss Rosario is not around. Have you seen her?"

"Miss Rosario is taking her break. She assigned me to keep an eye here for a moment while she is outside."

Mayamaya ay lumipat ang pansin ni Alicia sa hawak ni Zhao sa nakarolyong kalatas. "What are you holding?"

"Ah, this is the map of Luzon. I found this on the shelf." Hindi naman nagtagal ay sinimulan nang maglakad ni Zhao upang tunguhin ang isang bakanteng mesa.

"Don't you want to read a book? You will see nothing but lines and symbols on that map." Tanong ni Alicia habang nakasunod siya sa likuran ng binata.

"I really find maps interesting. They are beautiful and always possessed the eerie power to inspire our imaginations. Most importantly, maps arrange information spatially and help us to better understand the world we live in. Actually, I have a lot of map collections in my room. Mostly are from our country, China." Nakangiting paliwanag ni Zhao matapos nitong ipatong sa ibabaw ng mesa ang mapa ng Luzon.

"What motivates you to collect maps?" Namamangha na usisang tanong niya sa binata. Pagkatapos ay umupo si Alicia sa kabilang panig ng mesa upang makaharap niya si Zhao.

"Because I sometimes picture myself as a wandering pirate. Owning a huge ship in the middle of the vast ocean searching for the most valuable thing on earth." Tugon sa kaniya ni Zhao saka umupo sa isang silya habang ang mga mata nito ay nagniningning sa saya na tila ba nakahanap ng ginto.

"Are you saying to me that you want to look for the most precious treasure?" Maging si Alicia ay nausisa tungkol sa pahayag na iyon ng binata.

Natawa si Zhao bilang pag-amin. "If I have enough equipment, why not? I also love adventure and finding the lost treasure will be more fun and exciting!"

"You know what? My grandfather used to tell me a story about the ship named Real Oriente. They believed that the ship carries a large amount of treasure, but it was hit by a deadly storm in the middle of the sea. The location of the ship's landing is unknown. However, there is a certain map that can pinpoint the exact location of the lost ship as well as its loot." Pagkukuwento ni Alicia habang inaalala ang kuwento ng kaniyang lolo nang siya ay isang paslit pa lamang. Iyon kasi ang madalas ikuwento ng kaniyang lolo upang mabilis siyang mapatulog.

AliciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon