Chapter 28

17 1 0
                                    

Athena

"Congratulations, Ms. Athena Margarette Ruiz for bringing 2020- Asia Pacific Property Award! Us-Design Interior Family are so proud of you!" Masigabong palakpakan ang yumanig sa loob ng aming malawak na opisina ngayon pagkatapos akong batiin ng aming boss dahil nanalo ang aming team sa Asia Pacific Property Award 2020-2021 in the category of Leisure Interiors Singapore for the design of Charcoal Tandoor Grill and Mixology. Isa itong malaking project this year. Isa itong interior design na ang concept ay Indian Fine Dining sa isang malaking Indian Restaurant dito sa Singapore. Napakasaya naming lahat nang inanunsiyo kahapon na we had been recognized for our creativity and innovation internationally. Nawindang pa ako noon nang ini-assign sa akin ang big project na ito. Akala ko nga hindi namin matapos ang project but fortunately and by God's grace ay natapos namin within the target date and the best part there was naparangalan pa talaga ang Us-Design Interior Company. Abot-langit ang ngiti ko habang nagpapasalamat sa lahat ng taong bumabati sa akin. Kung wala naman ang team ay wala rin naman ako rito sa estado ko ngayon.

"Congratulations again, Ms. Ruiz!" Bati agad ni Sir Rodge sa akin matapos niyang tinapik ang aking balikat nang marahan at yumakap. He's our Big Boss here in the company. Napaka down-to-earth niyang tao. Lahat kami ng employees niya'y talagang humahanga sa kanya. Napakagaling at napakabait niyang boss kaya naman ay malaki ang respeto namin sa kanya.

"Thank you so much for the trust and opportunity, Sir Rodge. At nagpapasalamat din po ako sa team dahil kong wala po sila, wala rin po ako rito." Pagpapasalamat ko kay Sir Rodge habang iginigiya ko ang aking mga mata sa kabuuan ng malawak na opisina na ngayo'y punong puno ng taong nagkakasiyahan. Ang iba nama'y kumakain sa inihandang pagkain para sa aming lahat. Apat na taon na rin ang lumipas ng umalis ako ng Pilipinas. Apat na taon na rin ang lumipas na nakipagsapalaran ako rito sa Singapore. Napangiti ako nang maalala ko ang mga sandaling parang kailan lang 'yung first day ko rito sa loob ng opisina. Parang kailan lang na nag-a-adjust pa ako sa lahat. Pero napakasaya ko dahil sa apat na taon kong pamamalagi sa kompanya ay mas napamahal pa akong lalo rito.

"You're one of the best employees here in our company, Marj! So please.." Pukaw ni Sir Rodge sa aking diwa habang nakangiti na nakatingin sa akin. 'Marj' ang tawag niya sa akin. He loves to make pen names for his friends, close friends rather. Big Boss ko siya sa loob ng opisina. Boss bestfriend ko naman siya sa labas. Isa siyang Filipino at ang nag-iisang apo na nagmamay-ari nitong kompanyang pinagtatrabahuan ko. Siya ang na-assign dito sa Singapore para magmanage at palaguin ito. He's in mid-30's. Matangkad siya at maganda ang built ng katawan, alagang gym. Hindi mo malalaman na nasa mid-30 na siya dahil parang ang bata niya pa. He's masculine vibe always wins kahit saan mo pa siya ilagay. Wala siyang girlfriend, pero boyfriend, meron. He's bisexual. May mga araw at buwan lang talaga na mas nananaig ang pagkagusto niya sa lalaki katulad ngayon pero hindi ko siya hinuhusgahan dahil wala ako sa posisyong kuwestiyunin ang kanyang kasiyahan. Kung masaya siya sa piling ng boyfriend niya, then masayang masaya narin ako para sa kanya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Minsan napapahalagakpak nalang ako ng tawa kapag may mga iilang tao ang magtanong kung boyfriend ko ba raw siya. Kung alam lang talaga nila ang totoo. Kung titingnan kasi sa tikas ng tindig ni Sir Rodge ay hindi mo aakalaing lalaki rin ang gusto nito. Naging matalik ko na siyang kaibigan dahil napakabait niya sa akin noong unang araw ko pa rito hanggang ngayon. Nahihiya pa ako noon sa kanya pero napakafriendly niya lang talaga. Minsan pa'y nagagalit siya sa akin kapag napakapormal kong makipag-usap sa kanya. He wants to drop the formalities 'pag dalawa lang kaming nag-uusap dahil dalawa lang din daw kaming Pinoy rito sa kompanya, pero sa side ko naman ay parang ang pangit naman ata kung pati sa loob ng opisina ay feeling close ako sa big boss ko. Kaya wala na siyang magawa kung hanggang nagyon ay 'Sir Rodge' parin ang tawag ko at hindi mawala-wala sa akin ang malaking respeto sa kanya. Kaya naman ay pinag-iigihan ko pang lalo ang aking trabaho para naman ay hindi ko siya madisappoint. Marami narin ang naitulong niya sa akin sa loob ng apat na taong pamamalagi ko rito sa Singapore. All of the employees here are all foreigners except me. Hanggang ngayon ay hindi parin nagsi-sink in sa aking isipan kung paano ko napasa lahat ng interview ko dati rito sa Us-Design Interior kahit na noon ay wala pa akong lisensya. Napangiti nalang ako nang maalala ko ang mga sandaling iyon. Habang nagtatrabaho kasi ako noon ay nagri-review rin ako for my licensure examination and by God's grace ay naipasa ko naman. Malaking pasalamat ko talaga sa itaas.

"Lumulutang ka na naman sa cloud nine, Marj?" Pabulong na sabi ni Sir Rodge na ikinabalik ng diwa ko. Nandito parin pala siyang nakatayo sa tabi ko habang hawak hawak sa kanang kamay niya ang wine glass nito.

"Thank you so much, Sir Rodge. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi ako napadpad dito sa kompanya mo." I always thanking him kahit na feeling ko ay naiirita na siya sa akin kakasalamat.

"Here you go again, Marj! You're always welcome. Ano ba, hindi ka iba!" Sabi niya sa akin na marahan niya pa akong inirapan at tinungga agad ang kanyang red wine. Napangiti nalang ako sa kanya at naramdaman kong nagvibrate ang aking phone. Agad kong hinulbot ito sa aking bulsa ng aking slacks at rumehistro agad ang registered caller. Ngumuso ako sa kanya ng 'excuse me' at tumango naman siya agad at tinungo agad ang kanyang opisina.

"Hello, Love. How are you?" Agad kong tanong sa kabilang linya.

"Theen! Naku! I'm sorry talaga kung tinawagan kita ngayon." Paghingi paumanhin agad sa akin ni Tiya Lusing.

"Tiya, okay lang po. Hindi naman po ako busy ngayon eh. Bakit po?" Sagot ko agad at tiningnan ang oras sa aking wristwatch. Limang minuto nalang ang natitira para makalabas na ako sa opisina. 5pm ang time out namin dito kaya naman ay kung walang OT, umuuwi agad ako sa aking apartment.

"Nasa hospital k---"

"Po? Saang hospital po? Please. Send niyo po sa akin agad ang location." Naputol ko kaagad ang kanyang sinasabi nang marinig ko sa kanya ang salitang hospital. Lumukob agad ang pangamba ko sa mga sandaling ito. Shit! Cherophobic hits me again. I was once afraid of being happy because whenever I felt happy, something bad inevitably happened. 

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon