Athena
"He's suffering from acute bacterial infection." Sabi agad ng doctor sa akin nang madatnan ko itong nasa tapat ng pasyenteng nakahiga sa kama. Nang mareceive ko agad ang location na sinend sa akin ni Tiya Lusing kanina ay agad akong nagpaalam kay Sir Rodge at tumungo sa hospital.
"Don't worry, Ms. Ruiz. He'll be fine. The acute diarrhea lasts 1 to 2 days and goes away. This maybe caused by his food or water that was contaminated by bacterial infection." Pagpapaliwanag sa akin ng doctor na ikinabuntong-hininga ko naman. Nabunutan ako ng tinik nang malaman kong hindi long-term or chronic diarrhea dahil kong nagkataon ay mas lalo akong maguilty sa nangyayari.
"Thank you so much for informing me, Doc." Pagpapasalamat ko sa doctor at sa itaas dahil hindi Niya talaga kami pinapabayaan.
"It's my pleasure, Ms. Ruiz. I'll give him drinks called glucose-electrolyte solutions. These fluids have the right balance of water, sugar and salt. And if he doesn't want to drink it by glass then I can give him popsicles." Dagdag paliwanag pa ng doctor sa akin na ipinagpasalamat ko naman sa huli. Pagkatapos naming mag-usap ng doctor ay agad itong nagpaalam at lumabas na ng silid. Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama na nakaharap sa nakaupong Tiya Lusing.
"I'm sorry, Theen." Biglang sabi ni Tiya sa akin. Si Tiya Lusing ay matagal nang nananarbaho rito sa Singapore. Nakilala ko siya sa tinitirhan kong apartment. Naging malapit ako sa kanya dahil magkatabi lang ang aming unit na niri-rentahan kaya naman noong nagkaproblema siya sa kanyang trabaho dahil nagbawas ng trabahante ang pabrika na tinatrabahuan niya rito sa Singapore ay agad ko siyang inalok ng trabaho. Sa awa ng Diyos ay malaki rin ang monthly salary ko bilang employee sa Us-Design Interior na sakto namang makabigay ako ng sahod kay Tiya Lusing at sa pang-araw araw namin. Malaki rin ang tulong na ibinibigay ni Sir Rodge kay Tiya Lusing dahil napamahal narin ito sa matanda. Ang kompanya niya ang nag-aasikaso sa papeles ni Tiya Lusing para manatili siyang makapagtatrabaho rito sa Singapore. Hindi naman ako pwedeng lumakad sa papeles niya dahil pareho lang kaming nagtatrabaho rito. Sa working visa ni Tiya Lusing ay ang Us-Design Interior ang employer niya para wala ng maraming kwestiyon. Laking pasalamat naman namin kay Sir Rodge sa tulong niya noon hanggang ngayon.
"Ako po ang hihingi ng sorry, Tiya. Napakabusy ko these past few days. Wala na akong oras kay L.A. I'm sorry po." Hinging paumanhin ko habang nakatingin ako sa maliit na napakagwapong mukha ng aking anak. He's already 4 years old now. Parang kailan lang na iniluwal ko siya rito sa Singapore. Habang tinititigan ko ang mga singkit niyang mata na ngayo'y mahimbing na nakapikit ay agad rumehistro sa akin ang nakangiting mukha ng kanyang ama. Wala sa sarili'y hinawakan ko ang kanyang malambot na pisngi. Napangiti ako sa nakaawang niyang pulang mga labi. Ang kanyang matangos na ilong at makapal niyang kilay. Kamukha mo talaga si Daddy, anak. Walang wala'y sabi ko sa aking isip.
"I'm really sorry, Baby." Mahina kong sambit sa gitna ng paghalik ko sa kanyang noo. Napakahimbing ng tulog niya. Pinauwi ko na muna si Tiya Lusing sa apartment namin para makapagpahinga. Alam kong pagod na pagod siya sa pag-aalaga sa aming dalawa. Naalala ko si Mama. Agad kong dinial ang kanyang phone number at ilang sandali palang ay sinagot na niya ito.
"Anak! Kumusta kana? Hindi pa ba kayo uuwi rito?" Pambungad na tanong ni Mama sa akin sa kabilang linya. Noong araw na umalis ako sa Pilipinas ay naguguluhan ako kung ipapaalam ko ba ang nangyari sa akin pero nanaig parin ang konsensyang namuo sa aking dibdib. Nang pagkalapag ko sa Singapore ay agad kong kinontak si Mama, alam kong maiintindihan niya ang naging desisyon ko sa buhay. Nabigla si Mama sa akin noon dahil hindi siya makapaniwalang lumabas ako ng bansa na hindi man lang nagpaalam sa kanya at mas lalong hindi siya makapaniwalang hiwalay na kami ng ama ng aking magiging anak. Alam kong mali ang naging desisyon ko sa buhay noon. Alam ko ring nasaktan ko si Mama sa ura-uradang pagdi-desisyon pero sa kabila ng lahat ay nirespeto niya ako. Hiniling ko na rin noon na huwag na munang ipaalam sa ama ng aking magiging anak na nagdadalang-tao ako noon. Sinabi ko sa kanya na ako mismo ang magsasabi. Alam kong masayang masaya siya nang malaman niyang magkaka-apo na siya. Araw-araw nag-vi-video call si Mama sa amin para raw ay mamonitor niya ang paglaki ng kanyang apo. Naipaalam ko narin kay Papa ang lahat at pareho kay Mama ay nirespeto niya ang aking desisyon. Malaki na raw ako at alam ko na ang tama sa mali. Ngunit ang paulit-ulit nilang pinapaalala sa akin ay dapat ipinaalam ko sa ama ng aking anak na nagdadalang-tao ako dahil karapatan din daw niyang malaman iyon. Mas lalo akong naguilty, alam kong mali ang aking ginawa noon na paglayo pero natakot ako noon. At mas lalong natatakot ako ngayon dahil lumalaki na si L.A. paminsan-minsan ay hinahanap niya na ang kanyang Daddy. Ang parati ko nalang sinasagot sa kanya ay busy ang daddy niya sa Pilipinas. Noong 1 year old pa siya ay marunong na siyang magsalita kaya naman ay dinahan dahan kong ipinakilala si Anthon sa kanya gamit ang mga pictures na dala dala ko noon. Alam kong hindi pa niya maiintindihan ang lahat pero sinasabi ko sa kanya na may daddy siya, ayoko ring lumaki siya na hindi niya nakikilala ang kanyang sariling ama. Hindi kaya ng konsensya kong nakikita ang aking anak na lumalaki na hindi pa rin niya nasisilayan ang mukha ng kanyang ama.
"Anak, kailan mo ba ipapakilala si L.A. sa kanyang ama?" Tanong ni Mama sa kabilang linya. Napabuntong hininga ako. Ano bang sasabihin ko kay Mama? Handa na ba akong humarap sa ama ng anak ko?
"Don't worry po. Ipapakilala ko po siya sa kanyang Daddy." Sagot ko kay Mama na kahit hindi ko nakikita ngayon ang kanyang mukha ay alam kong hindi ito naniniwala.
"Kailan, anak? Araw-araw mo na iyan sinasabi sa akin, Theen. Anak, wala ako sa posisyon para tanungin ka kung anong nangyari sa inyong dalawa ni Anthon noon. Pero kahit ano pa ang rason o nagawa niyang mali ay hindi parin tama na inilayo at itinago mo ang anak niyong dalawa. Anak niya parin si L. A., anak. May karapatan siyang malaman iyan." Mahinahong turan ni Mama sa akin sa kabilang linya. Lumukob ang guilt sa aking sarili. Tama naman si Mama. Kahit kailan ay hindi ako hinusgahan ng aking mga magulang sa nagawa kong maling desisyon bagkus ay araw araw pa nila akong pinaaalalahanan.
"Opo, Ma. 'Nga po pala, Ma. Nasa hospital---"
"Anong nangyari, Athena?" Putol agad ni Mama sa aking sinasabi. Napangiti nalang ako nang sumagi sa aking isip ang nakabahalang mukha ng aking ina. Kahit kailan ay hindi niya ako nakaligtaang kumustahin at kausapin. How I missed her so much.
"Nagka-diarrhea po si L.A., Ma pero okay na naman po siya. Huwag po kayong mag-alala riyan." Pagbibigay assurance ko kay Mama na narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.
"Anak, sabi ko naman sa iyong umuwi na kayo rito at nang maalagaan ko kayo ng apo ko." Napangiwi na naman ako sa sinasabi ni Mama sa akin. Everytime na mag-uusap kami ay ganitong ganito talaga ang linya niya. Hindi sa umaayaw ako sa tulong niya o sa iba, ayoko lang talagang maging pasanin pa kaming dalawa ni L.A. kay Mama. Ayokong maging pabigat sa kanya o ninuman. At dapat nga ay ako ang nag-aalaga sa kanya ngayon doon sa Pilipinas. Pero heto ako ngayon, mas piniling lumayo.
"Ma, alam niyo na po kung ano ang isasagot ko po riyan. Huwag na po kayong mag-alala. Okay lang po talaga kami ni L.A. rito. Mag-vi-video call kami later sa inyo kapag gising na siya." Iniba ko agad ang usapan kasi baka saan na naman kami mapunta nito.
"Oh sya, anak. Basta't balitaan mo'ko kung ano na ang kalagayan ng apo ko ha. Mag-iingat kayo riyan. At Athena, huwag mo ng patagalin pa ang pagpapakilala sa mag-ama." Pagpapaalala ni Mama sa akin sa kabilang linya at nagpaalam na kami sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Stuck On You
RomanceA 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect herself from pain after she experienced her first heartbreak at her very young age. She grew an independent and strong woman as the time wante...