Anthon
"Anong balita?" Tanong ko agad sa kabilang linya. Nakaupo ako ngayon sa aking swivel chair. Nakaharap ako sa glass window na kitang kita ang nagsisitayuang matataas na building. Apat na taon narin ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi parin ako sumusuko at hinding hindi ko siya isusuko.
"Damn it! Send the file to me immediately." Napamura ako sa kabilang linya nang marinig ko na may anak na siya? Sa loob ng apat na taon kong paghahanap sa kanya ay malalaman ko nalang na may anak na siya?! Gusto kong liparin ang Singapore ngayon at bawiin siya sa kung sino mang lalaki ang nagmamay-ari sa kanya ngayon! Damn! Agad kong ibinaba ang aking cellphone at napasapo sa aking mukha. Fuck!
"Napaka-crunchy naman ng pagmumura mo. Too early for that language, man." Hindi ko na namalayan na nakapasok na pala si Chris sa aking opisina. Noong nakaalis na ako sa dating kompanyang pinagtatrabahuan ko'y itinayo ko agad ang Enriquez Plastic Center Company. Isa kami sa mga nagsu-supply ng plastics sa buong Asia. Sa loob ng apat na taon ay iginugol ko lahat ng oras ko rito sa kompanya at laking pasalamat ko sa itaas ay isa na ito sa mga leading companies sa bansa.
"You look shit! Ganyan ka na ba talaga kadesperadong yumaman?" Diretsahang tanong ni Chris habang nakatitig na parang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita sa akin. Agad kong niyuko ang aking sarili at lumabas ang malalim na buntong hininga nang makita ko ang aking suot na kahapon ko pa iyon suot-suot. Damn! Napamura na naman ako sa aking isip.
"What are you doing here, Chris?" Ipinagsawalang-bahala ko ang kanyang sinabi at itinuon ang aking tingin sa kanya.
"Pinapunta ako ni Tita rito. Huwag mo raw hintayin na siya ang susundo rito sa opisina mo baka hindi mo raw magustuhan ang gagawin niya." Sagot ni Chris sa akin na parang hindi sineryoso ang ibinilin sa kanya pero sa totoo lang ay kinabahan agad ako sa narinig. Nang umalis si Athena ay parang nawalan narin ako ng ganang mabuhay. I stuck on her. I can't move on. Everyday kong hinihingi sa taas na sana ay makita ko na siya, na sana ay babalik na siya sa akin pero dumaan ang oras na naging araw, lingo, buwan at worse, naging taon pa, wala paring Athenang bumabalik. Pero hindi ako sumukong hanapin siya. Ibinuhos ko lahat ng galit ko sa sarili sa pagtatrabaho sa kompanya. Itinuon ko ang atensiyon ko sa pagpapatayo at pagpapalago nito. Para akong buhay na buhay sa labas pero sa loob ay patay na. Guilty ako kung sasabihin ng pamilya ko na napakaselfish kong tao. Guilty ako kung aakusahan nila akong wala na akong oras sa kanila. Napakalaki kong gago! Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko parin mapipilit ang aking sarili kahit na nagpapakasasa na ako sa trabaho. Hindi parin siya maalis alis sa aking isp at puso. Damn! Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa kanya pero hanggang kailan ako magiging miserable para lang mapatawad niya ako? Hanggang kailan niya ako pahihirapan? At ngayon nga'y nadatnan pa talaga ako ng pinsan ko na hindi pa nakakauwi at worse, hindi pa naliligo. Dito na naman ako nakatulog sa opisina kagabi. Walang pinagbago.
"Uuwi ako, Chris. Salamat." Maikli kong sambit at tumayo na sa swivel chair. Kinuha ko agad ang aking cellphone at susi ng sasakyan.
"Uuwi ka sa bahay niyo ng walang bitbit na regalo?" Akmang lalagpasan ko na si Chris na nakaupo sa pang-isahang couch na nakaharap sa aking direksiyon. Kumunot agad ang aking noo nang marinig ko ang kanyang sinabi.
"Oh. I see, you forgot again. Mika's birthday today, Thon." Pilit na ngumiti si Chris sa akin habang ako ay napapamental punch sa sarili. Fuck! My niece's birthday! Naalala ko na naman ang magandang mukha ni Athena na nakangiti sa harap ni Mika. Parang kailan lang na kasama namin siya sa lahat ng importanteng okasyon sa bahay. Parang kailan lang na hawak hawak ko siya. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata para maibsan man lang ang guilt na namumuo sa aking puso't isipan.
"Wala ako sa posisyon para sabihin ito ngayon sa'yo pero fix yourself, Thon. Nakakalimutan mo na ang buong pamilya kakatrabaho. Daig mo pa ang may sampung anak." Napadilat ako sa sinabi ni Chris sa akin sabay tapik sa aking balikat. Oo nga naman. Ibinuhos ko nga pala lahat ng galit ko sa pagtatrabaho. Galit na galit ako sa sarili ko noong wala akong nagawa nang umalis si Athena sa buhay ko. Hindi alam ng pamilya ko ang buong nangyari. Nabigla nalang sila nang sinabi kong nagkasala ako kay Athena. Consequences ko 'to. Deserved kong masaktan ng ganito kasi ang gago ko. Wala sa sarili'y napatango nalang ako at agad na tinungo ang pintuan. Sumunod naman na naglakad sa akin si Chris. Sumakay agad kami sa elevator at gumiya papuntang parking area. I have no strength to defend myself. I have no bones to stand strong. Para akong nanghihina sa bawat araw na dumadaan, sa oras na lumilipas habang hindi pa bumabalik sa akin si Athena.
"It's been 4 years, Thon." Agad akong napatulala at agad na lumingon sa passenger seat na ngayo'y inakopa ni Chris na seryosong ikinakabit ang seatbelt.
"Don't give me that damn look, Thon. Alam kong alam mo iyon. At alam din naming lahat na hindi ka susuko sa kanya." Turan niya na may ngisi sa mga labi na parang nangungutya.
"I know where she is. At heto ako ngayon, naduduwag." Mahina kong sabi. I missed her so much.
"At Rodge's company, yeah." Maikling sagot ni Chris sa akin na nagpabuhay sa aking kalamnan sabay ang pagkabuhay ng ignition ng aking sasakyan. Kanina ko rin lang nalaman na nagtatrabaho siya sa Us-Design Interior Company na pagmamay-ari ni Rodge, ang classmate ni Chris noong college. Napakaliit nga lang ng mundo. Nang masigurado kong tama ang natanggap kong impormasyon at akma ito sa sinabi ni Chris ay agad akong sumigla. Nabuhayan agad ako ng loob. This time I will never let you go, Athena.
![](https://img.wattpad.com/cover/261143078-288-k277615.jpg)
BINABASA MO ANG
Stuck On You
Любовные романыA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...