Athena
"Give it to me, I'm worth it. Baby, I'm worth it. Uh huh, I'm worth it." Napabalikwas nalang ako sa lakas ng alarm ko.
"Ugh! Yeah. Gimme, gimme, I'm worth it." Antok ko pang dugtong habang kinakapa ang old model kong Blackberry phone na binigay pa ng Mama ko noong Grade 6 ako. Nakapatong ito sa old nightstand na nasa kanang bahagi ng kama ko katabi ng isang baso at pitcher na may tubig. Dali dali kong pinress ang button ng stop para huminto sa kangingiyaw ang alarm dahil baka kasi buong mundo pa'y magigising. Saktong 7:00 ng umaga, bumaling ako sa kaliwa nang nakahiga parin, baling sa kanan, okay, enough...
"You need to wake up, Athena Margarette Ruiz! Hindi ka mayaman para magsleeping pretty nalang sa kama! Bangon na!" Litanya ko sa sarili. Agad akong bumangon at kinuha ang aking malaking t-shirts, isinuot iyon sa hubad kong katawan. Ugali ko ng natutulog na walang saplot. Naaalibadbaran ako at di ako makatulog ng maayos kung may nakatabing sa aking katawan. Dali-dali kong inistrech ang aking mga kamay at ulo para maalis ang antok. Get ready for morning routines. Drink one glass of water. Go straight to the bathroom, brush my teeth for 14 minutes. Then, ready for cooking session! Sabado ngayon. Kaya magluluto ako ng matatawag ko talagang totoong pagkain. Ang breakfast ko kasi from Monday-Friday ay pinagkakasya ko nalang ang sarili ko sa oatmeal na hinalo pa sa mainit na gatas or cocoa. Gan'to talaga 'pag nag-iisa ka. Tamad magluto kung may pasok. Gumiya ako sa maliit kong kitchen at nag-uumpisa ng gumana ang aking mga kamay. Una kong inabot ang maliit kong frying pan na ipinatong sa aking stove. Magluluto ako ng favorite breakfast namin ni Hannah, simpleng American breakfast lang naman. *Sigh*, my mouth is already watering! ... kring, kring, kring, my phone is ringing. Napangiti ako nang rumehistro sa aking pandinigang familiar na ringtone na sinave ko para sa nag-iisang tao. Dinig na dinig ko ang ringtone dahil nakabukas lang ang pinto ng kwarto ko. Maximize to the power of 10th talaga ang volume, Athena? Bingi?! Dali dali kong kinuha ang phone para sagutin ang registered caller. Speaking of Hannah. Napangiti nalang ako. She's calling. Ofcourse! Walang umaga na 'di maliligaw ang tawag niya. Ganoon din naman ako, nakasanayan na naming dalawa ang magkamustahan kahit na nagkikita naman araw-araw. Si Hannah ay ang dakila kong bestfriend, my one and only sister-in-heart-and-soul. Isa siya sa mga taong malapit sa aking puso. I have few trusted friends that literally, you can count them with your fingers. One thing, nag-iisa lang akong anak. Nakatira akong mag-isa sa apartment dahil nag-aaral pa ako rito sa University of San Carlos. Umuuwi lang ako ng bahay tuwing weekends. Hiwalay na sina Mama at Papa since I was in Grade 3. My first heartbreak. Napangiwi ako nang maalala ang sakit na dulotnito. My dad cheated on us when I was young, pinagpalit niya kami sa iba. That was painful. At my young age ay nasaktan na ako. Doon ko naramdaman kung gaano kasakit ang masaktan. Napakasakit sa akin na nakikita si Mama na umiiyak noon, every night. Sa murang edad ay natuto akong magforgive at mamuhay independently. Natuto akong tumayo sa sariling kong paa dahil nasa malayo sina Mama at Papa. Nang naghiwalay kasi sila ay nagpasyang magtrabaho sa ibang bansa si Mama. She spent 10 years there, working. Naiwan ako sa bahay ng lola ko na ang bunsong kapatid na babae nina Mama ang nag-alaga sa akin noong elementary pa ako. Nang tumuntong ako ng high school ay sinanay ko na ang aking sarili na mag-isa. When the time goes by, time healed us too, unti-unti ko ng natatanggap ang pangyayari. Pero hinding hindi na ako magtitiwala sa kahit na sinong lalaki. Oo, mahal ko sila pareho kahit na siguro may trust issue na ako pagdating sa pakikipagrelasyon. 'Di ko maipagkakaila 'yun na minsan ay takot na akong magmahal. 'Yung pangamba na iiwan ka, ipagpalit ka sa iba? Siguro dahil sa murang edad ko pa lang ay naiwan na kami ni Mama. Nagising nalang ako isang araw na tanggap ko na, na hindi talaga sila para sa isa't isa. Ganoon lang. Basic instruction lang tayo ha. Di tayo magpapacomplicate! Masakit!
"Siguraduhin mo lang na good news 'to. May pagseselosan na ba ako?" Pambungad ko kay Hannah instead of saying hello. Pareho kaming walang boyfriend. Kinukutya ko siya na sana papatulan na niya ang mga suitor niya para naman may pagkakaabalahan na siya, na isang araw, makalimutan niyang tumawag sa akin dahil sa jowa niya! Pero irap lang ang itinutugon sa akin. 'Pag siya naman ang nakatiyempo ay ganoon din siya. May nakarelasyon ako noong 3rd year high school kami. Pinsan siya ni Hannah na crush na crush ko dati pa na nasa elementary pa kami. But our relationship lasted for 20 days only. Hindi ko alam, narealize ko na hindi pala ako seryoso, sige, dahil we're too young then plus wala akong tiwala. They're all the same. And sumunod na naging boyfriend ko ay yung bully kong classmate since 1st year high school pa kami. Noong magfo-4th year high school na, summer vacay namin, bigla nalang 'daw' siyang nawrong send, he's bored and I'm bored too. Nanligaw sa text, it's lasted a month at nauwi rin sa hiwalayan through text. Dahil nga nabalitaan ko nalang na may babae siya then, I dumped him. Basic, girls. Don't settle for less!
"Hmmm. Let's say, I will spend my breakfast time with you instead of?----Ah basta, change of hearts! HAHA" Putol niyang sabi sa aking iniisip sa kabilang linya na nilakipan pa ng mahinang tawa na parang may sumagi sa kanya na katatawanan. We're in 1st year college right now. I'm taking Interior Architecture-Bachelor of Design and she's taking BPE, Bachelor of Physical Education. She's good at dancing and singing at ako naman ang kabaliktaran niya. Parehong kaliwa ang paa ko when it comes to dancing and daig ko pa ang literal na sirang mikropono. Ako po yung babae na noong nagpaulan ng talento ay nasa loob ako ng kwarto, natutulog. Magkaibang school kami pero always kami nagkikita. Ewan ko ba, kulang nalang magpapalit na kami ng mukha!
"Sounds great." Sarcastic kong sagot pero may kalakip na tuwa.
"Hmmm. Well, miss mo ang cooking skills ko or miss mo ako or miss mo lang talaga ako?" dagdag kong pang-aasar sa kanya, parang hindi kami nagkita kahapon sa tanong ko. Iniipit ko ang phone sa gitna ng kanang tenga at balikat ko. Nakasuot parin ako ng malaking t-shirt na paborito kong isinusuot 'pag andito lang ako sa loob ng bahay.
"Nah! C'mon, Athena. I just want to save my only left penny. Namumulubi na po ako." Pakatwiran niyang sabi at nilakipan pa niya ng I-do-not-have-a-choice voice.
"Ouchy ha! Wala ka man lang pampalubag-loob na baon diyan?" sagot ko naman sa kanya na hinawakan ko pa ang aking bandang dibdib na parang nasasaktan sa kanyang sinabi. As if talaga na nasa harapan ko siya. 'Di pa ako nakuntentong magpakonsensya sa kanya dahil nilakipan ko pa ang boses ko ng pagmamaktol. Gan'to kami nag-uusap araw-araw, mapapersonal man or over the phone. Daig ko pa talaga ang may totoong kapatid. Oh, God! Thank you for this girl.
"Oo na. Sino pa ba ang maglolokohan kundi tayo-tayo lang diba?" Pahopeless niyang sagot.
"Anyway, ready naba ang favorite meal ko for breakfast, Chef A?" Dagdag pa niyang turan sa akin na ikinatango ko naman. We always both know how to divert our attentions. In short, kilalang kilala na namin ang isa't isa.
"Ahuh! Ready to serve now, Miss Hannah Dela Cruz. Bacon, egg and sandwich with love." Proud kong sagot sa kanya habang inilalagay ko ang pagkain sa dining table. Buti nalang, naisipan kong magluto ngayon.
"Shocks! Sounds like hey-soul-sister-thank-you-for-bringing-the-american-breakfast-on-our-humble-table! I'll be there in a few minutes! See you, Gang." Dire-diretso niyang sabi sa sakin habang pinapaandar ang kanyang kotse na naririnig ko pa ang ugong ng sasakyan. May kaya ang pamilya ni Hannah. May sarili silang barko na pumapalaot buwan-buwan pero hindi spoiled si Hannah gaya ng ibang anak-mayaman. Lahat ng gusto niyang material things sa buhay ay pinaghihirapan pa niya bago niya makuha, kaya kami close sa isa't isa dahil pareho kami ng ugali at gusto, ang pinagkaiba nga lang ay mayaman siya, ako mahirap. Pero sa kabila ng pinagkaiba ng status namin ay pareho kaming naniniwala sa kasabihan na "The fruit of your own hardwork is the sweetest." Ika nga ni Deepika Padukone.
"Take care, Gang." Sabi ko sabay press ng end call button. Ito ang endearment namin sa isa't isa since we're in 1st year high school.
![](https://img.wattpad.com/cover/261143078-288-k277615.jpg)
BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...