Athena
Matapos ang 30 minutes na pag-aayos sa aking mukha ay halos hindi ko makilala ang aking sarili. Kitang-kita ko sa sarili kong repleksiyon sa salamin ang pagmumukha kong tao ngayon. Mahusay ang pagkakagawa sa aking buhok na parang sa mga artista ko lang nakikita ang perpektong big waves na nagbibigay volume sa aking boring straight hair ngayon. Light make up look ang ginawa sa akin ng dalawang binabae habang pumapalakpak pa silang dalawa at binabati ako. Well, kahit naman ako'y namangha talaga sa make-over nilang ginawa sa akin. I'm not into make up thing, mas komportable akong walang kolorete ang aking mukha dahil mas makakangisi ako nang maayos. Agad na pinalitan nila ang damit ko at ipinasuot sa akin ang vintage soft organza white dress. Gusto ko sanang magprotesta pero wala na akong magawa. Hindi ko alam kung anong trip ni Hannah bakit niya ako dinala rito sa kanyang kwarto at ginawa pa talaga akong totoong tao? May pupuntahan ba kami? Uunahin ko pa talaga 'tong okasyon na pupuntahan namin over Anthon's situation? Goodness' sake! Kailangan ko ng tapusin ito para mapuntahan ko na si Anthon sa hospital.
"Ready?" Agad na dumungaw si Hannah habang ngumingiti. Mas lumaki ang kanyang mata nang humarap ako sa kanya.
"Oh.My.God. May Anthon na hindi makakatulog mamayang gabi. I'll promise!" Patiling yumakap si Hannah sa akin na parang kinikilig.
"Wait. For the love of God, Gang! Could you please, at least, tell me what's going on right now?" Mariin kong tanong habang nagsusumamo akong nakatingin sa kanya.
"Okay. What's goin' on right now is actually none of your business. But I really need your help, Gang. Please, don't untie your blindfold and don't ever dare to take a peek." Sagot niya agad sa akin habang marahan niyang tinatabunan ang aking dalawang mata. What the heck?! Ano 'to? Naramdaman ko nalang ang paghawak niya sa dalawa kong kamay habang iginigiya ako palabas ng kanyang silid, narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto, naramdaman ko ang pagsakay namin sa elevator at ang paglalakad namin sa lobby? So? We're really going somewhere?!
"Where the hell are we going Hannah?! Pwede mo naman kasing sabihin sa akin at hindi mo na kailangan pa akong i-blindfold! Sasama naman ako sa iyo." Hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan ngayon. Alam kong nasa loob kami ng sasakyan na kung sino. Pagtitipa lang ng screen sa cellphone ang aking naririnig ngayon.
"Nah! I doubt the last line of yours, Ms. Ruiz-Enriquez." Biglang kumabog ang aking dibdib nang marinig ko ang surname ni Anthon. Ano ba 'tong ginagawa ni Hannah sa akin?
"Stop English-ing me babae ka! 'Pag ako hindi makapagpigil, Hann---" Hanggang ngayon ay hawak-hawak niya parin ang dalawa kong kamay.
"We're here, Gang." Putol agad niya sa aking sinasabi sabay sa paghinto ng sasakyan sa kung saan. Naramdaman ko nalang na marahan niya akong iginigiya palabas ng sasakyan. Ramdam na ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Rinig na rinig ko ang alon ng dagat. Dagat? Nasa tabing-dagat kami ni Hannah? Bago pa ako makapagsalita ay agad na bumitaw si Hannah sa aking kamay.
"F.Y.I. You're so beautiful, Gang. Please, be happy. Take off your blindfold now." Bulong ni Hannah sa akin. Marahan kong hinubad ang blindfold na nakatabing sa aking mga mata. Nakapikit parin ako sa mga sandaling ito. Agad na kumabog ang aking dibdib nang unti unti kong nauulinigan ang tugtog na sa simula pa'y mahina lang ito ngunit papalakas ito sa aking pandinig?
Stuck on you.
I've got this feeling down deep in my soul that I just can't lose,
Guess, I'm on my way...
Napadilat ako, lumantad sa akin ang dapit-hapong liwanag, simula sa aking paanan ay may red carpet at may candle lit aisle.
...Needed a friend
BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...