Anthon
Nangangati na ang kamay kong abutin ang aking cellphone para tawagan ang aking Athena. Pero naalala ko ang sinabi niya kahapon sa akin bago niya akong paalisin sa kanyang apartment.
"Don't text me or call me! I'll be the one to call you!" Pairap niyang sabi sa akin na ikinabigla ko. What the hell? Anong problema niya? Pero naisip kong baka she's having her period. I knew that because of the hormonal imbalance. Worse, they're having moodswings. I have 4 sisters kaya alam ko ang ugali ng mga babae kapag dinadatnan sila. Napabuntong hininga nalang akong lumabas ng apartment niya kahapon kahit gustong gusto ko siyang hawakan at yakapin. Damn!
Hindi pa agad ako umalis sa tapat ng apartment niya. Napailing nalang ako. At ngayon ;ay wala parin akong natatanggap na ni isang text message or call man lang. Fuck! She's driving me crazy! Napasandal ako sa swivel chair at tinawagan ko si Ate Mich.
"Hello, Kuya." Sagot agad ni Ate Mich sa akin sa kabilang linya.
"Ate, Mich. Do me a favor please?" I can't help myself. I just want to make sure that my woman is okay right now.
"Sure, Kuya. What is it?" Tanong agad ni Ate Mich sa akin.
"Call Athena, please. She doesn't want me to call her nor send messages to her." Gusto kong magmura dahil parang napakahopeless ko ngayon. Kaya ko namang puntahan ang girlfriend ko pero pinigilan ko ang aking sarili dahil si Ate Mich ang aking kausap sa kabilang linya. Narinig ko bigla ang pagtawa ng nakatatanda kong kapatid.
"Hay! Kuya! Akala ko pa naman ano na ang problema mo. Simple advice from a woman, ayaw namin ang too possessive na boyfriend ha. Nasasakal din kami. But yes, I'll call her." Pagkatapos niyang sabihin ay agad niya akong binabaan. Damn! Possesive? Am I Possessive to Athena? I just can't imagine na nasa piling siya ng ibang lalaki. Nakakuyom ang aking kamao nang maisip iyon. Shit! Tumayo ako at pinakalma ang aking sarili. Napalingon ako sa pintuan nang may tatlong katok akong narinig.
"Come in." I expect Jake with the papers may inaasikaso kasi kami for the bidders and kami dalawa ang nakatoka roon. Pero nang iniangat ko ang aking tingin ay mas lalong kumunot ang aking noo at nagtagpo ang aking makapal na kilay.
"What the hell are you doing here?!" Paasik kong tanong kay Hillary na hindi man lang tuminag sa aking boses at nagmartsa pa talaga palapit sa akin. Agad niyang ikinawit ang dalawang braso niya sa aking leeg at hinalikan ako sa labi.
"Hmmm. I miss you, Baby." Ungol nito habang kinakagat ang aking ibabang labi.
"Damn! Hillary!" Mahigpit ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat at inilayo sa akin. Agad naman siyang tumungo sa aking desk at sumandal dito. I can't imagine this woman!
"I just visited you, Ba---" malambing niyang turan habang nakatitig parin siya sa akin. Nakasuot siya ng black dress na napakaiksi at halos mailuwa na ang kanyang dibdib.
"You don't need to. Get out of my office right now." Pinutol ko agad siya sa pagsasalita at pagalit ko siyang tiningnan. Ubos na ang pasensya ko sa kanya.
"Easy, Anthony. I just want to be with you. Bakit ba kasi ayaw mo sa akin. Maganda naman ako at mas lalong magaling pa sa girlfriend mo. Let me just remind you last time we've made it. You moaned and---" Nakalapit na siya sa akin at nakakawit na ang kanyang dalawang braso sa aking leeg. Napaharap ako sa kanya at nakakuyom ang aking kamao. Akmang tatalikuran ko siya at tutungo sa pinto para palabasin siya ay nahalikan na niya ako. Marahas ko siyang tinulak na ikinasandal niya sa aking mesa at doon itinukod ang kanyang dalawang kamay.
"Yes! We kissed and We fucked! Pero hang---" Naputol ang aking sinasabi nang narinig ko ang pagbukas ng pinto sa aking likuran. Iniluwa ang aking Athena na pulang pula ang mata. Fuck! This can't be! Para akong naestatwa sa aking kinatatayuan. Umurong ang aking dila nang makita ang malamig niyang tingin sa akin. Agad akong lumapit sa kanya.
"You both kissed?! You both fucked?!" Isang sampal ang dumapo sa aking pisngi at umalingawngaw ito sa aking opisina. Napapikit ako ng mariin dahil nakikita ko ang mukha ni Athena na umiiyak. Parang dinudurog ako sa sakit. Damn! Pagkadilat ko'y isang malakas na hampas ng pagsara ng pintuan ang bumungad sa akin. Napasinghap naman agad si Hillary na ngayo'y nasa likuran ko paring nakatayo. Napasapo ako sa aking mukha at nagngingitngit sa galit.
"Get the hell out of here!" Pasigaw kong sabi sa kanya. I don't give a damn kung buong building pa ang makarinig sa sigaw ko! Damn it!

BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomansaA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...