Athena
"Mommy!" Tumatakbong palapit si L.A. sa akin habang ang dalawang kamay ay nakabuka patungo sa akin. Nasa bukana pa kami ng pinto ni Anthon ay agad siyang tumakbo para salubungin ako ng yakap.
"Hello, Love." Yumakap agad ako sa kanya at naramdaman ko ang pagpisil ni Anthon sa aking kanang balikat. Tumingala ako sa kanya at naramdaman ko rin ang paggalaw ng maliit na ulo na nakasubsob sa aking leeg. Humarap ang maliit na mukha ni L.A. sa direksiyon ni Anthon.
"Daddy?..." Parang piniga ang aking puso nang marinig ko ang boses ni L.A. Agad kong tiningnan ang mukha ng anak ko na ngayo'y parang gulat na gulat na parang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Hindi ko siya masisisi dahil sino ba naman ang hindi mabibigla kung ang alam niyang daddy ay palaging busy kakatrabaho sa opisina? Tama? Bago pa ako nakapagsalita'y agad na inabot ni L.A. ang kanyang dalawang maliit na kamay sa direksiyon ni Anthon na parang nagpapakuha sa huli. Parang nakasama na niya ang daddy niya sa inaakto niya ngayon. Gan'to ba siya kasabik sa daddy niya?
"Yes, Baby... Daddy's here." Naramdaman ko nalang ang makisig na bisig ni Anthon na kumiskis sa aking balikat at agad na kinarga ang aking anak na walang kahirap-hirap. Isinubsob agad ni L.A. ang kanyang mukha sa leeg ng kanyang ama na parang sabik na sabik sa amoy nito.
"Oh! God! It feels so good." Narinig ko nalang ang halos pabulong ni Anthon na parang noon niya pa ito hinihintay na pagkakataon. May mainit na likido ang tumulo sa aking mga mata habang nakatingin sa kanilang dalawa. Agad kong pinahid iyon. May kung anong saya ang lumukob sa akin nang makita ko ang posisyon nilang mag-ama. Hindi ko maitatangging para silang pinagbiyak na bunga, parehong pareho ang kulay ng buhok, ang kulay ng kutis nila na moreno. Ang---
"Athena, anak! Andito kana pal---" Nabaling ang atensiyon ko kay Mama na napahinto sa paghakbang habang nakatingin sa lalaking nasa aking tabi ngayon at karga-karga parin ang aking anak na nakayakap sa kanyang leeg. Halos nakalimutan ko na na andito pala kami sa bahay ni Mama.
"Opo, Ma. Andito po pal---" Naputol ang aking pagsasalita nang humakbang palapit si Mama kay Anthon at agad pinisil ang braso nito na parang masayang masaya siyang dumalaw ang isa rito.
"Anthon, anak! Sa wakas ay nagkita narin kayo ng apo ko." Napatingin ako kay Mama sa aking narinig. Sa tono ng pananalita niya ngayon ay parang palagi si Anthon na bumibisita sa kanya. Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon dahil kahit noong una pa man ay napaclose na ni Anthon sa aking pamilya. Tinuring na rin siyang tunay na anak nina Mama at Papa. Nagmano agad si Anthon kay Mama na parang hindi man lang siya nanibago sa presensya ng aking ina. Para akong estatwa na nakatayo parin habang iginigiya ni Mama si Anthon papuntang sala na hanggang ngayon ay nakakarga parin si L.A. sa kanya at nakapulupot ang kamay sa kanyang leeg. Humahagikhik ito. Hinahalikan ni Anthon ang leeg, mukha at kili-kili ni L.A. kaya naman ang huli ay parang hindi na makahinga sa kakangisi.
"Daddy? You're not busy anymore?" Napahinto ako sa pagsunod sa kanila nang marinig ko ang tanong ni L.A.
"Yes, big guy. Starting today, I have a lot of time for you. We'll play and sleep together. I'm sorry if ngayon ko lang kayo makakasamang muli. I'll promise, I'll make it up to you, big guy." Napatingin ako sa direksiyon ni Anthon na ngayo'y nakangiti ang singkit niyang mga mata habang nakikipag-usap sa kanyang anak. Marahan niyang ibinaling ang tingin sa akin habang binibigkas ang mga huling salita na parang may gusto siyang ipahiwatig. Naguilty tuloy ako nang maalala kong inisip ko noon na hindi matatanggap ni Anthon si L.A. pero mali ako. Maling mali.
"Mabuti naman, anak at hindi mo na pinatagal pa ang pagkikita nilang mag-ama. Masayang masaya ako para sa inyong dalawa. Hindi na kayo mahihirapan pa." Makabuluhang sabi ni Mama habang iginigiya ako sa kusina. Napahinto ako nang marinig ko ang malakas na tawa ni Anthon sa sala habang sinusundan ng bungisngis ni L.A. Ganito pala ang ambiance ng bahay kapag buo ang pamilya. Naalarma ako nang maalala ko ang asawa ni Anthon. Shit!
"Hindi ko po ipagdadamot si L.A. kay Anthon, Ma. Alam niyo naman po iyan." Wala sa sarili'y ay bumuntong hininga ako.
"Anak? Wala na ba talagang pag-asa na magkabalikan kayo?" Nabigla ako sa tanong ni Mama sa akin. Hindi niya ba alam na may asawa na si Anthon?
"Wala na po. May sari-sarili na po kaming buhay, Ma. At may asawa na po si Anthon." May kung anong kirot akong naramdaman habang iniisip ang aking anak na lumalaking hindi kasama ang sariling ama.
"Asawa? Si Anthony? May asawa?" Tanong agad ni Mama sa akin na kung makatingin ay para akong tinutubuan ng isa pang ulo.
"Opo." Malungkot kong usal na parang natalo ako sa kung saang pustahan. Bakit ba kasi ako makaramdam ng ganito?
"Naku, Athena! Kailangan niyo talagang mag-usap dalawa. At utang na loob, anak. Piliin mong makinig, huwag puro galit ang sinusunod, isipin mo ang kalagayan ni L.A. bago ka magdesisyon." Pinisil ni Mama ang aking balikat at agad na nagpaalam para tumungo na sa kanyang kuwarto. May tatawagan pa raw siyang kaibigan. Naiwan akong sinasapo ang aking mukha dahil, obviously, kanina pa ako naguguluhan sa inaakto ng mga tao rito sa loob ng bahay.
"Daddy, stoooop! It's ticklish!" Tumatakbo si L.A. papasok ng kusina na parang may humahabol sa kanyang kung ano sa likod. Yumakap agad siya sa aking baywang at isinubsob ang kanyang maliit na mukha sa aking katawan. Napalingon ako sa makisig na lalaking nakasandal sa pader malapit sa pintuan. Nakahalukipkip ito at malutong na tumatawa. Ngayon ko lang ulit narinig ang malakas niyang pagtawa simula noong bumalik kami rito sa Pilipinas.
"Louise Andrei." Mariin kong bigkas sa pangalan ni L.A. na ngayo'y huminto sa pagtawa. Alam na alam na ni L.A. ang tono ko kapag kailangan na niyang magbehave.
"I'm sorry, Mom." Tumingala si L.A. sa akin habang ibinaba ko ang aking sarili para magpantay ang aming mukha.
"Love, did you eat already?" Tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ko parin siya sa balikat. Tumango naman agad ito sa akin at lumingon sa kanyang daddy.
"Did you eat already, Dad?" Bumaling ako sa direksiyon ni Anthony na ngayo'y humakbang palapit sa aming dalawa.
"Not yet, Baby. Come here, let's ask Lola if she can go with us. Let's eat out." Hinawakan ni Anthon ang maliit niyang kamay at kinarga ito. Hahakbang na sana siya'y pinigilan ko agad siya. Anong eat out ang pinagsasasabi ng mokong na 'to. Nakalimutan niya na bang may asawa siyang iniwan sa kung saan mang bahay ito nakatira? Tiningnan ko siya ng masama at agad na binawi iyon. Baka makita pa ako ng anak ko.
"Love, could you please go to your room, first? May importanteng bagay lang kaming pag-uusapan ni Daddy." Kinuha ko agad si L.A. sa makisig na bisig ni Anthon at ibinaba ito. Hinalikan ko agad ang noo ng anak ko matapos itong tumango. Bago pa siya lumabas ng kusina ay agad itong yumakap sa hita ng kanyang ama.
"You'll sleep here with us, right, Daddy?" Tumingala si L.A. kay Anthon na parang nagsusumamo ito.
"Love, Daddy is bus---" Pinutol agad ni Anthon ang aking sinasabi.
"Of course, Baby." Napaawang ang mga labi ko nang narinig ko ang sagot niya. What the heck?! Tiningnan ko siya ng masama habang nagkibit-balikat lang siyang humalik sa noo ni L.A. Malawak ang ngiti ng aking anak habang tinatahak ang kanyang kwarto.
BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...