Athena
"I know, Kuya told me. Kailan ba kayo magpapakasal para makagawa na kayo ng sarili niyong Mika at Miko para may kikilitiin ka na non-stop!" Tumatawang sabi niya sa akin habang iniaabot ang maliit na baso na may lamang ice cream. Kuya ang tawag nila kay Anthon kahit na mas matanda pa si Ate Sweet at Ate Mich sa kanya. Nag-iisa lang kasi siyang lalaki sa limang magkakapatid. Awe. Kilala na talaga ako ng pamilya ni Anthon. Favorite ko kasi ang ice cream kaya siguro una niyang inialok ito sa halip na ibang pagkain. Inabot ko ito agad gamit ang aking kaliwang kamay habang ang aking kanang kamay ay kinakarga si Miko na ngayo'y naglalaro na sa kanyang dalawang kamay. Isinusubo niya ito sa kanyang bibig at ipapahid sa aking mukha. Napapatili nalang ako sa tuwing ipinapahid niya ang basang kamay sa mukha ko. Nasa kaliwang kamay ko parin ang isang basong ice cream habang kinukuha ni Ate Sweet si Miko sa akin, para makakain na ako ng maayos. Nagpupumiglas si Miko at umiiling sa kanyang Mama. Ayaw niyang magpakuha. Napatawa nalang ako sa bata. Umiiling nalang si Ate Sweet habang nagpaalam saglit sa akin. Kakamustahin niya muna ang kanilang mga bisita. Ngayon ko lang napansin na nakasimangot si Mika at nakanguso na nakatingin sa akin. Nakahalukipkip siya sa isang sulok malapit sa kanilang divider. Ayay! Nagseselos na naman ang ate sa bunso. Ganyang ganyan siya kapag nagpapakarga si Miko sa akin o kapag nakatuon lang ang atensiyon ko sa bunsong kapatid niya. Nilapitan ko siya habang karga karga parin si Miko. Iniwas niya ang mukha niya sa akin na parang nagtatampo. Ibinaba ko ang aking katawan para magpantay ang aming mukha. Tumingin siya sa akin na nakanguso parin. Inilapag ko ang aking hinahawakang baso na may tunaw na ice cream sa isang upuan na malapit sa kanyang painaghahalukipkipan. Inabot ko ang kanyang braso na nakahalukipkip parin sa kanyang dibdib. Napatawa nalang ako, para siyang matanda na nagseselos. Inilapit ko siya at ikinandong sa aking kaliwang hita.
"What's wrong, Baby?" Malambing kong tanong sa kanya habang hinahalikan ang kanyang pisngi. Amoy mangga siya at tsokolate.
"You don't love me! You always love, Miko! Hmp!" Pagmamaktol niyang turan sabay lingon sa kabila para maiwas niya ang kanyang mukha. Nakakandong parin siya sa aking hita habang ang kapatid niya ay patuloy sa pagpahid ng basa niyang kamay sa aking mukha at leeg.
"Sinong may sabing hindi kita love? Hmmmm?..." Malambing kong sagot sa kanya habang kinukuskos ko ang aking ilong sa kanyang maliit na leeg. Agad siyang humarap sa akin na nakanguso parin.
"You. You always let Miko sits on your lap. You don't want to carry me because I'm already 5 years old?" Panguso niyang sabi sa akin na parang maiiyak na. Hinigpitan ko ang aking yakap sa kanya kahit nangangawit na ang aking paa at hita sa sobrang bigat nilang dalawa. Lalong nagsumiksik si Miko sa aking balikat habang inilibot ang maliit niyang bisig sa aking leeg. Basang basa na ako ng laway ng bunso ngunit hindi ko iyon ininda. Napangiti ako sa ginawa ni Miko na para pang nanunudyo sa kanyang ate. Oh! How I love these little kiddos!
"That's not true, little bug. Even if you're already big, even if you grow taller than Tita Thena, you're always be my little bubble buddy. I love you both. Don't get jealous to your little brother, okay?" Pagpapaliwanag ko sa kanya habang kinukuskos ko ang aking ilong sa kanyang maliit na ilong na sumisinghot singhot pa. Panay parin ang subo at pahid ni Miko sa kanyang maliit na kamay at ipupunas sa aking leeg at mukha.
"Even if you'll have your own baby?" Nabigla ako sa tanong niya. Inilayo ko bigla ang aking mukha sa kanya at malambing na tiningnan. Of course, I do! Nakanguso parin siya at sumisinghot na parang iiyak na naman dahil sa kanyang tanong. Bago ko pa masabi sa kanya kung anong nasa isip ko ay naunahan na ako ni Anthon.
"Of course, Baby. You'll always be our baby princess." Biglang sulpot ni Anthon sa aming likuran at kinuha niya si Mika sa akin. Binigyan ko siya ng knowing smile. Alam niya talaga kung kailan siya papasok sa eksena. Napanguso nalang ako ng 'thank you' para sa pagsalba sa kanyang pamangkin. Ngawit na ngawit na talaga ang aking mga hita't paa. Ipinilig agad nito ang kanyang ulo sa leeg ng kanyang Tito Anthon. Aw. Ang sarap nilang tingnan, para silang mag-ama na nagpapalambing ang isa. Para niya talagang sariling anak si Mika sa mga sandaling iyon, sinasapo ang likod para tumahan. Nabaling ang atensiyon ko sa bunsong kapatid nito na hindi na naglilikot. Napangiti ako na makita ko ang nakaawang na maliliit na mga labi, nakapulupot parin sa aking leeg ang malilit niyang braso habang nakapikit ang mga mata. Pinagpapawisan ang kanyang noo kaya maingat kong idinampi ang aking kamay at pinahid ang pawis nito.
"He really likes your smell, Babe. Kung ako, mahihirapan pa akong magpatulog sa kanya. Likot ng likot." Nabaling agad ang atensiyon ko kay Anthon habang nagsasalita at siya nama'y nakatingin kay Miko na mahimbing na natutulog sa aking balikat. Karga-karga parin niya si Mika. Nakatayo na kami pareho. Napatawa ako ng mahina sa kanyang sinabi. Every time kasi na kinakarga ko si Miko ay ilang minuto lang talaga siyang naglalaro. Pagkatapos niyan ay maiidlip na sa gitna ng aking leeg at balikat. Minsan pa nga ay iiyak kapag ililipat na sa kama. Kahit ngawit na ngawit na ang kabilang parte ng aking katawan ay kinukuha ko nalang siya at ipuwesto pabalik sa aking leeg, napapatawa nalang ang Mama niya. Napalapit na talaga ako sa pamilya ni Anthon. Hay. Ang sarap talagang makasama siya, sila. Napaisip tuloy ako kung paano kaya kung hindi naghiwalay sina Mama at Papa? Paano kaya kung hindi kami iniwan ni Papa noon? Siguro ganito rin kami kasaya kahit kami lang tatlo magkasama.
"Like Tita, like nephew." Tumatawang sabi ni Anthon na nagpabalik sa aking diwa. Dinampian niya ako ng isang halik sa aking noo pagkatapos ay hinimas niya ang pisngi ni Miko. Inirapan ko siya ng masama nang marealize ko kung anong ibig sabihin ng kanyang sinabi. Madali kasi akong makatulog kapag nakasandal ako sa kanya o kapag naihilig ko ang aking ulo sa kanyang leeg. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang epekto niya sa akin. Kaya naman sa tuwing nanghihikab na ako ay alam na niya kung anong pwesto ako mas komportable. Hindi naman siya nagrereklamo. Napangiti nalang kami pareho. Sa ganoon kaming estado nadatnan ng pinsan niyang si Chris.
"Bro, bagay na bagay sa inyo ang magkaroon ng dalawang anak." Komento ni Chris matapos tinapik ang kaliwang balikat ni Anthon. Nakasandal parin ang ulo ni Mika sa kanyang kanang balikat at nag-uumpisa ng maghikab.
"Gusto ko na nga, Chris eh. Kaso si Bossing---" sagot agad niya sa pinsan na alam niya na kung anong gusto nitong ipahiwatig. Saglit na nagkamustahan ang dalawa at nagpaalam na kami para mailipat na ang mga bata sa kwarto.
"There you are." Pabulong niyang sabi habang nakatingin sa dalawang bata na mahimbing ng natutulog sa kama. Si Ate Sweet naman ay sumunod sa amin sa loob ng kwarto para tingnan ang dalawang anak.
"Thank you, Theen. Ikaw talaga ang susi para makatulog ng mahimbing itong si Miko." Pagpapasalamat ni Ate Sweet sa akin habang inaayos niya ang kama. Nilagyan niya ng mga unan ang magkabilang gilid ng mga bata para hindi sila mahulog.
"It's my pleasure, Ate Sweet." Umupo ako sa gilid ni Miko habang hinahaplos ko ang kanyang pawisang noo. Kahit naka-on na ang air conditioner sa loob ng kwarto ay pinagpapawisan parin siya. Tumabi agad si Anthon sa akin. Pumwesto siya sa bandang likuran ko. Ipinulupot niya ang kanyang dalawang kamay sa aking baywang. Napasinghap ako nang maramdaman kong dinadampian niya ang aking leeg ng maliliit na halik. Pinisil ko agad ang kanyang kamay na nasa aking tiyan nakadantay. Kahit na apat na taon na kaming magkarelasyon ay nahihiya parin ako sa harap ng kanyang pamilya kapag naglalambing siya sa akin. Natawa si Ate Sweet sa amin. Nahuli niya palang pinisil ko ang kamay ng kanyang kapatid.
"Okay lang iyan Theen, parang hindi kana nasanay." Hindi napigilang ngumisi ni Ate Sweet sa aming dalawa. Minsan kasi kapag nasa bahay nila ako ay magkukwentuhan kami ng mga kapatid niya sa sala pagkatapos ay tatawagin ka nalang bigla at papuntahin sa kwarto niya. Mapapailing nalang ako. Pati sa mga kapatid niya pini-flex niya ang pagka alpha.
"Napakatouchy mo, andito pa si Ate Sweet sa harapan natin." Pabulong kong paalala sa kanya habang nililingon ko siya. Mas ikinatuwa pa talaga ni Ate Sweet iyon. Alam kong narinig niya ang aking sinabi.
"Sorry, I can't help it." Bulong na sagot ni Anthon sa akin. Ipinatong niya ang kanyang mukha sa aking kanang balikat at ipinilig niya ang ulo niya sa aking mukha. Nakayakap na siyang mahigpit sa akin. Ngumingiting umalis si Ate Sweet sa kwarto. Nagpaalam na lalabas para asikasuhin muli ang bisita. Nagpresenta si Anthon na kami na ang bahalang magbantay sa dalawang bata. At tama nga ang naisip ko dahil nang pagkasara'y pagkasara ng pinto ni Ate Sweet ay tumayo agad siya para ilock ito.
BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...