Athena
Limang araw na rin ang lumipas nang bumalik ako sa Singapore. Kahit sa kabila ng napakabusy kong schedule sa opisina'y ginagawan ko talaga ng paraan para masagot ko ang video call ng aking mag-ama. Araw-araw nagpapadala ng picture si Anthon kasama si L.A. na naliligo sa tub, nagluluto ng hapunan, naglalaro sa sala at magkatabing natutulog sa kama. Oh! Napakasaya ko habang tinitingnan ko ang kanilang pictures dalawa. Para talaga silang pinagbiyak na bunga. Isang buntong hininga ang aking ginawa at kinuha ang isang papel sa aking desk. Tumayo ako at tinungo ang opisina ni Sir Rodge. Kumatok muna ako bago ko pinihit ang doorknob. This is it, Athena.
"Sa aura mo palang ngayon, you're screaming bad news." Bati agad ni Sir Rodge sa akin instead of saying 'good morning'. Sumilay ang matipid na ngiti ko sa aking labi at marahan kong inilapag ang puting papel sa kanyang harapan. Nakakunot noo niyang kinuha ito pinasadahan ng tingin na parang alam na niya kung ano ang nakasulat dito.
"If you don't mind, could you please have a seat first, Athena Margarette Ruiz?" Iminuwestra niya ang upuan na nasa harapan ng kanyang office desk. Kung hindi ko lang siya boss bestfriend ay ma-i-intimidate na ako sa kanyang pagtawag sa akin. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan at pinagsalikop ang dalawang kamay na ngayo'y nakatukod sa kanyang mesa. Napakalalaki niyang tingnan, napakatikas ngunit hindi alam ng karamihan na malambot ito sa loob.
"I'm expecting this but not this... I mean... too early, you know?" Tumitig siya sa akin, 'yung titig na 'I-know-you-know' stare of him.
"I'm sorry, Sir Rodge. You helped me a lot since day 1 and God knows how I'm so grateful to have you. This is not a goodbye for both of us, you know." Nagpakawala ako ng mahinang tawa para mapigilan ko ang aking sarili sa pag-iyak. Since day 1 ay napakabait na niya sa akin kaya nga ay naging boss bestfriend ko siya. Noong pagkabalik nang pagkabalik ko rito sa Singapore ay agad kong binuo ang aking desisyon. Magri-resign na ako sa trabaho para naman makabawi ako sa mga panahong hindi ko nakasama ang aking pamilya. Mahal ko ang aking trabaho at napamahal na rin ako sa kompanya pero oras na siguro para pagtuunan ko naman ng pansin ang aking pamilya. Biyernes ngayon kaya pinili kong i-submit ang aking resignation letter. Alam kong 1 month pa ang effectivity date nito. Hindi ko muna sasabihin kay Anthon dahil gusto ko siyang surpresahin.
"I can't force you to stay here, Marj. Alam kong darating ang araw na hihinto tayo sa pagtatrabaho at uuwi sa ating pamilya. But please, don't forget that I'm always here for you. Kung gusto mo na namang maglayas sa daddy ni L.A. ay open arms and open legs kitang tatanggapin." Naramdaman ko nalang ang mahigpit niyang pagyakap sa aking likuran. Oh! Napakaswerte ko para maging kaibigan siya at the same time maging boss.
"Open arms and legs huh!" Marahan kong tinampal ang kanyang braso habang nagpakawala ng buntong-hininga. Ayokong maiyak sa harapan niya baka mabasa ko pa ang kanyang suit.
"Of course. Alam ko naman kung lalayas ka ulit ay hahanapin ka 'nung hot daddy ni L.A., tama? So, expected na didiretso siya rito sa akin. You'll be my bait to catch him, Marj! Ano ba! So slow huh!" Kung hindi ko lang talaga siya boss bestfriend ay kanina ko pa siya binatukan! May gut pa talaga siyang ilahad sa akin ang madilim niyang plano huh?! Noong araw na pagkabalik ko ay isinalaysay ko sa kanya ang lahat minus the hot scenes dahil napakabulgar ko naman atang empleyado at bestfriend kung pati 'yon ay ikukuwento ko pa sa kanya. Nabigla pa siya sa kanyang nalaman ngunit kalauna'y parang na-digest na niya lahat. Kaya siguro ay alam na niyang nagpaplano na akong magresign.
"Ah slow. Kung batukan kaya kita ngayon slow---ly for your fantasy?!" Pabiro kong asik sa kanya na ikanatawa naman niya. Lumayo agad siya sa akin na parang na siseryosohin ko ang aking sinabi.
"C'mon, Marj. I'm your bestfriend here. I don't mind if you wanna share him to me." Patuloy niyang pangungutya sa akin.
"Utang na loob, Rogene Agore. 'Wag siya." Inirapan ko siya habang naghalukipkip ako sa kanyang harapan na parang nagbabanta. Humalagakpak ang kanyang tawa sa loob ng kanyang opisina. Natawa na rin ako.
"No, seriously, Marj. I'm so happy for both of you. Akalain mong nilayasan mo siya ng apat na taon pero look at you now! I mean, you two are meant for each other. Kahit nga siguro'y ilang taon pa ang lilipas, you'll end up with him. Indeed, you've stuck to each other!" Makabuluhan niyang turan sa akin habang isinasandal ang kanyang likod sa kanyang swivel chair. Agad kong naalala ang una naming pagkikita ni Anthon noon sa parking area ng grocery store. Sumilay ang ngiti ko nang naramdaman ko ang pamilyar na kaba sa aking puso.
"I guess so, Sir Rodge. Thank you. And I know, darating ang araw na makakasama mo rin ang taong para sa iyo." Ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis-tamis. May boyfriend siya ngayon at masaya sila sa isa't isa. Naihiling ko nalang na sana ay sila nalang dalawa.
"I'm praying for that, Marj. Anyway, bukas ang flight mo pauwi, tama?" May lungkot na sumilay sa kanyang mga mata ngunit nawala naman iyon doon.
"Yes, Sir Rodge." Bukas na nga ang uwi ko. Ito 'yung binook sa akin na flight ni Anthon na hindi pa nga ako nakabalik ng Singapore ay may ticket na akong pauwi.
"Okay then, pack your things up, Darling and you don't need to fly back here on Monday." Napanganga ako sa kanyang sinabi.
"What do you mean by not flying back here? Is my resigna---" Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi.
"Yes. Kahit masakit sa akin na i-let go ka ngayon, Marj. Still, I'll do it. You know, I love you so much, bestfriend. Gusto kong sumaya ka and duhh... obviously, your happiness is in the Philippines so better to grab your sexy ass and chase your love of your life! Why prolonging your agony na pwede ko namang aprubahan ang resignation letter mo ngayon din?" Mahaba niyang litanya sa akin na ikinalaglag ko ng panga! Oh! I love this man!
"Thank you so much, Sir Rodge. I love you, you knew that." Hindi ko na hinintay ang kanyang isasagot dahil mabilis pa sa 0.0001 millisecond ay nayakap ko na siya ng mahigpit.
"Nah! Thank me later, Darling." Tinapik niya ang balikat ko habang sumilay sa kanya ang makabuluhang ngiti sa mga labi. Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon. Matapos ko uling nagpasalamat ay lumabas na ako sa kanyang opisina na hindi maalis-alis ang malapad na ngiti sa aking mga labi. Thank you, God.
BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...