Athena
Pagkatapos ng pag-uusap namin nina Hannah at Nefea ay tinawagan ko agad si Tiya Lusing. Kinumusta ko ang kalagayan ng aking anak. Napangiti nalang ako nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya. Parang pilit niyang kinukuha ang telepono kay Tiya Lusing. Tama nga ang nasa isip ko nang magsalita siya sa kabilang linya.
"Mommy. Mommy." Oh! How I love this boy.
"Hello, Love! How are you there?" Agad kong tanong sa kanya. Napagtanto kong 4 years old na nga siya ngayon, ang bilis lang talaga ng panahon. Napakatalino niyang bata. Like father, like son. Sa isip isip ko. Parang hindi nga ako naniniwala sa mga scientist na nagsasabing children inherit their intelligence from their mother not their father.
"I'm good, Mom.. I'm eating ice cream right now. You want?" Napatawa nalang ako nang marinig ko ang pagtawa ni Tiya Lusing sa kabilang linya. Alam kong kahit hindi ko nakikita ang aking anak ngayon ay sigurado akong nakalahad nga ang kamay nito na may hawak na ice cream sa kung saan na parang ibinibigay ang pagkain sa akin. He loves ice cream and books too. Mabuti nalang minana ni L.A. ang pagkahilig ko sa ice cream at pagbabasa dahil kung nagkataon na hindi ay parang iisipin kong hindi siya nanggaling sa akin. His all features, from hair to toe ay minana niya sa kanyang ama. Sabi nga nina Mama, Hannah at Nefea sa akin noon ay sobrang inlove daw ako kay Anthon dahil kamukhang kamukha raw ni L.A. ang kanyang ama na ikinaismid ko naman. Well, scientifically speaking, he has just have his strong genes! Inlove! Inlove his ass!
"Thank you, Love. Be good always to Tiya Lusing okay? And please, brush your teeth---"
"Yes, Mom. I'll brush my teeth after this. Promise!" Putol niya agad sa aking sinasabi na parang alam na niya kung ano ang aking tinutukoy. Nililimitahan ko siya sa pagkain ng matatamis dahil ayokong masira ang maganda niyang ngipin ngayon at worse, ay sasakit pa kung may sira ito. I can't afford to see my son na iiyak dahil sa sakit ng ngipin. Call me what but yes, I'm too protective when it comes to him.
"I love you always, Love." Malambing kong sambit sa kanya.
"I love you too, Mom." He's so sweet na parang mapapatanong nalang ako sa itaas na what did I do to deserve this little sweet boy? Agad kong ibinaba ang aking cellphone matapos naming mag-usap. Napangiti ako habang inaalala ang boses ng aking anak habang sinasabihan niya ako ng I love you.
"Mas lalawak pa 'yang ngiti mo dahil may good news ako sa'yo." Pukaw agad ni Sir Rodge sa aking diwa. Hindi ko namalayang nakatayo na pala siya sa aking harapan at nakadungaw sa akin na nakangiti.
"Sorry, Sir Rodge. I can't help it. Masaya lang ako because L.A. is doing fine. Anyway, ano 'yon?" Nakangisi kong tanong sa kanya. Napalapit narin si L.A. kay Sir Rodge. Minsan narin kaming lumabas na kasama si Sir Rodge. Naging matalik na talaga kaming magkaibigan.
"I know. He's a strong one, Marj. Same as you. Anyway, let's go to my office." Agad siyang tumalikod at tinungo ang kanyang office. Sumunod ako sa kanya at pumasok dito. Umupo siya sa kanyang swivel chair at iminuwestra ang upuang nasa harap ng kanyang office desk.
"We have a new big project and I want you to take over this." Walang paligoy ligoy ni Sir Rodge na nakasadaupang palad, nakapatong ang dalawang siko sa kanyang mesa at itinukod ang kanyang baba na parang ibinigay ang lahat ng bigat ng kanyang mukha. Parang kapatid na ang turing namin sa isa't isa. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay malaki parin ang respeto ko sa kanya bilang isang boss.
"Sure, Sir! Where is the location, then?" Excited kong tanong sa kanya. Alam kong pinagbubutihan ko pa ang aking trabaho dahil ayokong madisappoint siya. Malaki narin ang naitulong niya sa akin at kay L.A.
"In the Philippines." Seryoso niyang sagot na ikinalaglag ng aking panga. Kumabog agad ang aking dibdib. I'm not yet ready. Sabi ko agad sa aking sarili. Pagkarinig nang pagkarinig ko palang sa pangalan ng bansa ay agad na rumehistro sa akin ang mukha ni Anthon. Iwinakli ko agad ito at mariing itinikom ang bibig. Alam ni Sir Rodge na hindi ako tumatanggap ng project kung ang location ay sa labas ng Singapore. Parati kong idinadahilan sa kanya na hindi ko maiwan iwan si L.A. ritong mag-isa.
"I can't take a 'no' for an answer this time, Marj." Seryoso niyang sabi sa akin na parang nababasa niya ang aking iniisip. No! Huminahon ka, Athena! Asik ko sa sarili.
"Yes, of course! I-I'll take it." Pilit akong ngumiti at tumingin sa kanya. Shit! Is this the time? Pero malaki ang Pilipinas. Hindi naman siguro magku-krus ang landas namin doon.
"Look, if you're worried about L.A. you can take him with you. At isa pa, Marj. His grandma and grandpa will be happy if you will take him to them. Hindi mo ba gustong makasama ng pamilya mo ang anak mo?" Mahinahong tanong ni Sir Rodge sa akin habang ang isip ko'y parang sasabog kaiisip kung anong magiging kahinatnan ng pagbalik ko sa Pilipinas.
"Of course, gusto. Okay, Sir. I'll do the project. Thank you." Tipid akong ngumiti at agad na nagpaalam sa kanya. Dumiretso agad ako sa aking cubicle at ikinulong ang aking mukha sa dalawa kong kamay. Oh, my God! Am I ready to face him? Handa na ba talaga akong bumalik? Naalala ko lahat ng paalala nina Mama at Papa pati narin ang banta nina Hannah at Nefea sa akin. Napabuntong-hininga ako at mariing nagdesisyon. Tinapos ko agad ang aking trabaho at nang pagkatuntong ng alas singko ay umibis agad ako at umuwi.
"Masayang masaya ako, Anak at makakasama ko na ang apo kong si L.A.." Masiglang turan ni Mama habang nag-vi-video call kami ngayon. Nasa kandungan ko si L.A. na naglilikot. Nang malaman kong may big project akong tatrabahuin sa Pilipinas ay agad kong sinabi kay Mama at masayang masaya naman ang huli sa kanyang narinig habang ako ay naghaharumintado sa kaba.
"Opo, Ma. We'll stay there in a month." Sagot ko kay Mama na mas ikinatuwa niya pang lalo. Nalaman ko rin kay Sir Rodge na ngayong Wednesday na ang aming flight papuntang Pilipinas. Nabigla pa ako sa aking narinig dahil isang araw nalang ang natitira bago kami lilipad pabalik sa bansang nilayasan ko, nagmamadali raw ang client sa project na ipinapagawa. Even me ay mas gugustuhin kong madaliin para matapos ang lahat as early as possible dahil baka kung tatagal pa kami roon ni L.A. ay may posiblidad na magkakadaupang-palad kami ng kanyang ama and worse, I'm not yet ready for a small reunion!
"See you on Wednesday, Lola!" Masiglang turan ni L.
A. kay Mama habang nagwi-wave pa ito sa screen. Nagflying kiss si Mama sa amin at agad na na-end ang video call. Napagdesisyunan kong dalhin si Tiya Lusing sa Pilipinas para makauwi rin siya sa kanyang pamilya na ikinatuwa naman ng huli. Matapos naming kumain ng hapunan ay pinatulog ko na agad si L.A. nang maaga. Wala na munang bed time story. Nakagawian na naming mag-ina na bago matulog ay babasahan ko muna siya ng paborito niyang aklat. The Little Pince na sinulat ni Antoine de Saint-Exupery. Hinding hindi siya nagsasawang makinig sa story nito. Halos memoryado na niya lahat ng storylines doon. Pati ako ay namemorize ko na ang bawat salita na nakasulat sa aklat. Ikaw ba naman ang magbabasa nito ng paulit-ulit sa loob ng apat na taon? Kahit nasa tiyan ko palang siya noon ay binabasahan ko na siya ng aklat ni Antoine de Saint kaya siguro ay nakahiligan na niyang makinig. Nang maramdaman kong mahimbing na siyang natutulog ay agad akong nag-impake ng aming mga gamit. Naalala ko tuloy 'yung araw na wala sarili'y nag-impake ako ng mga damit at lumipad papunta ritong mag-isa. How ironic the life is. Noon ay mag-isa akong umalis, ngayon may kasama na akong babalik.
BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...